"A-anong ibig sabihin nito Bridgitte?" namumula at hindi magawang tignan ni Serene ang mga poster na idinikit ng kanyang mga guwardiya sa kanyang kuwarto.
"Binibini, ito yung mga galing sa camera. Remembrance sa hindi ko makakalimutang experience." biro ni Bridgitte na linapitan pa ang litrato ni Yalec sa body building contest.
"Ba-bakit sa kuwarto ko pa?" reklamo ni Serene.
"Naisip lang namin na ayos ito sa therapy niyo Binibini. Di ba Bridgitte?" sagot ni Mona na napatingin sa tumatangong si Bridgitte.
"Tama nga Binibini. Instead na matakot ka sa lalake eh kapag nakikita mo tong naggagandahan at oh so yummy nilang katawan ay sigurado akong lalabas ang natural na pagkababae mo." dagdag ni Bridgitte. Napangiwi si Serene.
"Kita ko ngang lumabas ang pagkababae ninyo." tila nahiya naman ang dalawang guwardiya.
"Binibini, katuwaan lang ito huh. Pero sa kanilang walo eh sino ang iboboto mo kung saka-sakali?" kuryosong tanong ni Mona. Agad na namula si Serene at kinabahan sa tanong ni Mona. Napaisip siya bigla at palihim na napatingin sa mga sexy pictures ng mga kasambahay niya.
Sa bawat paglipat ng mata niya ay nagsimulang magpawis si Serene.
"Oh ano Binibini lumalabas na ba ang pagkababae mo?" panunukso ni Bridgitte. Nahiya si Serene at tinalikuran ang kanyang mga guwardiya.
"Ang cute ng Binibini kapag binibiro. Hahaha!" dugtong ni Mona.
"Binibini, mamili ka na lang kasi. Sino sa kanila ang iboboto mo?" pangungulit ni Bridgitte.
Natatarantang napaisip si Serene. Unang una ay ayaw niyang biruin siya ng dalawang guwardiya niya kung sino man ang pipiliin niya kaya naman pinili niya ang pinili ng karamihan.
"Si-si Yalec ang pipiliin ko." mahinang sagot ni Serene. Hinintay niya ang panunukso nila Bridgitte ngunit wala siyang narinig.
"Hindi dahil gusto ko siya huh pe-pero dahil siya rin naman ang pinili ng karamihan. Wala ng iba pang rason." nauutal na depensa ni Serene ngunit tahimik pa rin ang mga guwardiya niya. Nagtaka tuloy si Serene at liningon ang dalawang guwardiya nang tumambad sa kanya si Yalec na naka-topless at balak atang maligo ulit sa kuwarto ni Serene.
Nanlaki ang mga mata ni Serene at napatingin sa mga guwardiya na kagat kagat ang mga labi. Nakangisi naman si Yalec habang nakatingin kay Serene.
"Wa-wala akong gusto sa iyo huh." depensa ni Serene.
"The feeling is mutual." diretsong sagot naman ng binata. "Pwede ba akong makiligo ulit?"
"Huh? Eh saan ulit ako maliligo?" napagtaasan ng boses bigla ni Serene ang binata. Umiling lang si Yalec.
"Hindi pwede!"
Hindi naman nakinig si Yalec at papunta na sana sa banyo nang pinigilan siya ni Vane na basa pa ang buhok at halatang minadali ang paglalagay ng uniporme.
Humihingal na nakahawak sa braso ni Yalec si Vane.
"Ta-tapos na akong maligo. Doon ka na sa baba."
Ngumiti si Yalec. "Anong nakain mo at mabilis kang maligo ngayon?"
"Basta doon ka na sa baba tsaka huwag ka ng pupunta sa kuwarto ni Serene." pagtataboy ni Vane nang mapansin niya ang mga poster na nakadikit sa mga dingding. Kunot noong pinagmasdan niya ang mga ito.
"Hi-hindi ako ang naglagay niyan huh." depensa ulit ni Serene. Seryoso lang naman si Vane.
"Nagseselos ata Binibini." bulong ni Mona.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
JugendliteraturPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...