CHAPTER 19 - FASHION EDEN

39.6K 547 37
                                    

Sa hotel kung nasaan nanunuluyan ang mga taga Adam Newson ay kasalukuyang nagsama-sama ang anim na lalakeng estudyante upang pag-usapan ang nahahantong fashion show.

"At para saan naman ang emergency meeting na ito?" reklamo ni Vane na nakasuot pa ng facial mask na gawa sa pinulbos ng ginto. Napangiwi ang ilan sa kanila ngunit sa huli ay hindi na lang pinansin ang nakakairitang itsura ni Vane.

"Tumahimik ka na nga at umupo na lang!" utos ni Regulus at tahimik naman na sumunod si Vane.

"So pwede na tayong magsimula?" tanong ni Blake at tumango naman ang anim na kalalakihan. "Pag-uusapan nating ang ating strategy, alam naman nating lahat na tinalo tayo ni Gustav nung nakaraang araw."

"Bakit gustong-gusto mong manalo?" maangas na tanong ni Vane. "Gu-gusto mo bang mahalikan ang Prefect?" Mabilis na tumanggi si Blake na nagkanda-utal utal pa.

"Eh kayo? May balak kayo?" pinagduduro pa ni Vane ang iba kaya naman nakaranas siya ng batok kay Hale.

"Tumahimik ka na nga lang. Ang O.A mo rin eh." ani ni Hale.

"Bakit ikaw?" asik ulit ni Vane.

"A-ako? Wa-wala ka ng pakialam dun." sagot ni Hale.

"Sya sya tama na, ang una nating pag-uusapan ay ang mga biniling kasuotan ni Mr. Lanch." tsaka naman linabas ni Blake ang mga litrato na kuha kay Gustav tsaka ito ipinasa sa iba.

"Wow! May fashion sense talaga yung mokong na yun." namamanghang komento ni Hale.

"Deserving siya sa titulong Fashion King." kompirma ni Blake. Umismid si Vane at tinaasan ng kilay ang litratong hawak-hawak.

"Ano? Kokontra ka na naman?" tanong ni Regulus sa nakasimangot na si Vane.

"Anong problema mo ba? Laos na kumag!" asik naman ni Vane.

"Nag-away na naman ang dalawang unggoy." mahinang komento ni Echo sabay hinga ng malalim.

"Anong sinabi mo?" baling ni Vane kay Echo.

"Binging unggoy pala." sagot naman ni Echo kaya mas lalo pang naasar si Vane. Tatayo na sana siya upang lapitan si Echo nang pinigilan siya sa may balikat ni Hale.

"Pwede bang umasta naman kayong parang adult at nang may matapos tayo?" pang-aawat ni Hale. Nagkaroon ng konting katahimikan at nang kumalma na ang lahat ay nagsibalikan na sa kanilang kinauupuan ang lahat.

"Take two?" tinignan ni Blake ang lahat at tumango ulit sila. "So gaya ng napansin niyo ay halos walang partikular na gusto ang Mr. Lanch na yan dahil kahit anong disenyo ay kanyang binibili. Nagtanong-tanong na rin ako at siguradong lalake raw siya kaya hindi tayo dehado ngunit hindi totoong tanging mga sinuot lang ni Gustav ang binibili niya."

"Ibig sabihin?" singit ni Archer.

"Ibig sabihin ay may tyansa tayong manalo, kailangan lang natin malaman kung ano ang naging dahilan kung bakit binili niya yung sinuot na damit nung isa pang modelo." sagot ni Blake.

"Tutulong ako para mangalap ng ilan pang impormasyon." presenta ni Hale.

"Tatawagan ko si Niomi, siguradong makakatulong siya." alok naman ni Echo.

"Maganda nga yan. Kung ganon ay dito muna natatapos ang ating usapan." ani ni Blake kaya isa-isang nagsitayuan na ang mga kalalakihan at nagsipuntahan sa kani-kanilang kuwarto. Agad namang dinial ni Echo ang numero ni Niomi nang makahanap siya ng pribadong lugar.

"Hello Niomi?"

"Oh napatawag ka. Bakit?" sagot ni Niomi sa kabilang linya. Dinig ang tunog ng pinapanood ni Niomi at ang pagnguya nito ng chichirya.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon