Nagising si Serene sa bulungan at kaluskos na ginagawa ng tatlo niyang kaibigan. Hindi nila binuksan ang ilaw at panay ang pagpapatahimik nila sa isa't isa.
"Ano ba Sue? parang magnanakaw lang dapat ang peg natin di ba?" naiinis na bulong ni Krystynn kay Sue na may napatid na baso na walang laman. Ugali kasi ni Sue na uminom ng tubig bago matulog para raw sa kanyang beauty.
"Pasensya na. Hindi ako pusa para makakita ng walang ilaw." sarkastikong bulong ni Sue.
"Ssshhh!" pantatahimik naman ni Glory na binuksan na ang pinto. Ang hindi alam ng tatlo ay may suspetsa na si Serene sa kanilang binabalak kaya nagpanggap muna ang dalaga na natutulog pa rin habang dahan-dahang umalis sa kanilang kuwarto ang mga kaibigan niya. Agad namang bumangon si Serene pagkasara nila ng pinto at tahimik niyang sinundan ang nag-aaway pa rin na mga kaibigan. Nang makita ni Serene na papunta nga ang tatlo sa kuwarto ni Serene kung saan natutulog ang mga lalake ay napailing na lang siya sabay bumuntong hininga.
"Buksan mo na at ako ang magpipicture." utos ni Krystynn kay Sue. Nang aabutin na ni Sue ang sarahan ng pintuan ay tsaka naman sila pinigilan ni Serene.
"Anong binabalak niyo?"
"Ay! Butiki na nahulog sa sahig!" tili ni Sue sa sobrang pagkagulat at napalundag din sina Krystynn at Glory. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib, na siyang ipinagmamalaki niya sa kanilang magkakaibigan.
"Ano ba Serene, halos malaglag yung panty ko sa sahig dahil sa iyo." reklamo ni Sue nang maka-recover na siya sa pagkakagulat.
"Panty ba yan ng matanda at madaling malaglag?" sarkastikong buwelta ni Serene.
"Ganyan talaga yan para madaling mahablot." sagot ni Sue na agad namang binatukan ni Krystynn at Glory "Aray huh!"
"Bakit ba nagkaroon tayo ng pokpok na kaibigan?" ani ni Glory na sinimangutan pa si Sue.
"Nagsalita ang mga inosente eh pare-parehas naman tayo ng balak." buwelta ni Sue na pinantirikan ng mata si Glory.
"At anong balak iyon aber?" tanong ni Serene tsaka niya pinagkrus ang mga kamay na parang manenermon sa kanila. Hindi nakasagot kaagad ang tatlo at panay ngiti lang ang isinasagot nila kay Serene kaya nainis na si Serene.
"Mga bruha magsasalita ba kayo o iju-judo ko ang mga pagmumukha niyo sa sahig?" pambibirong banta ni Serene na nakangiti pang itinaas ang kamao sa mga kaibigan.
"Gusto lang naman namin makita kung anong itsura nila habang natutulog o di kaya eh yung bagong gising nilang look." nagpapantasyang sagot ni Krystynn na may hawak ng camera.
"Alam mo kasi Serene, may usap-usapan na yang mga Eden Boys daw ay gwapo pa rin o di kaya ay mas gwapo tuwing tulog o bagong gising." paliwanag ni Glory.
"In short gusto naming mapatunayan kung oozing pa rin sila sa sex appeal pag tulog. Hay naku makapag-laglag undies talaga." mistulang naglalaway na dagdag pa ni Sue.
"Ano? Para lang dun?" nalito lang si Serene sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan lalo at hindi niya makuha kung bakit ganun na lang kadesperada ang mga kaibigan niya para sa isang bagay na kung si Serene ang tatanungin ay walang kakwenta-kwenta.
"Sabi ko nga sa kanila girl na sa banyo na lang kami maghintay. Oh di ba worth the wait and effort pag ganun. Atleast kita na lahat." singit pa ni Sue.
"Sue!" naiinis na sagot ng tatlo sabay binatukan ni Glory ang kaibigan.
"Ano ba? Namimihasa?" pinanlakihan ng mata ni Sue ang mga kaibigan sabay ayos ng nagulo niyang buhok.
"O sya, kung ano man ang binabalak niyo ay kalimutan niyo na. Tara na!" yaya ni Serene ngunit pumirmi sa kanilang kinatatayuan ang mga kaibigan at sabay sabay pang umiling.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...