"Mahal na Principal, hindi pa po handa ang Prefect para sa House Visits." pagmamakaawa ni Thea.
Kasalukuyang nag-uusap ang mga Board tungkol sa nakagawiang House Visit ng mga nagiging Prefect sa apat na paksyon ng ilang araw.
"Di ba ikaw na rin ang nagsabi na hindi na siya naiilang sa kanyang mga kasama sa House of Eve?" tanong ng Principal.
"Opo, pero sa ibang mga lalake ay natatakot pa rin siya."
"It might be because she don't spend time with other students." singit naman ni Lucas, ang Board Member mula sa House of Pishon.
"Hindi po sa ganun. Hindi po makakabuti sa Prefect na mabigla baka ma-trauma siya." depensa ni Thea.
"We will take extra precautionary measures." sumbat ng Principal at umayon naman ang iba pang board members.
"Pero-"
"No more questions Thea! Sisimulan sa madaling panahon ang House Visit at bibigyan mo ng permisyon ang Prefect. Malinaw?" seryosong utos ng Principal kaya wala ng nagawa si Thea kundi ang sumang-ayon.
Kinalaunan ay tinipon ng eskwelahan ang lahat ng estudyante sa Hall para i-anunsyo ang balita. Gaya ng dati ay naayos ang mga estudyante ayon sa kanilang grupong kinabibilangan.
"Simula sa susunod na linggo ay bibisita at titira ang mahal nating Prefect sa bawat paksyon ng tig-iisang linggo." anunsyo ng Principal. Nagkaroon ng hiyawan at palakpakan ngunit si Serene at ang kanyang mga kasambahay ay nanatiling tulala sa kakaibang balitang kanilang narinig. Panay ang tingin ng apat na kasambahay ni Serene sa dalaga na nakaupo sa may entablado kasama ang kanyang mga guwardiya at ang mga board.
"Okay na ba si Serene para sa House Visit?" tanong ni Blake kay Hale na nasa kanyang harapan. Umiling si Hale. "Hmmm... Problema kung ganon."
Hindi na sumagot si Hale kundi napako na lang ang tingin niya kay Serene na hindi na maitago ang pagkagulat. Tulalang nakatingin lang sa may sahig si Serene at tila wala ng naririnig pang iba.
"Bro, mukhang nagulat din si Serene." dagdag pa ni Blake.
"I know. I'm worried."
"Worried? Aminin mo na nga kasi sa akin kung gusto mo ba talaga ang Prefect?" pangungulit ni Blake.
"Eh ikaw, kamusta kayo ni Sue? Akala mo hindi kita napapansin na panay ang tingin mo sa cellphone parati." buwelta ni Hale.
"Huwag mo ngang ibahin ang usapan. Tingin ako ng tingin sa cellphone ko kasi panay ang text niya. Pati sa madaling araw may text siya. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba ang babaeng iyon." litanya ni Blake sabay ang pagbuntong hininga.
"Bakit mo ba kasi binigay ang number mo?"
"Black mail!" napatawa ng bahagya si Hale bago ibinalik ulit ang titig kay Serene.
"Pero anong paksyon ang unang bibisitahin ng Prefect?" dagdag ni Blake. Sumenyas ang Principal para sa lahat na tumahimik kaya ibinaling ulit ng lahat ang atensyon sa nag-aanunsyo.
"Nagkaroon na ng bunutan at ito ang magiging ayos ng pagbisita ng Prefect." pinagmatyagan ng Principal ang mga estudyante at natuwa siya nang mapansin ang excitement nila na marinig ang sasabihin niya. "Mauuna ang House of-"
Nagsigawan ang bawat paksyon ng pangalan ng kanilang grupo kaya mas umingay pa sa loob ng hall.
"Pishon!" anunsyo ng Principal at nagbunyi ang House of Pishon. Paulit ulit pang isinigaw ng mga Pishon ang pangalan nila habang hindi naman nagpatalo ang iba pang paksyon.
"Susundan ito ng Tigris, Euphrates at sa huli ay ang Gihon!" pagtutuloy ng Principal. "Inaasahan na aalagaan ng bawat grupo ang Prefect at paghahandaan ang pagtira niya sa inyong mga mansyon at bilang pagiintindi sa kalagayan ng Prefect ay nag-ayos kami ng kaunting batas." Itinaas ng Principal ang hintuturo kaya natahimik ulit ang lahat.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
أدب المراهقينPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...