CHAPTER 64 - MEET THE HEIR

12.4K 326 54
                                    

Isang linggo ang nakakaraan...

"Kumusta ang pamilya ni Bitz?" seryosong tanong ni Theodore kay Casey. Abala naman si Casey sa pagpapalipad ng eroplanong papel na ginawa niya. Saglit na pinanood ng dalawa ang pagbagsak ng eroplano bago nagsalita si Casey.

"Gaya ng inaasahan ay gumagalaw si Edward gaya ng sinabi ng Presidente. Hindi ako makapaniwala na ganun katalino ang ating Presidente." umiling si Casey.

"Isang henyo talaga si Gabriel. Wala siyang katulad pagdating sa istratehiya." bumuntong hininga si Theodore bago tumayo sa inuupuang silya. Tahimik siyang naglakad patungo sa bintana niya kung saan natatanaw ang mga estudyanteng naglalakad.

"Gagawin ng isang magulang ang lahat ng makakaya niya Casey para lang maprotektahan ang kanyang anak." dagdag ni Theodore.

***

"Board! Paano ang kapatid ko?" yinugyog ni Bitz si Theodore. Ilang beses rin na gustong habulin ni Bitz si Edward para suntukin ngunit pinigilan siya ni Theodore.

"Huwag kang mag-alala Bitz. Nakabantay si Detective Casey sa kapatid mo. Alam na naming mangyayari ito kaya napagplanuhan na namin. Hindi lang ako sigurado kung anong plano ni Edward ngunit may naisip na rin kaming plano. Huwag kang mag-alala." pampapakalma ni Theodore.

"Huwag kang eskandaloso kundi ay masisira ang lahat." saway ni Aubrey na halatang iritable.

"Sigurado kayong ligtas ang kapatid ko?" tanong ulit ni Bitz at tumango si Theodore.

Sunod na namataan nila Theodore na pumasok si Monique. Nagmamadali itong lumapit kina Theodore. Saglit na nagkatinginan pa si Monique at Aubrey.

"Nice to have you with us Aubrey." bungad ni Monique.

"Ayoko lang sa taong gahaman." tipid na sagot ni Aubrey.

"Sinong natanggal?" singit ni Theodore.

"Si Ice." malungkot na sagot ni Monique.

Ilang beses na tumango si Theodore.

"Kumusta naman ang preparasyon?" tanong naman ni Monique. Lumingon muna sa paligid si Theodore bago inanyayahan si Monique sa isang sulok para mag-usap.

"Gaya ng inaasahan ay nakidnap ang kapatid ni Bitz ngunit sigurado akong nakasunod lang si Casey sa kanila. Ang hindi ako palagay ay kung ano ang itinatagong baraha ni Edward. May hinala akong hindi natin magagamit si Bitz sa araw na ito." imporma ni Theodore.

Nanlaki ang mga mata ni Monique. "Katulad lang ito ng plano ng-"

"Oo katulad ito ng sinabi ng Presidente ngunit hindi naman niya sinabi sa atin kung anong gagawin natin sakaling mangyari nga ang mga bagay bagay na sinabi niya." pagpuputol ni Theodore.

"Then we will go as planned. Ipapakilala natin si Bitz at magsasalita siya."

Mas lalong kinabahan pa si Bitz na napatingin kina Monique at Theodore.

"Pwe-pwede ba akong kumain muna? Kinakabahan na talaga kasi ako." ani ni Bitz.

"Si-sige. Bilisan mo lang." sang-ayon naman ni Theodore.

***

"Saan niyo ako dadalhin?" maangas na tanong ni Gig sa tatlong lalakeng dumukot sa kanya. Matitipuno ang mga katawan ng tatlo at balot na balot.

"Kailangan ka lang namin para takutin ang kuya mo." sagot ng isa.

"Anong meron sa kuya ko?"

"Huwag ka ngang tanong ng tanong kundi ay makakatikim ka sa akin!" bulyaw ng nagmamaneho. Habang patuloy sa pag-uusap ang dalawa ay pasimpleng inilabas ni Gig ang cellphone at idi-nial ang number one sa kanyang fast dial. Sinigurado rin ni Gig na hinaan ang tunog ng cellphone.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon