Sa Dining Hall ng Pishon, para sa kauna-unahang pagkakataon na makakasalo nila si Serene ay pormal na binati siya ng buong paksyon. Habang nakatayo sa harapan ng mga taga-Pishon si Serene ay hindi niya napigilan ang kabahan at bahagyang nanginig ngunit dahil sa hinawakan ni Vane ang kanyang kamay ay napanatag ang kanyang loob. Mangilang beses na tinitigan ni Vane si Serene at pilit na ipinaparamdam na wala siyang dapat ikatakot.
"Let's clap for the Prefect!" nakangiting utos ni Lucas at sumunod naman ang lahat. Tsaka nagmamadaling ipinakita ni Lucas kina Serene ang magiging mesa nila na hiwalay sa karamihan. "Sapat na ba ang distansya?"
"Why are you so caring all of a sudden? Weird." Vane shrugs before he took his seat.
"Salamat po." pasasalamat naman ni Serene na umupo na rin. Nang mapansin niya na walang balak umupo ang mga guwardiya niya at tatayo lamang sila sa kanyang likuran ay tsaka niya inalok ang dalawa na umupo sa tabi niya.
"Binibini, hindi po pwede." mahinang sagot ni Mona.
"Maraming mata ang nakamasid sa amin, Binibini." dagdag ni Bridgitte.
"Ganun ba?" tsaka binaling pabalik ni Serene ang mata sa mesa nang mapansing wala na si Vane sa harap niya. Nagulat na lang siya nang nakaupo na pala si Vane sa upuang ipiniprisenta niya sa mga Guwardiya.
"Dito na lang then ako." abot tengang nakangiti si Vane. Pasimpleng napalingon naman si Serene sa iba pang estudyante at halos mapatid ang paghinga niya nang makitang nakatingin ang lahat sa kanila habang sumusubo ng pagkain.
"Va-Vane."
"Ano?"
"Na-nakatingin silang lahat sa atin." isinungo ni Serene ang direksyon ng mga estudyante kaya napatingin din si Vane ngunit hindi man lang nagulat ang binata.
"Don't mind them. They should probably think that we are a perfect couple. Match made in heaven!" napa-awang na lang ang bibig ni Serene sa confidence ni Vane. Ngunit sa huli ay napangiti ito ni Serene. "I'm not joking." naka-pout na komento ni Vane.
"Pffft... " tinakpan ni Serene ang bibig para pigilan ang sariling tumawa.
"Can I sit here?" natigilan ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Yalec dala-dala ang sariling tray na may laman ng kanyang pagkain.
"Yalec?"
"Can I sit here, Prefect?" seryosong tanong ni Yalec kay Serene. Dahil natagalan na makasagot si Serene ay umupo na lang si Yalec sa dating inupuan ni Vane. "I guess silence means yes."
Mabilis na napatingin si Vane kay Serene para pagmasdan kung okay lang ba ang dalaga sa prisensya ni Yalec at nang makitang seryosong nakatingin lang si Serene sa kanyang pagkain at parang robot na sumusubo ay natanto ni Vane na hindi palagay si Serene kay Yalec.
"Yalec, mukhang hindi pa siya sanay sa iyo. Pasensya na." mahinang sambit ni Vane. Napaismid si Yalec tsaka matalim na tinignan si Serene.
"I am not here to make friends with her. I am here to watch her." direktang sagot ni Yalec habang halos mapatayo sa kinauupuan si Serene dahil alam niya kung ano ang nais nitong ipahiwatig.
"Watch her? For what?" tanong ni Vane.
"Just this and that. Who knows she might have a loose mouth." itinaas pa ni Yalec ang kilay nang biglang ipinalo ni Vane ang kutsarang hawak sa kaibigan.
"Sinong tinataasan mo ng kilay? Umayos ka nga! Tinatakot mo siya eh." alburoto ni Vane.
"Did you just?" naglalakihan ang mga mata ni Yalec na hindi makapaniwala sa ginawa ni Vane.
"Magbago ka na rin. Napakasungit mo daig mo pa yung isang lalake na mahilig mang-irap ng tao."
"Si Echo?" tanong naman ni Serene kay Vane.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...