"Cut!" Naiinis na sigaw ng Direktor. Nagmamadali itong tumayo sa kinauupuan at linapitan si Echo na nakasimangot.
"Tsismoso ka! Alalahanin mo! Magsasalita ka ba? Wala pa akong narinig na dialogue mo. Ilang beses na bang na-retake natin to?" pangaral ng Direktor. Nagkibit balikat na rin si Crystal na kasalukuyang ka-eksena ni Echo habang natatawa sa gilid sina Archer at Ice. Sa lakas nga ng tawa ng dalawa ay napalingon sa kanila ang Direktor.
"Kayo!" sabay duro kina Archer. "Tawa kayo ng tawa eh nakailang take din kayo! Jusko po! Anong problema ba ang pinasukan ko!" reklamo ng Direktor na sinasabunutan na lang ang sarili.
"Break! Tawagin niyo si Manang Betchay at magpapamasahe ako sa kanya. Nasisira ang beauty ko dito!" sigaw pa ng Direktor bago padabog na umalis.
"Ayusin mo kasi ang pag-arte mo." dagdag pa ni Crystal.
"Hindi ka rin naman magaling umarte huh." buwelta ni Echo.
"Aba, ngayon ka lang nagsalita at linait mo pa ako?" naiinis na tanong ni Crystal.
"I'll act when your acting right." tsaka na tinalikuran ni Echo ang halos mabato na si Crystal.
"Naku!" sigaw ni Crystal na padabog na umalis na rin.
"Good job!" nag-thumbs up si Ice kay Echo na sa hindi inaakalang pagkakataon ay nginitian si Ice. Mabilis na kinilabutan si Ice.
"Nakakatakot kapag bigla kang nginingitian ni Echo. Para bang magugunaw na ang mundo." sambit ni Ice kay Archer na palingon lingon sa paligid. "Oi! Nag-spot ka na naman ng chika babe?"
Bumuntong hininga si Archer. "Hindi, hinahanap ko lang si Serene. Parang hindi ko siya nakita."
"Huwag mo ng agawin yung para sa pinsan ko kung hindi ako makakaaway mo." babala ni Ice. Seryosong tinitigan siya ni Archer.
"Sige, si Tiffany na lang ang aagawin ko." panloloko ni Archer. Mabilis na napatayo si Ice at nanlilisik na tinitigan si Archer. Agad namang binawi ni Archer ang sinabi kaya kumalma kaagad si Ice.
***
"Gosh! Oh my gosh!" sinabunutan ulit ng Direktor ang ulo nang makita nito si Vane paglabas ng dressing room. Hindi naman siya pinapakinggan ng mga staff niya dahil namamangha sila sa itsura ni Vane.
"Ang gwapo pa rin niya kahit gutay gutay na ang damit!" tili ng isa sa mga staff.
"Sinong nag-make up sa kanya!" sigaw ng Direktor na parang mawawalan na sa sarili. Mabilis na tumakbo palapit sa Direktor ang make-up artist. "Ikaw?" nanlaki ang mga mata ng Direktor.
"Ang sabi ko gawin mo siyang mukhang pulubi! Nagmumukha siyang sex god!" sigaw ng Direktor.
"Direk, yung suot niyang damit yan naman talaga yung costume niya tapos ginulo ko po yung buhok at dinungisan ng kaunti. Sinunod ko naman ang utos niyo." paliwanag ng make-up artist. Bumuntong-hininga ang Direktor at napatitig ulit kay Vane na kahit na dinungisan na at punit-punit ang damit ay nakapagdagdag pa ito sa kanyang sex appeal.
"Tawagin niyo si Manang Betchay dali! Mag-papabunot muna ako ng puting buhok at ng ma-relax ako. Tatanda ako nito!" reklamo ulit ng Direktor bago padabog na umalis. Hindi pa rin maiwasan ng mga kababaihang staff na mapatingin kay Vane.
***
"Break!" sigaw ng Assitant Direktor na pansamantalang nagpatuloy ng gawaing iniwan ng Direktor. Hindi na nahirapan ito dahil ang eksena ni Yalec at Crystal ang kinuhanan niya.
"Salamat Yalec, atleast may natapos tayo kahit konti ngayon." pasasalamat ng Direktor kay Yalec. Nginitian naman siya ni Yalec.
Sa hindi kalayuan naman ay patuloy na nagsasaulo ng dialogue sina Hale, Serene at Ice.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...