CHAPTER 23 - CHEER!

36.3K 521 56
                                    

Naging abala ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang pageensayo para sa magaganap na cheerdance. Katulad ng dati ay bigay todo ang bawat grupo sa konsepto, pagpapakitang kilas at ang iba ay hindi magaabalang gumasto para lang makamtan ang karagdagang puntos na kanilang inaasam.

"Mukhang tayo lang ngayong araw?" nginitian ni Thea si Serene. Kanina pa nila hinihintay ang pagdating ni Echo para sa kanilang sesyon ngunit mukhang hindi pa tapos ito sa kanilang ensayo.

"Parang ganun na nga." mahinhin na sagot ni Serene.

"So-" napatingin bigla sina Thea at Serene sa hingal na hingal na si Echo. Napasandal na lang ang binata sa may pintuan habang hinahabol ang hininga. Basang basa pa ang buhok niya ng pawis at halatang nagmadali siya sa pagsusuot ng uniporme dahil hindi pantay ang pagkakabutones nito. "Sorry... I am late." paumanhin ni Echo nang makapagpahinga na ito.

"Hindi mo na kailangang umatend. Alam kong abala kayo." sagot ni Thea sa binata na sa loob-loob niya ay namamangha ito sa ipinapakitang konting pagbabago sa binata. Umiling si Echo tyaka lupaypay na umupo sa tabi ni Serene. Mas lalong nanlaki pa nga ang mga mata ni Thea dahil sa ginawang iyon ni Echo. "O-okay lang sa iyo Serene?" tanong niya kay Serene. Gulat man noong una ay nahihiyang tumango rin sa huli si Serene.

"Mukhang mas mabilis ang rehabilitasyon ninyong dalawa." dagdag pa ni Thea.

"Anong gagawin natin ngayon araw?" tanong naman ni Echo na inililihis ang usapan.

"Wow! Meron ba akong hindi nalalaman?" nang-aasar na tanong ni Thea.

"Wa-wala!" sabay na pagtatanggi ng dalawa na daig pa ang kamatis sa pamumula.

"Oh sya sya. We will do a question and answer portion today. Magtanong kayo ng kahit anong tanong sa isa't isa habang magkaharap. This is good for you Serene para madevelop ang conversational skills mo sa mga lalake." paliwanag ni Thea. "Ikaw na mauna Echo." nginuso ni Thea ang binata at mabilis naman itong sumunod. Agad niyang hinarap si Serene na hindi naman magawang tumingin sa mata ng binata.

"She's not looking at me." reklamo ni Echo kay Thea. Nginitian lang ni Thea si Serene kaya sa huli ay nagawa rin ng dalaga na tumingin sa mata ni Echo.

"Favorite color?" unang tanong ni Echo.

"Huh?"

"That's basic. What's your favorite color?" pang-uulit ni Echo.

"Bl-black."

"Black? Ano ka emo?"

"I-ikaw?" nauutal na tanong naman ni Serene.

"Color?" tumango si Serene. "I like brown."

"Bakit brown?" kuryosong tanong ni Serene.

Napakunot ng noo si Echo saglit. "Because it has a classy feel on it. Gusto ko yung mga vintage, something that withstands time pero matibay pa rin." paliwanag din ng binata sa huli. Namangha lang si Serene sa malalim na rason na ibinigay ni Echo. Napaisip naman siya na ang tanging rason kung bakit gusto niya ang kulay black ay dahil ito ang kulay ng pinakamataas na belt sa martial arts.

"Favorite food?" tanong ulit ni Echo kay Serene.

"Kanin."

"Ka-kanin?" napanganga si Echo at maya't maya ay napatawa ang binata ng malakas. Hindi alam nga ni Serene kung maiinis siya kay Echo sa bigla nitong pagtawa. "Ka-kanin? Are you joking? Hahahahaha. Sana sinabi mo man lang ang Spaghetti o kahit anong pagkain diyan. Hahahaha."

"Nang-iinis ka ba?" asar na tanong ni Serene habang nagpunas ng luha sa mata si Echo. Pinagmamasdan lang ng tahimik ni Thea ang dalawa habang nakangiti siya ng palihim. 

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon