Hindi mabahala si Archer habang patungo sila ng Kuya niya sa hospital kung saan ginagamot ang Ina nila ngayon. Sari-saring tanong at pangamba ang bumubulabog sa isipan ng binata.
"Why did she become this selfish?" tanong ni Archer kay Strike. Umiling lang si Strike. Nakatuon man ang mata ni Strike sa daan ay hindi rin napigilan nito ang maluha. Saglit na nagpunas ng mata si Strike.
"Nang dumating si Champ sa buhay namin ni Rebecca ay nakaramdam ako ng malakas na pakiramdam na kailangan kong maprotektahan ang anak namin. I guess that's what parents do after all."
"Dad doesn't care."
"Maybe he does, bro." tipid na sagot ni Strike.
"Sinong binibiro mo? He is more concern if we are on top. Hindi ka niya anak kung hindi ka ang numero uno. He doesn't accept second no matter what."
Natahimik ulit ang magkapatid nang nakarating rin sila sa hospital. Pagka-park ng kotse nila ay nagmamadaling pumasok ang dalawa. Dahil hindi ito ang unang pagkakataon na bibisita si Strike ay alam na niya kung nasaan ang kanilang Ina ngunit bago pa man sila makarating sa kuwarto ay binalaan na nito si Archer na maging matapang.
Nang makarating sila sa tapat ng pintuan ay mistulang hinugot ni Archer ang lahat ng tapang at lakas ng loob para lang buksan ang pintuan para lang madatnan ang isang senaryo na kakaiba sa nasa isip niya.
Nakaupo sa may higaan ang kanilang Ina, suot na ang wig at nakapaglagay pa ng kolorete. Hindi maintindihan ni Archer kung bakit suwero lang ang nakasaksak sa kanyang Ina ngayon. Wala siyang suot na oxygen o karagdagang mga nakaturok sa kanya.
Inayos muna ng Ina nila ang sarili bago nginitian nito ang kanyang mga anak. Nagpigil ng luha si Archer lalo na nang mahalata niya na nangayayat ang kanilang Ina ngunit gayunpaman ay pilit na itinatago nito ang nararamdaman.
"Hi-hindi ko alam na bibisitahin niyo ako?" nakangiting tanong ng Ina nila. Nanghihina ang boses ng Ina nila ngunit patuloy pa rin siyang nakangiti habang nagkatinginan lang si Archer at Strike.
"Salamat mga anak at binisita niyo ako. Best gift ever I have received."
Napayuko na si Archer habang pinipigilan ang maluha. Nagtataka namang nakatingin lang ang Ina nila kay Archer. Hindi alam ng Ginang kung anong nangyayari kay Archer.
"I-is something wrong?" tanong ng Ina nila. Umiling si Archer bago dahan-dahang itinaas ang mukha. Namumula at basa na sa luha ang mga mata ni Archer.
"Why did you made me hate you all this time?" garalgal ang boses ni Archer na tinanong ang Ina. Nagulat ang Ina nila sa tinanong ni Archer.
"Huh? Ka-kasi anak alam mo naman na mahal-"
"Don't lie! You were sick all this time and you didn't told us! Sabi ko nung bata ako na I will take care of you. When you are sick I will take care of you!" tumulo na ng tuluyan ang luha ni Archer at ganun rin ang Ina nila.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...