"Nandito ka na Tiffany!" masayang sinalubong ni Arabella si Tiffany na walang ideya kung bakit siya pinapapunta ni Arabella. Pagkatapos magbeso-beso ay excited na liningon lingon ni Arabella ang mga dalang gamit ng dalaga. "Good! Nagdala ka ng mga gamit mo."
"Bakit po ba ninyo ako pinapunta dito Tita, tsaka hindi po ba bawal?" kunot-noong tanong ni Tiffany.
Umiling si Arabella. "Huwag kang mag-alala ako ang first lady ng bansang ito at nakausap ko na si Rebecca. She's a fine lady so you have nothing to worry. Now, with you here that makes seven of us."
"Seven?"
Inalalayan muna ni Arabella si Tiffany para umupo. "Ganito kasi Hija, nakausap ko si Rebecca at nalaman ko yung challenge nila Hale ngayon so may naisip ako. Tutal eh galit ako sa asawa ko ngayon kaya bakit hindi tayo maghiganti sa mga lalake?" Ngumiti si Arabella ngunit hindi sigurado kung sasang-ayon naman si Tiffany.
"Paano si Hale, Tita di ba anak mo siya tsaka si Ice?"
Linapitan ni Arabella si Tiffany at tumitig sa kanya ng masinsinan. "Hindi ka ba naiinis kay Ice minsan?"
Namula si Tiffany at hindi makatingin kay Arabella.
"Kilala ko ang pamangkin ko na iyan Tiffany. Maloko, kaya kahit minsan lang ay maparusahan mo siya." sulsol ni Arabella. "Aba, negosyo na lang ata iniisip niyan."
"Tiffany?" malakas na singit ni Ice. Nakatayo si Ice sa may hallway at ilang beses niyang kinusot ang mga mata pagkakita kay Tiffany. Tatakbo sana si Ice para yakapin si Tiffany nang tumayo si Arabella at pinigilan siya.
"Hep hep! Bawal lumapit sa mga babae."
"Huh?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Ice. Naiwan ang binata na nakabukas pa rin ang mga bisig handa para sa isang mainit na yakap.
"Bingi ka na ba Hijo? And can you please close those arms of yours, you are not getting a hug from Tiffany." sumunod naman si Ice na malungkot na tumayo ng matuwid.
"Nagbibiro ka ba Ti-"
"Bawal akong tawaging Tita. Bawal kaming tawagin sa aming mga pangalan."
"What?"
Maya't maya ay sunod sunod na naglabasan na ang ibang binata ganun rin sina Serene. Nagtataka kung anong kaguluhan ang nangyayari sa Living room. Masaya namang nagyakapan pa sina Serene at Tiffany at tsaka nagpalitan ng kamustahan habang hindi naiwasan ng pamilya ni Serene na ma-starstruck kay Tiffany. Nakasimangot naman si Ice na pinagmamasdan lang sina Serene at Tiffany.
"Bakit ang sama ng tingin ni Ice sa atin?" tanong ni Serene kay Tiffany. Bumulong si Tiffany at ipinaliwanag ang nangyari at pagkatapos ay nakangiting tinignan ng dalawa si Ice.
"Anak, hindi mo naman sinabi na kilala mo itong si Tiffany. Idol ko yan eh." bulong ng Nanay ni Serene. Naging senyales ito para ipakilala ni Serene si Tiffany sa kanyang pamilya.
"Listen everyone!" pagtawag pansin ni Arabella sa lahat. Napatingin naman ang lahat kay Arabella. "Starting today, you will be slaves and we girls will be your masters. All your rights are hereby declared void. Wala kayong karapatan. Lahat ng ipag-uutos namin ay susundin niyo."
"You we're not joking?" tanong ni Hale.
"Nagbibiro ba ako anak?" pabalang na sagot naman ni Arabella.
"Talaga?" malakas na bulong ni Bridgitte kay Mona.
"Pwede ba natin silang utusan na halikan tayo?" bulong naman ni Mona kay Bridgitte. Buti na lang at narinig ito ni Arabella kaya agad na lininaw niya ang tungkol dito.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...