CHAPTER 43 - WHAT'S YOUR COLOR?

20.4K 376 37
                                    

Isang malakas at sunod sunod na katok ang gumising kay Serene. Sa pagkagulat nga ng dalaga ay nahulog pa siya sa higaan.

Isinantabi ni Serene ang magulong buhok na tumakip sa kanyang mukha habang parang nagdidiliryo na palingon lingon sa paligid.

"A-ano yun?" papungay pungay ang mata ni Serene na napatingin sa pintuan kung saan palakas pa ng palakas ang pagkatok na tila anumang oras ay babagsak na ito.

"Sinong nandiyan?" malakas na tanong ulit ni Serene ngunit walang sumagot kaya tumayo na rin siya at tumingin saglit sa salamin para ayusin ang sarili. Nalapitan na ni Serene ang pintuan ay hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ang nasa kabila.

"Sino yan?" subok ulit ni Serene ngunit isang malakas na kalampag lang ang isinagot ng nasa kabila. Wala ng nagawa si Serene kundi ang buksan ang pintuan at tumambad sa kanya ang inip na inip na si Yalec. Pawisan at wala ng suot na pang-itaas kundi ang tuwalya na nakasabit sa balikat niya.

"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto? Kanina pa ako katok ng katok." alburoto ni Yalec na dumiretso patungo sa banyo ng kuwarto ni Serene. Nagulat si Serene sa inasal ni Yalec lalo na at parang siya pa ang sinisisi nito. Sa inis ni Serene ay hinabol niya si Yalec at sinarahan ang pintuan ng banyo.

"Te-teka ba-bakit ako ang may kasalanan eh ikaw na itong biglang papasok sa aking kuwarto!" nauutal man ay pinilit ni Serene ang magtapang-tapangan. Tinignan ni Yalec ang mga nanginginig na tuhod ni Serene tsaka niya ibinalik ang tingin kay Serene.

"Nanginginig ang tuhod mo. Tabi ka na." naiinis na pilit pinasasantabi ni Yalec si Serene ngunit hindi nagpatinag ang dalaga.

"Hindi ka aalis?" tinaasan ng boses ni Yalec ang mas determinadong si Serene. Umiling si Serene at mas lalo namang nainis si Yalec. Nauwi ang titigan ng dalawa sa paglalabanan sa pintuan. Pilit na binubuksan ni Yalec ang pintuan ngunit malakas din ang pagkakapirmi ni Serene sa harap nito.

"Bakit dito mo pa kasi napiling maligo?" tanong ulit ni Serene. Naiinis na bumuntong hininga si Yalec.

"Iisa lang ang banyo sa baba kung saan kami at sa kamalas malas pa ay si Vane ang nandun ngayon. The rest of the bathroom is also occupied. I have no choice but to use yours." paliwanag ni Yalec. Tumango naman si Serene bago pinagbigyan ng daan si Yalec.

"Finally!" Yalec sighed. Mabilis na pumasok ang binata sa banyo habang naiwan si Serene na mukhang may nakalimutang importanteng bagay.

"Teka, kailangan ko na ring maligo huh." napatingin si Serene sa orasan at napansing malapit na ang first period. Nanlaki ang kanyang mga mata bago malakas na kinatok ang pintuan ng kanyang banyo.

"Buksan mo ang pinto! Ako muna ang maliligo! Hindi ko kayang magbayad ng fine!" sigaw ni Serene.

"Eh di pumasok ka ng hindi naliligo!" sigaw naman ni Yalec mula sa loob. Tumaas ang presyon ni Serene at hindi makapaniwala sa asal ni Yalec.

"Wala ka ring modo ano? Hahayaan mo ang isang babae na pumasok ng hindi naliligo? Lalake ka ba? Ano ba-" hindi na naituloy ni Serene ang sasabihin dahil biglang binuksan ni Yalec ang pintuan. Naka-underwear na lang si Yalec at basa na rin ang kanyang katawan. Matalim na tinitigan ni Yalec ang natamemeng si Serene.

"Then do you want to join me?" tinaasan ng kilay ni Yalec ang nababatong si Serene.

"Sineseduce mo ba ako?" depensa ni Serene. Natawa lang si Yalec bago inirapan ang dalaga.

"Don't think that everyone likes you."

"Hi-hindi ko naman sinasabi iyon huh." nagkanda bulol bulol si Serene sa masakit na komento ng binata.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon