"Kyaaa!" tilian ang sumalubong sa kanila sa pagpasok nila sa bahay ni Uriah.
Tatlong babae na nakasuot ng maiiksing dress at kung todo ang make-up sa mukha ang nanginginig sa kilig. Hindi alam ng tatlo kung susugurin ba nila ng yakap ang pitong binatang nasa harapan nila ngayon. Sari sari naman ang reaksyon ng pitong binata. Halos di maitimpla ang mukha ng karamihan sa kanila maliban kay Ice na tumatawa dahil mukha raw abstract painting ang mukha ng tatlong babae habang sa Archer naman ay maginoo at nginitian na lang ang tatlo kahit nawiwirduhan na rin siya.
"Umayos nga kayo!" saway ng matandang yaya na sumalubong sa kanila. Umayos naman ng tayo ang tatlong nangangating gustong lumapit sa kanila. "Ano ba yang suot niyo? Yaya kayo at hindi mga g.r.o!"
"Si manang parang hindi na nasanay sa amin? Ganito naman ang suot namin pag kaharap namin noon si Boss Uriah!" naka-pout na sagot ng isa sa mga maid na kinky ang pagkakakulot ng buhok.
"Bakit mo pinaalala si Boss Uriah Day. Na-miss ko tuloy siya! Huhuhu. Pagtarong ka diha!" saway naman ng bisayang maid.
"Ano ka ba Becky. Let go of the past dahil may aakitin tayong bago." confident na statement naman ng pinaka-chubby sa tatlo na pulang-pula ang lipstick, eye shadow at blush on. Nang mapansin niya si Serene ay tsaka pa niya pinagtaasan ng kilay si Serene.
Nagkatinginan na lang ang grupo nila Serene. Sinenyas pa ni Leon na baliw ang tatlo.
"Syanga pala, silang tatlo ang makakasama niyo sa pag-iimbestiga. Tutulong sila sa inyo." paglalahad ni Detective. "Manang Lourdes kayo na lang po ang bahala."
Umubo-ubo naman si Manang Lourdes tsaka mahinhing inayos ang buhok sa likod ng tenga.
"Nagdadalaga?" nang-aasar na tanong ni Duday. Ang maid na kinky ang buhok. Pinagtaasan lang ng kilay ni Manang Lourdes ang tatlong kasambahay.
"Sino-sino ba ang magkakagrupo Detective?" mahinhin na tanong ni Manang Lourdes.
"Na-unsa ka man Manang Lourdes? Tipo mo si Detective?" natatawang tanong ni Becky. Pinandilatan ulit ng mata ni Manang Lourdes si Becky.
Namumulang hindi na lang pinansin ni Detective ang nangyayari. "Bali si Hale at Yalec ay magkasama. Si Ice at tsaka si Echo ay isa ring grupo tapos yung tatlong hindi ko pa nabanggit ay isa ring grupo." habang binabanggit ni Detective ang kanilang mga pangalan ay masusing pinagmamasdan ng tatlong maid kung sino-sino sila. Bawat isa sa kanila ay may mga natitipuhan ng makasama.
"Sa tatlo ako Manang Lourdes huh." maarteng paghingi ng pabor ni Tina ang chubby na maid.
"Kining duha na lang sakon. Sobrang guwapo jud nila!" kinikilig na tinuro ni Becky sina Hale at Yalec. Nginitian na lang ni Hale si Becky.
"Maayos na ang grupo kung ganon. Pwede na kayong sumama sa mga kasama niyo. Si Serene, Niomi at ang mga guwardiya ay sasama sa akin."
"Huwag kang mag-alala Serene. Walang interes sa babae si Casey." nakangiting tinapik sa may balikat ni Niomi si Serene. Linapitan na nila Serene si Detective Casey. Napansin naman ni Serene na masama ang tingin nila Mona at Bridgitte sa tatlong maid.
"Bakit Bridgitte?" pabulong na tanong ni Serene.
Instead na si Serene ang harapin ni Bridgitte ay si Detective Casey ang hinarap niya. "Sigurado ka ba Detective na hindi ang tatlong yan ang suspek sa pagpatay kay Uriah?" tsaka matalim na tinitigan ni Bridgitte ang nasaktan na tatlong maid sa sinabi ni Bridgitte.
"Gosh! You are making suspetsa sa amin? Tignan mo nga yang katawan mo? Pang-killer!" sarkastikong buwelta ni Tina.
"Atleast hindi ako mukhang nabugbog sa sobrang pula ng mukha. Alien ka ba?" asar na resbak ni Bridgitte.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...