CHAPTER 7 - IT BEGINS!

48.8K 706 37
                                    

"Hoy! Kanina ka pa nakatingin sa prefect huh." siniko ni Blake si Hale. Liningon naman siya ng binata.

"May gusto ka ba sa kanya?" nakangising tanong ni Blake. "Sabagay, maganda naman siya kaso-"

"Katulad kasi siya ni Lily,"

"Yung pusa mo?" natatawang tanong ni Blake, tumango naman si Hale.

"Hey! The both of you, we're still up stage you know." saway ni Hiroto na isang hapon at kabilang sa Team Euphrates. Umayos naman ang dalawa ngunit lumapit pa rin si Hale para makabulong kay Blake.

"Parehas kasi siya ni Lily noon, mahirap lapitan dahil nakaranas ng hindi maganda."

"Umandar na naman ang pagiging maawain mo."

"Basta, naaawa ako sa kanya."

"Sigurado ka talagang hindi mo natitipuhan yung prefect huh?" naninigurong tanong ulit ni Blake.

"Hmmm."

"Palakpakan natin ulit silang lahat!" anunsyo ulit ng Principal at nagsigawan at nagpalakpakan ulit ang mga estudyante. Bawat estudyante ay may sari-sariling taga-suporta na isinisigaw ang kanilang mga pangalan. Itinaas naman ng mga nasa stage ang kanilang mga kamay at mas lumakas pa ang hiyawan.

"Hale," lumingon ulit si Hale kay Blake.

"Ano na naman?" nakangusong tanong ni Hale.

"Wala akong pakialam kung may gusto ka o wala sa prefect basta ang importante ay manalo ang House of Euphrates" seryosong sambit ni Blake. Napipilitang tumango si Hale at mabilis na binaling ang atensyon sa mga kaeskwelahang naghihiyawan.

*****

"Nabalitaan kong kasali ka sa Jungle Survival Activity?" nakangiting tanong ni Thea. Mahinhin niyang inilapag sa may mesa ang tsaang kanyang tinimpla para kay Serene. Tulala pa rin si Serene at wala na siyang ibang maisip na lugar o tao na pwedeng kausapin tungkol sa pagkakasali niya sa susunod na aktibidades.

"Inumin mo muna ang tsaa at nang kumalma ka." Nanginginig na inabot ni Serene ang baso ng tsaa atsaka humigop ng kaunti bago ito binalik ulit sa mesa.

"Imposible talaga-" pailing-iling na sambit ni Serene.

"Kung sabagay, mahirap talaga para sa iyo yun kaso-"

"Kaso wala na tayong magagawa?" namumugto ang mga mata ni Serene na napatingin kay Thea. Bakas sa mukha ni Thea ang pagkaawa kay Serene kaya linapitan niya lang ito tsaka yinakap ng mahigpit.

"Para na akong mababaliw kakaisip kung anong mangyayari sa akin sa gubat." isinubsob ni Serene ang ulo sa balikat ni Thea habang patuloy ang paghagod ni Thea sa likod ni Serene.

"Gusto mo bang baguhin natin ang usapan?" yaya ni Thea. Dahan-dahang kumalas naman si Serene at tumango bilang pagsang-ayon sa ideya ni Thea. Ngumiti ulit si Thea tsaka nag-ayos ito sa pag-upo.

"Ikwento mo sa akin kung kelan yung huling pagkakataon na hindi ka natakot sa lalake." Natahimik bigla si Serene tsaka napa-isip ng malalim. Isang lalake lang naman ang naiisip niya sa tanong ni Thea, at iyon ay ang kanyang Ama.

"Ang tatay ko." mahinang sagot ni Serene.

"Talaga?" nakangiti at natutuwang tanong ni Thea.

"Mahilig ang tatay ko sa mga bulaklak at halaman,"

"Masaya ka ba noon?" Tumango si Serene.

"Kami ang gumawa ng munting hardin sa harap ng bahay." napangiti ng bahagya si Serene. Ngiting may halong hinanakit. "Parati nga kaming naglalaro sa hardin kasama na rin si Mama. Masaya kami noon." Napalitan ng lungkot ang kanyang mukha kaya naman nabahala si Thea.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon