CHAPTER 3 - MEET THE BOYS

56.4K 912 86
                                    

Dahil sa nababahala si Serene ay paikot-ikot na palakad-lakad siya sa kanyang kuwarto. Kagat-kagat niya ang kanyang mga daliri habang pilit na iniintindi ang mga salitang binitiwan ni Rebecca. Pinili niyang manatili sa kanyang kuwarto, takot na maya't maya ay meron ng mga estudyante na nakapasok sa loob ng mansion.

Bang!

Ikinagulat iyon ni Serene. Mukhang galing ang tunog sa ibaba. Kaagad na naghanap ng eksplanasyon si Serene tungkol sa kanyang narinig at ang tanging naisip niya ay si Bridgitte. Binuksan niya ang pintuan at agad niyang nakita ang mukhang bahalang si Bridgitte. May kausap ito sa walkie-talkie at sa tono ng boses nito  - hindi ito magandang balita!

"Anong nangyayari Bridgitte?" tanong ni Serene, nakita pa niyang tinago nito ang walkie-talkie bago lumingon ito sa kanya. 

"Binibini sa loob na lang po muna kayo maghintay" magalang na utos ni Bridgitte na halatadong pilit ang pagkakangiti. Medyo mukhang weird ito dahil may manly facial features si Bridgitte. Merong matapang na imahe sa itsura ni Bridgitte at nang makita nito ang kakaibang reaksyon ni Bridgitte ay mas lalo siyang natakot sa maaaring mangyayari.

"Bakit? May nakalagpas na ba sa security?" ninenerbiyos na tanong ni Serene. Nahalata naman ni Serene ang pagiwas ng mata ni Bridgitte na walang itinugon kundi ang katahimikan. Maya't maya ay nakarinig sila ng parehas na tunog na parang may bumangga sa pintuan na ikinagulat nilang dalawa. Lumalakas na rin ang hiyawan na para bang may malakeng rally at kaguluhan ang nangyayari.

"Bridgitte?!" kunot noong pilit kinukuha ni Serene ang atensyon ni Bridgitte. Lalapitan na sana ni Serene si Bridgitte nang bigla siya nitong hinawakan sa braso at hinatak pabalik sa kuwarto ni Serene. Agad niyang sinara ang pinto.

Nasurpresa si Serene sa naging reaksyon ni Bridgitte na para bang ayaw niyang may makita si Serene. Mas lalo namang tinitigan ni Serene si Bridgitte, hinihintay ang kanyang eksplanasyon. 

Naistorbo naman sila ng sunod-sunod na katok na pumutol sa kanilang katahimikan. Binuksan ni Bridgitte ang pintuan at linuwa nito ang kanyang partner na hingal na hingal. Kusot-kusot na ang kanyang damit, ang kanyang buhok ay parang nasabunutan ng ilang katao at mukhang humiga ito at nagpagulong-gulong sa buhangin. Mapapansin rin ang mga galos sa kanyang mukha.

"Anong nangyari Mona?" pormal na tanong ni Bridgitte samantalang mas nabahala si Serene kung bakit ganun ang itsura na lamang nito.

"Patawarin niyo po kami Binibini pero may dalawang estudyante na po ang nakapasok" halos di magawang tumingin ni Mona kay Serene habang binabalita ito

"Ano?!" napasigaw si Serene, hindi makapaniwala sa balitang dala ni Mona. Napatakbo si Serene palabas ng kanyang kuwarto upang mapatunayan sa kanyang sariling mata kung totoo nga ang sinabi ni Mona. Nakarating pa siya sa hagdanan kaso bigla na lang siyang nabato at hindi man lang nagawa ni Serene na bumaba pa. Agad siyang nanginig na para bang may nakita siyang hindi kaaya-aya.

Dalawang lalakeng estudyante ngayon ang nakatayo sa ibaba ng hagdanan. Sapat na rason upang matulala si Serene sa kanyang kinatatayuan. Ang isa sa kanila ay mukhang wala man lang pinagdaanan dahil wala man lang galos o kahit ni isang dumi ang makikita sa kanya. 

Parang nakatingin si Serene sa isang buhay na painting ngayon. Meron siyang inosenteng imahe, medyo mahaba ang kanyang buhok at sa paraan ng kanyang pagtayo ay mukha itong mayabang. May katangkaran siya at masasabi lang sa isang tinginan na bagay sa kanya ang maging modelo.

Napatingin din kay Serene ang isa pang estudyante na agad siyang iniripan. Medyo mahaba rin ng kaunti ang kanyang buhok, mukha siyang seryoso ngunit masasabi pa rin na guwapo siya. May pagka-rockstar din sa paraan ng kanyang pananamit at sa tabi niya ay isang guitar case. Obvious nga na mahilig ito sa musika.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon