CHAPTER 33 - DUEL

23.7K 502 70
                                    

"How can I convince you? This is insane!" himutok ni Archer.

Tahimik lang na pinagmasdan ni Serene ang kanina pa'y palakad lakad na si Archer. Present din sina Bridgitte at Mona na hindi rin maitago ang kaba sa nalalapit na paglalaban nina Serene at Leon. Nabalot nh katahimikan ang buong kuwarto nang tumigil sa harapan ni Serene si Archer.

"I'll do it. Huwag mo na siyang kalabanin. Ako na lang. Get it?" alok ni Archer.

"Oo nga Binibini. Hayaan mo na lang si Master Archer." dagdag ni Mona.

"Kailangan kong panindigan ito." determinadong sagot ni Serene.

"Can't you even think na maraming lalake ang manonood? Are you okay with that? Crap!" galit na sermon ulit ni Archer. "I'm not allowing this! Itaga mo yan sa bato!"

Tsaka padabog na umalis si Archer. Agad namang linapitan nila Bridgitte si Serene at pinilit ulit siyang umatras na ngunit hindi pa rin nagbago ang desisyon ni Serene.

"Bakit ba kasi gustong-gusto mong mapatunayan na gumaling ka na sa phobia mo Binibini?" kuryosong tanong ni Bridgitte nang makita niya ang determinasyon ni Serene.

"Para mapatunayan ko na handa na rin ako."

"Handa saan?" sabay na tanong ng mga guwardiya niya. Noong una ay nahihiyanh sumagot si Serene ngunit sa huli ay sinabi rin niya ang katotohanan.

"Para handa na akong magmahal ng lubusan." namumulang pag-amin ni Serene. Agad na tumili ang kanyang mga guwardiya at nagkurutan pa sila ng mga bilbil.

"Binibini, kinikilig ang mga matitipuno kong taba sa iyo." nakikiliting komento ni Bridgitte.

"Kahit sino talagang babae ay bumibigay sa eskwelahang ito. Mantakin mo Binibini kaming mga maton na babae ay natuto na ring kiligin." dagdag pa ni Mona.

"Pansin ko nga, ang harot niyo!" biro ni Serene tsaka nag-apiran ang tatlo. "Pero Binibini, pwedeng malaman kung sino sa apat? You know? Kasambahay ni Ate?" pangungulit ni Mona. Agad na binatukan ni Bridgitte ang kasama.

"Ang slow mo! Syempre si Master Hale yun! Hinatid ko nga ang Binibini papunta dun sa maraming fireflies kamakailan tapos nagtapat pa dun ang Binibini kaso basted." tuloy tuloy na sagot ni Bridgitte samantalang nanlalaki ang mga mata ni Serene sa pagkabigla na alam iyon ni Bridgitte.

"Di ba nagmumusic ka noon?" tanong ni Serene at umiling si Bridgitte.

"Pasensya na Binibini kung nakitsismis ako pero kilig na kilig talaga ako noon sayang nga at hindi ko masyadong narinig lahat." pag-amin ni Bridgitte at siya naman ang binatukan ni Mona.

"Bridgitte? That is what you call invasion of privacy!" sermon ni Mona.

"Ay! Pasensya na Binibini. Hindi na po mauulit."

"Okay lang." mahinhin na sagot ni Serene.

"Okay lang pala. Makikinig din ako sa susunod." excited na komento ni Mona at binatukan ulit siya ng partner.

"Humihirit ka pa eh." ani ni Bridgitte.

"Pero Binibini, okay lang ba talaga sa iyo yung laban? Bukas din ang quiz bee finals kaya kailangan mo ring mag-atend." dagdag ni Mona.

"Aatend muna tayo sa quiz bee pero huwag na huwag kayong magsasabi sa iba tungkol sa mangyayari lalo na kay Hale."

"O-opo." hindi siguradong sagot ng dalawa.

***

Dumating din ang araw ng finals ng quiz bee. Walong estudyante ang maghaharap harap mula sa apat na paksyon. Kataka-takang nasali ang apat na kasambahay ni Serene lalo na si Vane.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon