CHAPTER 1 - DRAW LOTS

81K 1.2K 117
                                    

May tatlong palatandaan upang matukoy ang isang Eden boy sa isang kumpulan ng madla. Una. Lahat ng babae ay naglalaway sa taglay nilang kagwapuhan at ang ibang lalake ay halos mamatay sa inggit kakatitig sa kanila. Pangalawa. Siya'y may suot-suot na silver apple pendant. Pangatlo. siya'y mag-aaral sa Eden Academy. Kung ganun paano nakapasok si Serene sa naturang paaralan, yan din ang tanong niya sa kanyang sarili habang siya'y nagpapaalam sa kanyang pamilya.

*****

Sa isang mala-karagatan na kumpulan ng mga naka-unipormeng dalaga kung saan kalimitan ay may sari-sariling grupo ay ang kalimitang senaryo tuwing uwian, ang magpaalam sa isa't isa at si Serene ay hindi exemption. Medyo mahangin ng araw na iyon kaya naman nagsisisayawan ang mga puno na nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin. dahan-dahang nagsisilabasan ang mga estudyante. Sa bandang gitna ng school ground ay ang tagpuan nila Serene at ng kanyang mga kaibigan. May isang matandang puno na nagbibigay ng palakaibigang lilim kung saan sa ilalim nito ay mga kahoy na upuan.

"Nakita niyo na ba yung mga bagong photos ni Vane?" halos lumuwa ang mga mata ni Krystynn habang pinapakita nito ang Ipad kina Sue at Glory. Agad nila itong hinablot sa kanya at halos maglaway sila sa kakatitig ng isang lalake na para bang isa siyang piraso ng candy.

"He is like - perfect!" tili ni Sue na itinaas pa ang Ipad

"Sue patingin naman ulit please?" pagmamaka-awa ni Glory na pilit binaba ang Ipad sa kanyang lebel

"Tigilan niyo nga ang paglalaway sa mga pangit na pictures na iyan!" pinaikot ni Serene ang kanyang mga mata. Hindi naman dahil walang siyang hilig sa mga lalake. Hindi lang siya yung tipo!

"Pangit?!" sigaw ng tatlo. Nawindang si Serene at napa-atras nang marinig ang iskandalosong mga tono ng kanyang mga kaibigan.

"Serene, magiging matandang dalaga ka sa ugali mong iyan!" ani ni Glory

"Okay lang sa akin ang tumandang dalaga" wala sa tono ni Serene ang pagtanggap na siya'y nagkamali. Oo at alam nito na parang natapakan niya ang isang sagradong lugar nang nag-komento siya ng hindi maganda sa kanilang mahal na Vane. Napailing na lang siya sa kanyang isipan.

"Sayang ang beauty girl!" ungol ni Sue na hinawakan pa ang baba ni Serene tapos pailing-iling pa

"Tama nga si Sue! Sa ating apat, ikaw yung 'it' girl! You're it!" dagdag ni Krystynn na nag-snap pa

"Sabihin niyo ang gusto niyong sabihin basta ayoko sa mga lalake. Okay na ako sa inyong tatlo" at yinakap ni Serene ang mga kaibigan

"Tapatin mo nga ako girl, tibo ka ba?" O.A na react ni Sue

"No, cannot be" pailing-iling na singit ni Glory. Hindi tumagal ay nakarinig sila ng tilian sa isang grupo ng tatlo babae hindi kalayuan sa kanila.

"Anong nangyari sa mga iyon?" napakunot ng noo si Serene habang pinagmamasdan ang mga nagtitilian at nagtataluan na mga babae na para bang nanalo sila sa Lotto.

"Eden Boys!" sigaw nung mga babae

"Anong meron sa Eden Boys?" mabilis na inagaw ni Krystynn and Ipad mula kay Sue at agad na nagsearch sa internet. Nagkumpulan ang apat upang masilip lang kung anong meron sa katiting na screen

Ilang click dito at doon at maya't maya ay nasa home page na sila ng Adam Newson Academy. Sa malalaking letra ay isang anunsyo

"Adam Newson Academy is now accepting FEMALE applicants for this coming year. One female student shall be given the privilege to be a part of this prestigious Academy. The chosen student shall be picked by means of a draw lots. Please submit your applications on or before the deadline."

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon