CHAPTER 2 - ENTER EDEN

66.7K 1K 70
                                    

Napagdesisyonan ni Serene na huwag kausapin ang sino man sa kanyang Ina o kapatid bilang senyales ng kanyang protesta. Hindi niya lubos maisip na ano mang oras ay papasok na siya sa isang all-boys school. Ang kanyang bangungot ay tila nakumpirma sa presensya ng tatlong hindi inaaasahang bisita. Isang maganda at eleganteng babae ang ngayo'y nakapirmi sa kanilang sopa. Ang kanyang mga titig ay sinlamig ng yelo na lahat ng mapapatingin dito ay hindi mapapalagay. Dalawang naglalakihang babae naman ang nakatayo sa kanyang bandang likuran, parehas silang nakasuot ng itim na suit at may suot-suot na earphone sa kanilang tenga. Napagtanto naman ni Serene na mga bodyguards ito ng magandang babae.

Kasalukuyang, nababalutan ng nakakabinging katahimikan ang buong kuwarto at tanging ang tunog na ginagawa ng nag-uumpugang teacup at saucer ang maririnig habang kinakabahang inilapag ng ina ni Serene ang mga ito sa mesa.

"Thank you" magalang sa sumbat ng babae tsaka humilig paharap upang makahigop ng kaunti

"Ah- napunta po ba kayo rito para kay Serene?" mautal-utal ang kanyang ina, pilit na inaalam ang rason ng kanilang pagbisista

"Susunduin namin si Serene" mabilis na sagot ng babae habang mahinhin nitong inilapag ang teacup sa mesa

"Pero impossible yun Mrs-" natigilan si Serene dahil hindi nito alam kung ano ang pangalan ng babae. Mariin niyang tinitigan ito upang hintayin ang pagpapakilala.

"My name is Mrs. Rebecca Whitefield - Holmes" pangklaklaro ni Rebecca na binigyan si Serene ng isang makahulugang tingin. "So, can we go now?" tanong ni Rebecca na siyang ikinagulat ni Serene. Hindi akalain ni Serene na magiging prangka ito at walang pakundangan.

"Pa-pasensya na po Mrs. Holmes pero may kailangan kayong malaman tungkol sa akin anak" singit ng ina ni Serene. Nag-aatubili itong lapitan si Rebecca pero sa huli ay nagawa pa nitong hawakan ang kamay ni Rebecca ng mahigpit.

"Kung tungkol yun sa kanyang pagiging arrhenophobic ay wala na kayong ipag-aalala, alam na ng eskwelahan ang tungkol dito" sagot ni Rebecca. Sunod nitong tinitigan ng mariin ang mga kamay ni Mrs. Kreiss na para bang nadidiri siya sa mga ito. Nang mapansin naman ito ng ina ni Serene ay agad nitong inalis ang mga kamay tsaka humingi ng paumanhin.

"Kung ganun eh dapat alam niyo na, na hindi ako pwedeng pumasok sa paaralan na iyon" singit ni Serene na umaasang sasang-ayon sa kanya si Rebecca

"Pasensya na ngunit meron ng desisyon ang eskwelahan. Sasama ka sa amin sa ayaw mo o hindi" may halo ng pagbabanta sa tono ni Rebecca. Madiin ito at marahas na para bang wala siyang pakialam sa mararamdaman ng dalaga.

"Pero hindi niyo siya pwedeng pilitin di ba?" tanong ng ina ni Serene na napatayo ng biglaan sa kanyang kinauupuan. Hindi nito napigilan na mapalakas ang kanyang boses kaya naman mas lalong lumalim ang tingin ni Rebecca sa kanya.

"Hindi mo ba nabasa ang mga terms nang isinali mo ang pangalan ng anak mo sa contest?" tinaasan ng kilay ni Rebecca si Mrs. Kreiss at mukhang iritable na rin ito. Natahimik naman ang ina ni Serene nang mapagtanto na wala siyang kaide-ideya sa binabanggit ni Rebecca.

Napabuntong-hininga si Rebecca. "Kung sino man ang mananalo sa palabunutan ay awtomatikong magkakaroon ng kontrata sa paaralan. Sa madaling salita, si Serene ay magtratrabaho magmula ngayon para sa eskwelahan at kapag hindi niya mapapanindigan ang kanyang gawain ay considered ito as breach of contract" mapagbantang pagsisiwalat ni Rebecca.

"Ano?" sigaw ng namumutlang si Serene "Nay, anong klaseng impiyerno ba ang pinagtapunan mo sa akin ngayon?!" halos mangiyak si Serene sa kanyang kinatatayuan samantalang nakokonsensya naman ang kanyang ina

"Kaya kung naiintindihan niyo ang aking sinabi ay simulan niyo na ang mag-impake at sumunod ka na sa akin" Tumayo na si Rebecca tsaka napatingin sa kanyang mamahaling relos. Alam na ni Serene na wala siyang takas. Ayaw man ng kanyang puso na sumunod sa kahit sinoman ay di rin niya maatim o lubos maisip na maghihirap ang kanyang pamilya sakaling talikuran niya ang naka-atang na responsibilidad. Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon