CHAPTER 5 - THE BOY WITH THE PIANO

53K 810 31
                                    

"Nice to Meet you Ms. Kreiss, ako si Thea Jones, ang iyong psychiatrist" nginitian siya ni Thea habang inialok nito ang kamay para makipagkamayan. Hindi naman nagdalawang-isip pa si Serene at nakipagkamayan siya sa maamong si Thea. May dalang kasiyahan ang anyo ng kuwarto, iba sa naisip ni Serene na itsura ng isang psychiatric ward. May isang paso ng sunflower na nakapatong sa mesa at nagliliwanag ang buong kuwarto sa kulay araw na pinta nito.

Isinenyas ni Thea na maupo si Serene sa higaan at sumunod naman siya.

"Nabalitaan kong arrhenophobic ka" panimula ni Thea bago siya umupo sa isang silya, ilang centimetro ang layo sa higaan.

Napatingin muna si Serene sa kanyang mga guwardiya na para bang nagtatanong kung okay lang ang lahat at tumango naman ang dalawa. "Opo" mahinang sagot ni Serene

"Kumuha na naman ng isang kakatwang babaeng estudyante ang eskwelahang ito" ani ni Thea. Nagtaka naman si Serene kung ano ang nais ipahiwatig ni Thea sa sinabi nito kaya naman mabilis siyang sumagot ng isang tanong "Bakit?"

"Oh! Pasensya na hija at nagsasalita na naman ako mag-isa." paumanhin ni Thea bago siya umayos ng pagkakaupo "Lahat kasi ng mga naging babaeng estudyante ay meron sari-sariling problema, katulad mo. Mga babaeng may kakaibang pinagdadaanan" seryoso ito at hindi man lang siya kumarap habang nakatitig sa mga mata ni Serene

"Kung ganon may problema rin yung mga nauna sa akin? Katulad nino?" inilapit ni Serene ang kanyang mukha kay Thea dahil hindi na rin niya maitago ang namumuong kuryosidad sa kanyang sarili. Nginitian siya ni Thea bago niya isinandal ang sarili sa upuan.

"Ang naunang prefect ay kilala bilang isang playgirl" pagsisiwalat ni Thea. Napakunot-noo si Serene dahil hindi niya lubos maintindihan kung ano ang problema doon. Agad namang napansin iyon ni Thea kaya ipinaliwanag niya ito kay Serene "Alam mo kasi Serene, noong panahon ng unang prefect ay konserbatibo pa ang mga babae kaya natatangi ang unang prefect" Tumango-tango si Serene nang maintindihan na niya ang nais ipahiwatig ni Thea.

"May problema rin sa pangalawa at pangatlo pero sa naunang apat, masasabi kong mas kilala ko ang pang-apat na alam ko'y kilala mo na?" nagtatanong ang mga mata ni Thea na nakatingin kay Serene

"Ah, Opo, nasabi na ni Rebecca sa akin na siya ang pang-apat"

"Maganda kung ganon. Noong panahon niya ay kilala siya sa kanyang malamig na pakikitungo sa lahat. Ang pagka-sarkastiko niya ay walang katulad" namamanghang komento ni Thea

"Sarkastiko pa rin naman siya ngayon" singit ni Serene

"Hahaha" humalakhak ng mahinhin si Thea tsaka nginitian ulit si Serene "Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang pinagbago ni Rebecca"

"Mas masahol pa siya noon?"

"Sinabi mo pa! Syanga pala mukhang normal ka naman kapag babae ang kaharap mo?" Napansin ni Thea na palagay si Serene sa pakikitungo sa kanya

"Sa lalake lang naman ako natatakot" sagot ni Serene na halos bulong na. Pinaglaruan niya ang laylayan ng kanyang palda katulad ng isang batang babae na nahihiyang aminin ang kahinaan.

"Para sa iyong kaso, konektado yan sa isang traumatic experience mo na may koneksyon pa rin sa mga lalake" paglalahad ni Thea. Naintindihan naman ni Serene ang punto ni Thea. "Naintindihan mo ba ang sinabi ko Serene?" tanong ulit ni Thea

"Opo, pero hindi pa po ako handa para pag-usapan siya" halos hindi magawang tumingin ni Serene sa mga mata ni Thea

"Huwag kang mag-alala, marami tayong oras para pag-usapan ang tungkol diyan sa mga susunod na araw" nginitian ulit ni Thea si Serene, isang ngiti na nakakapagpakalma sa kinakabahang si Serene. Kung may isang bagay na nagustuhan si Serene kay Thea, ito ay ang nakikita niyang sinseridad sa kanya. Ang maamo nitong mukha, ang pagiging maunawain at ang ngiti niyang may dulot na kumporta.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon