Pagka-alis ni Serene ay natahimik naman ang dalawang lalake na dahilan ng pag-iyak ni Serene. Nagkatinginan pa ang dalawa ngunit sa huli ay naunang umalis si Echo.
"Woah! Parang hindi ikaw yun pinsan huh." singit ni Ice na sumulpot pagka-alis ni Echo. Nagulat at napalingon si Hale. Nagtatakang napatitig siya sa nakangising pinsan. Pumalakpak pa si Ice na halatadong iniinis ang ngayoy nakokonsensyang si Hale.
"Nakita mo yung nangyari?" nahihiyang tanong ni Hale. Tumango si Ice.
"Everything. Crystal clear! Parang drama nga eh at may pa exclu-exclusive ka pang nalalaman. Pero insan you we're a jerk!" tsaka tinapik sa balikat ni Ice si Hale na napasandal na lang sa isang puno.
"Jerk ba talaga ako kanina?" tanong ulit ni Hale at ilang beses tumango si Ice.
"Hundred percent. Parang hindi ikaw nga. Saan na yung prince charming charms mo?"
"Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa akin basta nagalit na lang ako nang makita kong dumidiskarte si Echo sa kanya. Is this some sort of disease?" napatingin si Hale sa pinsan.
"Tawag diyan selos! Katulad nang nagselos ako sa iyo pero kalimutan na natin yun. It's all in the past." biglang napangiti ng pagkalaki-laki si Ice na para bang may naalalang maganda. Pinagmasdan ni Hale ang pinsan at tila napadpad na sa alapaap si Ice kaya yinugyog niya ito.
"Hoy! Bakit ba lumalawit yung dila mo? May naisip ka bang x-rated?" tanong ni Hale. Nakangiting umiling si Ice.
"Hulaan mo." nagniningning ang mga mata ni Ice na kahit madilim na ang kinalalagyan nila ay tila mga bituin ang mga mata ni Ice ngayon.
"Anong meron?"
"Basta hulaan mo na, dali at kinikilig ako." nanginig pa si Ice na para bang nakuryente ang buo nitong katawan. Natatawang napatitig na lang si Hale.
"May kinalaman ba kay-"
"Ang tagal mo naman eh! Sasabihin ko na nga." bawi ni Ice.
"Teka at huhulaan ko pa."
"Huwag na at ikukuwento ko na lang."
"Kayo na ni Tiffany?" tanong ulit ni Hale at nadismaya si Ice na inunahan siya ni Hale sa sasabihin. Naiinis na kinutusan ni Ice si Hale at natatawa namang napatingin lang si Hale.
"Kinikilig na akong ikuwento eh."
"Eh di ikuwento mo!" naka-pout na sagot ni Hale.
"Makinig ka huh?" tanong ni Ice at tumango si Hale.
***
Pagka-anunsyo ng nanalo sa ballet performance ay hindi inaasahan ni Ice na kakaladkarin siya bigla ni Tiffany palabas ng auditorium.
"Ui! Bakit ka ba galit?" tanong ni Ice ngunit hindi umimik si Tiffany at nagpatuloy lang sila sa mabilis nilang paglalakad.
"Itatanan mo na ba ako?" tanong ulit ni Ice. Mabilis na inirapan lang ni Tiffany ang binata bago pinagpatuloy ang pagkaladkad sa kanya. Umasta na lang na parang galit si Ice pero tuwang tuwa naman siya at panay ang tingin sa magkahawak nilang kamay.
Nang marating na nila ang likod ng auditorium ay tsaka bumitaw si Tiffany. Nakatingin lang si Ice sa kamay ni Tiffany at nanghihinayang na tapos na ang moment nila.
"Ba-bakit mo ba ako hinatak papunta dito huh?" umarteng galit si Ice. Ilang beses namang huminga ng malalim si Tiffany bago ilinabas ang isang passbook tsaka ito ibinigay kay Ice. Nagtatakang napatitig si Ice sa passbook.
"Ano ito?" tanong ng binata.
"I am buying you with all my wealth." napatitig ang seryosong si Tiffany kay Ice. Napakunot ang noo ni Ice dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Tiffany.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...