"Kailangan ko ba talagang mag-ayos?" hinawakan ni Serene sa may laylayan ng hanggang tuhod na dress niya. Pinilit siya ulit ni Lola na magbihis at sa ngayon ay dahil sa pag-uutos ni Niomi na walang nakaka-alam kung anong nasa isip niya.
"Kailangan mong maging kaaya-aya para naman maenganyo yung mga tandang na makikipaglaban para sa iyo." ngumiti ng mala-demonyo si Niomi.
"Hindi naman ako pumayag sa ano mang mangyayari ngayon huh." depensa ni Serene.
"Sa ayaw mo at sa gusto ay aatend ka sa Ball at sa ayaw mo rin at sa gusto ay magkakaroon ka ng escort. So, tinutulungan kita ngayon." Hindi man lang makapaniwala si Serene kung nais nga lang tumulong ni Niomi o di kaya ay nais lang nitong pasiyahin ang sarili.
"Zyou zget out zhere girl! Zyou are Veau-tiful!" singit naman ni Lola na mas lalo atang lumaki ang bibig. Nais man tanungin ni Serene kung nagparetoke ito ng bibig ay hinayaan niya lang ang kanyang kuryosidad.
"Simulan na ang dating challenge!" malakas na deklara ni Niomi na mabilis binuksan ang pintuan tsaka sinenyasan si Serene na magmadaling lumabas. Wala na ring nagawa si Serene dahil kung tutuusin ay tama ang mga sinabi ni Niomi. Darating at darating na kailangan niyang mamili ng escort at dahil na rin kay Niomi ay mas mapapadali nito ang pagpipili para kay Serene.
Pagdating sa may sala ng House of Eve ay tila naging studio ito ng isang show. Naayos na ang buong bahagi ng living room, wala na ang mga sopa at mga ilang furnitures kundi ay napalitan ito ng isang munting entablado na pinalibutan ng kulay pula na background. May korteng puso sa bandang gitna gawa ng pulang lobo at pulang bulaklak. Habang isang mahabang mesa na may apat na upuan ang napaharap sa munting entablado. Nakaupo na roon sina Mona at Bridgitte na nakasuot ng mga antipara at pormal na pormal sa kanilang kasuotan.
"Mona? Bridgitte?" napangiti si Serene nang makita ang mga guwardiya.
"Binibini!" sigaw naman ng dalawa.
"Sila ang magsisilbing hurado syempre kasama ako." paliwanag ni Niomi.
"Kami ang pipili ng magiging ka-date mo Binibini!" singit ni Bridgitte na tila ba parang bata sa excitement.
"Ka-date?" napangiwi si Serene sa ideya nila Bridgitte.
"Binibini, salamat sa tiyansang ito at naranasan ko rin maging hurado. First time ko talaga!" ani ni Mona.
"Serene pumasok ka muna sa malaking bulaklak na iyon at lalabas ka lang pag bumukas na iyan. Maliwanag?" ani ni Niomi kay Serene. Tumango naman si Serene bago umakyat sa bulaklak at pagkapasok niya ay tyaka ito nagsara.
"Saan na ang mga tandang?" tanong ni Niomi sa mga guwardiya pagkatapos.
"Saglit lang ho Madam." paumanhin ni Bridgitte tsaka siya tumayo sa pagkakaupo at huminga ng malalim. "La-bas naaaaaa!" dumagundong ang barakong boses ni Bridgitte kasabay naman ng nakasimangot na entrada ng mga lalake.
"Kailangan bang sumigaw?" kinulikot ni Hale ang kanyang tenga.
"Para lang kaming mga alipin kung tawagin huh." dagdag naman ni Vane.
"Pasensya na po." paumanhin naman ni Bridgitte. "Napag-utusan lang."
"Huwag ng magreklamo at tumuntong na kayo sa munting entablado." utos naman ni Niomi kaya tumayo na sa may entablado ang apat. Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng amerikana na para bang aatend na sila ng Ball. Nang makuntento na si Niomi ay tsaka niya sinenyasan sina Mona na umupo habang siya ay nanatiling nakatayo. Inilibot niya ang mga mata sa paligid sabay ngumiti ng pagkalaki-laki.
"Ako lang ba? O pakiramdam ko lang na isang malaking kalokohan na pumayag tayo sa kagustuhan ng babaeng ito?" bulong ni Echo kay Archer.
"Atleast apat tayong uto-uto kung sakali." sarkastikong nginitian ni Archer si Echo kaya nainis naman ang binata.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...