CHAPTER 21 - IF IT WAS ME

37K 554 85
                                    

"No!" sigaw ni Vane nang makita niya ang magkapatong na si Serene at si Hale sa sahig, hindi pa rin sila makagalaw sa sobrang pagkabigla habang walang intensyon na tumulong ang mga kapamilya ni Serene na bangunin sila.

"This is unfair!" reklamo pa ni Vane at dahil wala na siyang maasahan sa Ina ni Serene na kilig na kilig sa senaryo ay siya na mismo ang lumapit kay Serene at binangon ito. Wala sa sariling pag-iisip sina Serene at Hale, lutang na lutang pa rin at kung saan saan napapatingin na para bang mga lasing.

"Pervert ka rin pala eh!" bulyaw ni Vane kay Hale na nagising nang marining ang pagbibintang ni Vane.

"A-ako? Manyakis?" tinuro ni Hale ang kanyang sarili.

"Hindi ako papayag." liningon ni Vane si Serene at mabilis na hinawakan sa magkabilang braso. Mabilis niyang inilapit ang mukha kay Serene at mahahalikan na sana niya ito kung hindi lang tinakpan ni Echo ang bibig ni Vane gamit ang kanyang kamay atsaka niya siya hinatak palayo kay Serene. Nagpupumiglas pa rin naman si Vane habang pilit pilit na inilalayo siya ni Echo.

"Let me-" tatakpan ulit ni Echo ang bibig ni Vane. "Kiss her!" nagwawalang sigaw ni Vane. Ikinagulat ng buong pamilya ni Serene ang pagkakasaksi sa parang bata na si Vane. Sa inis nga ni Echo kay Vane ay binitiwan niya bigla si Vane kaya muntikan itong nasubsob sa sahig.

"Tignan mo nga sila." ani ni Echo kaya napatingin naman si Echo sa kapamilya ni Serene. Nang mapansin niya ang reaksyon nila ay nagawa niya namang mahiya kaya tumahan din siya sa kanyang pagwawala.

"Jo-joke lang po Tita... hahaha!" pekeng tumawa si Vane at namula na lang siya na parang kamatis sa kahihiyan. Napabaling naman ulit siya kay Hale na mukhang malalim ulit ang iniisip. Pagkakita niya pa lang sa binata ay nagsimula ulit kumulo ang kanyang dugo kaya marahas niya itong hinatak papunta sa labas habang pinagmasdan lang ng mga nakasaksi ang pag-alis ng dalawa papunta sa labas.

"Sabi mo ikaw ang Tatay niya eh bakit mo siya hinalikan?" tanong ni Vane kay Hale pagkalabas nila sa may pintuan.

"Huh?"

"Huh lang ang sagot mo? Nakakainis!" nanggigigil na si Vane kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili. "Naintindihan mo ba ang tanong ko?"

"Huh? Oo." patango-tango na sagot ni Hale.

"Kung naintindihan mo anong sagot mo?" asik ni Vane.

Natahimik ng saglit si Hale. "Pwedeng pakiulit? Hindi ko talaga kasi narinig." pakamot-kamot at nakangiting sagot ni Hale kaya mas lalo pang nag-apoy sa galit si Vane na kulang na lang ay masusuntok niya si Hale. Napatingin si Vane sa bibig ni Hale at hindi mawala sa isip niya na ang mga labing iyon ang nakahalik kay Serene. Ilang sandali rin siya nakatutok doon hanggang sa maasiwa na rin si Hale sa uri ng titig ni Vane.

"Hoy! Kinikilabutan ako sa mga titig mo." napaatras si Hale tsaka niya tinakpan ang kanyang mga bibig habang seryoso lang siyang tinignan ni Vane.

"Kung hindi ko mahahalikan si Serene ay papayag muna ako sa indirect kiss." seryosong deklara ni Vane.

"Huh? Baliw ka ba? Alam mo ba ang sinasabi mo?" gulat at ninenerbiyos na tanong ni Hale.

"Iisipin ko lang naman na si Serene ang hinahalikan ko." Nang matanto nga ni Hale na seryoso si Vane sa kanyang intention ay dali-dali niyang sinipa sa tuhod si Vane tsaka tumakbo palayo sa kanya.

"Baliw!" sigaw pa ni Hale sa malayo na patuloy sa pagtakbo.

"I'll get back at you! Kung hindi pwede ang indirect eh di direct na lang!" sigaw ni Vane at doon natigilan si Hale sa pagtakbo. Bigla pang aakmang bubuksan ni Vane ang pintuan nang lumabas ang mga guwardiya ni Serene.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon