CHAPTER 32 - BE MY QUEEN!

25K 460 54
                                    

Pagpasok ni Serene sa kanilang silid aralan ay kaagad siyang sinalubong ni Echo na mukhang nag-aalala para sa kanya. Sinundan pa nga ng binata si Serene hanggang sa kinauupuan ni Serene na nasa dulo.

"Okay ka lang ba doon?" makailang beses ng tinatanong ni Echo si Serene.

"Okay lang ako Echo. Huwag ka ng mag-alala." sagot ni Serene.

"Wala kang dapat ikabahala dahil binabantayan ko naman siya." singit ni Archer na biglang sumulpot kung saan. Agad na kumulo ang dugo ni Echo dahil kung meron siyang ikinakabahala ay dahil iyon kay Archer.

"Mas lalo akong kinakabahan dahil ikaw nga ang nagbabantay sa kanya." tsaka inirapan ni Echo si Archer.

"Aba ang mokong na ito huh. Gusto mo ng away?" asik ni Archer.

"I'm on!" pagtanggap ni Echo sa hamon ni Archer. Buti na lang ay pumagitna na si Serene at ang mga guwardiya niya naman ay tig isang hinawakan na ang dalawang binata na halos magsuntukan na sa loob ng klase.

"Tumigil na nga kayo! Okay lang ako Echo at Archer kailangan ba kayong mag-away?" galit na sermon ni Serene nang mapansin niyang nakarating na pala sa klase si Hale ngunit hindi man lang ito tumingin kay Serene. Ni hindi nga lang lumingon ito nang nagkakagulo na sa bandang likuran. Dajil dito ay hindi napigilan ni Serene ang makaramdam ng kirot na para bang tinutusok ng maraming karayom ang kanyang puso. Hindi na nga niya namalayan na nag walk out na pala siya sa classroom, iniwan ang dalawang binatang lalong nagbangayan at nagsisihan kung sino ang may pakana sa pag-alis ni Serene Sa paglalakad ni Serene ay hindi na nga niya namalayan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

"Hindi man lang siya tumingin?" inis na sambit ni Serene sa sarili.

"Paano kung nagsuntuka na yung dalawa? Ni hindi man lang ba siya concerned?" panay ang reklamo ni Serene nang biglang may humawak sa kanyang mga braso. Paglingon niya ay tsaka niya nalaman na si Hale pala ito.

"Umiyak ka ba?" kunot noong tanong ni Hale sabay napalingon sa kanilang classroom at itinuro ito.

"Anong ginawa nila sa iyo at umiyak ka ng ganito?" dagdag pa ni Hale na aakmang pupunasan ang luha ni Serene ngunit mabilis na hinawi ito ni Serene. Nagulat si Hale sa nangyari at natahimik na lang.

"Hindi sila ang may kasalanan." sagot ni Serene. Nais niya sanang sabihin na dahil nasaktan siya na hindi man lang siya pinansin kanina ni Hale ngunit pinili na lang ng dalaga na manahimik.

"Eh bakit ka umiiyak?" naguguluhan na tanong ni Hale.

"Wala ka na dun!" asar na sagot ni Serene.

"Anong wala? Di ba ako ang tatay mo?"

"Sinong nagsabi?"

"Sabagay..." pakamot na sagot ni Hale.

"Bakit hindi ka man lang lumingon kanina? Ni hindi mo nga ako pinansin!" litanya ni Serene na hindi rin napigilan na inilabas ang sama ng loob.

"Ah yun ba? Nakasuot kasi ako ng earphones kaya hindi ko narinig." tsaka ipinakita ni Hale ang earphones na rinig pa hanggang ngayon ang lakas ng tugtog mula dito. Dahil doon ay mas lalo pang nainis si Serene ngunit natuwa rin siya dahil hindi pala sinadya ni Hale na hindi siya napansin.

"Sa susunod huwag kang mag music sa loob ng klase." ani ni Serene bago siya tumalikod ulit nang magsalita ulit si Hale. Sapat na para matigilan si Serene sa pag-alis.

"Huwag kang magpapayakap sa iba." mahina ngunit malinaw na narinig ito ni Serene. Mabilis niyang liningon si Hale at seryoso ito sa sinabi. Tinitigan lang ni Serene si Hale at ganun din ang binata.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon