CHAPTER 36 - THREE THINGS

24.7K 420 74
                                    

"Welcome to Euphrates! The place where all the geeks and weirdoes meet!" magiliw na bati ni Ice sa grupo ni Serene.

"Magiliw ka rin na bata ano Master Ice?" natutuwa na komento ni Mona na hindi maalis ang titig kay Ice. Kanina pa niya ito pinagmamasdan at nahalata naman ito ni Ice.

"Pasensya na magandang Binibini pero hindi ako nagbebenta ng laman pero!" itinaas ni Ice ang kanyang hintuturo habang napabuntong hininga si Hale sabay sabi ng "Heto na naman tayo."

"May tinda akong pampapayat at siguradong one hundred percent effective ito!" tsaka inilabas ni Ice sa bitbit na bag ang isang karton na naglalaman ng mga pampapayat. Naging interesado na rin si Bridgitte at nakiusyoso. Samantala ay hinatak na ni Hale si Serene papunta sa magiging kuwarto niya sa House of Euphrates.

"This will be your room. Actually eto ang room ko dito sa Euphrates pero diyan lang naman ako sa kabila lilipat kung nasaan si Ice." paliwanag ni Hale na napatingin ulit sa tatlong nagkukumpulan sa mga tinda ni Ice.

"Hilig talaga niya ang magtinda noh?" tanong ni Serene.

"Sinabi mo pa! Pati mga magulang niya ay tininda niya noon." magkahalo ang pagka-mangha sa tono ni Hale.

"Ano? Binenta niya magulang niya?" hindi mapakaniwalang tanong ni Serene.

Napatitig si Hale kay Serene at dahil mukhang interesado naman ang dalaga ay wala ng nagawa si Hale kundi ikuwento ang nangyari.

"He had his parents for hire. Or should I say he forced his parents na magpanggap na pekeng magulang ng isang tao. Dahil nga malaki kinita niya doon at magaling magdrama si Ice ay napasunod niya naman sina Tito at Tita. They adore him kaya rin siguro suportado nila si Ice." napangiti sa huli si Hale.

"Buti at hindi siya nagtinda ng babae?" natatawang tanong ni Serene nang biglang tinakpan ni Hale ang bibig niya at sinenyasan siyang tumahimik.

"That's taboo! Pasok muna tayo sa loob at nang maikwento ko sa iyo." tsaka sila pumasok sa kuwarto. Pagkalapag ni Hale sa mga gamit ni Serene ay agad siyang napabuntong hininga.

"There's this girl who broke his heart two years ago. She was her everything and he really loved her pero ipinagpalit siya ng babae for her dreams of becoming a well known ballerina." simula ni Hale.

"Si Tiffany Evans ba yan?" gulat na tanong ni Serene.

"How did you-"

"Sikat kaya siya! Hindi ako mahilig kumalap ng balita sa mga lalake pero pagdating sa mga babae na sinusunod ang kanilang mga pangarap, yun yung mga idol ko." ani ni Serene.

"So I guess I don't need to explain things to you."

"Pero bakit sila naghiwalay?" tanong ulit ni Serene.

"Ah-eh hindi naman talaga sila naghiwalay kasi hindi naman naging sila." pakamot kamot na sagot ni Hale.

"Huh? Ang gulo mo!" himutok ni Serene.

"Si Ice ang mapilit at he even tried to buy her pero hindi talaga siya pinapansin ni Tiffany noon."

"Ah! In short desperado at basted si Ice." patango-tangong sagot ni Serene nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ice na abot tenga ang pagkakangiti habang binibilang ang pera na hawak.

"Masaya ka na?" tanong ni Hale.

"Syempre! I think I can buy what I want if I earn more pa." nakangiting sagot ni Ice.

"Ano bang bibilhin mo Ice?" tanong ni Serene ngunit huli na nang makita niya ang senyas ni Hale na huwag tanungin yun. Nabigla na lang si Serene nang mag-iba ang imahe ni Ice at halos nagngingitngit sa galit na napahigpit ang pagkakahawak niya sa pera.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon