Sa meeting room nagkita-kita ang limang eba ng Adam Newson. Seryosong nakaupo na ang naunang apat habang kakarating pa lang ni Serene. Kasama niyang nagpunta sa House of Eve ang dalawa niyang guwardiya ngunit hindi na pinayagan ang mga ito na pumasok sa kuwartong kinaroroonan ngayon nila Serene.
"Welcome Hija!" magiliw na bati ni Monique. Kinakabahan na pinagmasdan ni Serene ang mga seryosong mukha ng iba pang naging prefect maliban kay Monique.
"Umupo ka na Serene at may pag-uusapan tayo tungkol sa selection process." singit ni Rebecca. Nangingiwing umupo naman ang dalaga sa bandang gitna ng mahabang mesa.
"Huwag kang kabahan dahil ipapaliwanag lang namin ang magiging parte mo pagkatapos ng selection process. Ang tunay na katungkulan ng isang Prefect." makahulugang dugtong ni Niomi. Maski ang pagiging seryoso ni Niomi ngayon ay nakakadagdag sa pagkabahala ni Serene.
"Tu-tunay na katungkulan?" nasasamid na tanong ni Serene at tumango naman ang ilan sa mga naunang prefect.
"Una Hija, sana maintindihan mo na ang mga nakaraang paligsahan ay ginawa lamang para salain ang mga estudyante. Ang point system nila ay isa lamang bahagi ng pagpili sa magiging kampiyon at katulad ng sa ako ang nasa poder mo. Ang lahat ng desisyon sa pagpili ng kampiyon ay nasa sa iyong mga sariling kamay." panimula ni Monique na nagpagulo kay Serene. Hindi niya matanto kung ano ang ibig sabihin ni Monique.
"Sa madaling salita, ang lahat ng nangyari ay patikim lamang. Pagkatapos ng linggong ito ay magsisimula ang sarili mong impiyerno." dugtong ni Aubrey. Agad na inirapan ng tatlong dating prefect si Aubrey.
"Huwag mo ng pansinin ang sinabi ng witch na ito Serene." singit ni Niomi.
"Totoo naman ang sinabi ko huh! Sino ba ang hindi nasaktan sa atin? Sino ba ang hindi umiyak? Sino ba ang walang nasaktan at trinaydor ng panahong tayo ang nasa kinalalagyan ng Prefect ngayon?" litanya ni Aubrey at biglang natahimik ang iba. Mas lalo lang naguluhan si Serene sa kung ano nga ang nangyayari. Sinong masasaktan? Sinong magtratraydor?
"Hindi ko kayo maintindihan. Pwede bang ipaliwanag niyo sa akin ng maliwanag?" napatingin ang lahat kay Rebecca.
"Ikaw ang magpapaliwanag naman ngayon Rebecca." sulsol ni Niomi.
"Ang selection process na tinatawag ang unang bahagi ng paligsahan. Sa panahong ito ay pipili ng walong estudyante na magpapatuloy sa huling round." panimula ni Rebecca.
"Kung ganon kung sino ang top eight sa ranking ang papasok?" kuryosong tanong ni Serene. Umiling naman ang apat niyang kausap.
"Bilang mga dating Prefect ay may kapangyarihan kami na magluklok ng tig-isang representante ayon sa aming diskresyon." si Monique ang sumagot.
"Ibig sabihin ni Monique ay bawat isa sa amin ay pwedeng magrekomenda ng tig-isang estudyante. Kahit hindi sila kabilang sa top eight ay sapat na ang aming boto." panlilinaw ni Niomi.
"Ngunit ang boto naming iyon ay ang panghuling kapangyarihan na meron na kami. Kapag napili na ang walong estudyante ay lahat ng desisyon ay nasa iyong kamay lahat. Maglalaban laban ang walo at sa bawat paligsahan ay ikaw ang magdedesisyon kung sino sa kanila ang hindi na magpapatuloy." dagdag na paliwanag ni Rebecca.
"Ibig sabihin?" napatingin si Serene sa mga kausap.
"Ibig sabihin ay ikaw mismo ang magpapatalsik sa iyong mga kaibigan o hindi kaya ay sa taong espesyal sa iyo. Mahahati ang desisyon mo base sa iyong nararamdaman laban sa iniisip ng utak mo na dapat mong gawin." nakangising sagot ni Aubrey.
"Aubrey! You are not helping!" bulyaw ni Monique.
"Totoo naman ang sinasabi ko. Si Rebecca ay ginamit ang puso sa pagdedesisyon. Ikaw naman ay ang utak mo kaya hindi nga kayo nagkatuluyan ng taong una mong minahal. Samantalang si Niomi ay tila walang kahirap hirap." natameme na lang si Monique at Rebecca sa katotohanang lumabas sa labi ni Aubrey.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...