Naging abala ang tatlong grupo sa mga sumunod na araw. Dahil nga sa pagbabanta ni Detective sa kanila ay hindi na nagtangkang mandaya ang iba.
Sa tanan ng pagiimbestiga nila ay napilit sila ng mga magulang ni Hale na sa kanila muna manuluyan. Ikinatuwa ito ni Arabella na kaunti na lang ay bihisan na parang barbie si Serene. May mga araw na pinipilit rin niyang bihisan ang mga binata na mag-ayos na parang mga prinsipe naman mula sa mga fairy tale.
"Nice!" kinikilig na tili ni Arabella habang panay ang kuha niya ng litrato sa walong lalake na naka-bihis pang-prinsipe. Isinama na rin ni Arabella si Detective kahit kusot kusot ang suot nito.
"Ma, can we cut it already?" bulong ni Hale sa ina ngunit pinandilatan lang niya ito. Hindi niya pinansin ang reklamo ni Hale at panay ang tingin lang sa kuha ng camera.
"This is a dream come true honey. Hindi ko ito magawa sa tatay mo dahil alam mo namang pang-kontrabida ang mukha niya. Buti na lang nagmana si Winter sa mukha ko." biro ni Arabella sabay tingin kay Winter na kinukulit si Yalec na ngayoy umiinom ng tubig.
"Kinukulit ka pa ba ni Winter?" kunot-noong tanong ni Arabella kay Hale. Tumingin rin si Hale kay Winter na nagpapapansin pa rin kay Yalec.
"Hindi na Ma. Bakit?"
"Congratulations anak! You are now free from the bondage of your sister." tsaka tinapik ni Arabella si Hale.
"Anong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Hale.
"Anak ba kita? Bakit daig mo pa ang pagong sa bagal ng proseso ng utak mo? Hayun! Pansinin mo ang kapatid mo at may iba ng gusto. Maganda rin na hindi na lang ikaw ang nakikita niyang guwapo sa bahay. Hayan at nang dumami ang guwapo na nakikita niya ay nag-iba na rin siya ng taste. I'm happy for her. Ikaw?"
Nakasimangot na nakatitig lang si Hale sa Ina.
"Seriously Ma? You are happy na ang dalagita niyo ay nagkagusto ng lalake na kaedad ko na?"
"Naku, if she will turn eighteen eh hindi na mahahalata ang age gap. That's eight years from now and I'm pretty sure your sister will become a goddess one day. Nagmana sa akin eh." pagmamayabang ni Arabella.
Umiling-iling si Hale bago niya napansin ang pagdating ni Serene kasama ang kanyang mga guwardiya.
"Ops! Ang mata!" pagbibiro ulit ni Arabella.
"What?"
"Luluwa anak. Mahuhulog. Mabubulag ka!" pagbibiro ulit ni Arabella. Hindi na lang pinansin ni Hale ang mga patutsada ng kanyang ina.
***
Sa library ng bahay nila Hale ay nag-uusap naman si Echo at Ice. Nakalatag sa isang mesa ang lahat ng litrato ng pinaghihinalaan nilang tao.
"Dalawang araw na lang at kailangan na nating ipresenta ang ating nakuhang impormasyon." palakad lakad na sabi ni Ice na nakatutok sa litrato ni Joyce.
"I still don't think it is her." sambit ni Echo. Umiiling naman si Ice.
"Malakas ang suspetsa ko na siya eh. Hindi man lang siya nagluksa nung namatay si Uriah. She was cool when she talked to us."
"She is an actress. She knows how to fake her feelings in front of people." depensa ni Echo.
"Hindi ba't sinabi nung yaya ni Uriah na nag-away sila ni Uriah dahil may lalake nga si Joyce?" tanong ni Ice sa kasama. Tumango naman si Echo.
"Sapat na siguro yun na ebidensiya."
"So, sasabihin natin na pinatay niya si Uriah dahil nag-break sila? Saan ang krimen dun?" tanong ulit ni Echo. Napaupo na lang sa sobrang pagod sa kakaisip si Ice.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Genç KurguPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...