CHAPTER 11 - BE MY FAN!

43.8K 612 82
                                    

"Matuto kang magpaalam sa tatay!" bulyaw ni Hale kay Archer paglabas nito sa sinehan. Ikinagulat din iyon ng grupo ni Serene na kasunod lang ni Archer. Mabilis na linapitan ni Hale si Serene tsaka hinatak ito papalapit sa kanya papunta sa kanyang likuran.

"Master Hale?" halos sabay na wika nila Mona at Bridgitte na nagulantang sa ikinilos ni Hale. Nakanganga rin si Archer na bakas sa itsura ang pagtataka at parang may napansing kakaiba. Itinuro ni Archer ang mga daliri sa kamay ni Hale na mahigpit na nakahawak kay Serene. Pilit niyang sinilip si Serene na nakatunganga rin at nakatingin lang kay Hale.

"Prefect, hi-hindi mo ibabalibag si Hale?" tanong ni Archer kay Serene.

"Huh?" protesta ni Hale habang wala pa rin sa tamang pag-iisip si Serene.

"Prefect? Hindi ka natatakot sa kanya?" binalewala lang ni Archer si Hale at nakatuon pa rin siya kay Serene. Umiling naman si Serene dahil nga sa katotohanang tanging si Hale lang ang nag-iisang lalakeng siya ay palagay.

"Siguro ay babae ang tingin ng prefect sa iyo kaya hindi siya natatakot." sarkastikong pangungutya ni Archer na agad ikinainit ng ulo ni Hale kaya't binitawan niya ang kamay ni Serene at mabilis na linapitan si Archer tsaka hinawakan ang kanyang damit. "Susuntukin mo ako?" asik ni Archer na hindi man lang kumurap habang nakatitig sa nag-aapoy na mga mata ni Hale.

"Tumigil na kayo!" pangpipigil ni Blake. Hindi pa rin kumilos ang dalawa samantalang nang mapansin ni Serene na naroon pala si Blake ay mabilis siyang nagtago ulit sa likuran ng kanyang mga guwardiya. Napansin ito ni Blake kaso ay hindi na lang niya ito dinamdam. "Kung ayaw niyong mabigyan kayo ng menos sa puntos ay hindi ko itutuloy ang walang saysay na pag-aaway na ito." dagdag pa ni Blake.

"Walang saysay?" bulyaw ni Hale kay Blake.

"Hale! Umayos ka!" may awtoridad ang boses ni Blake at tila bata namang unti-unting ibinaba ni Hale ang mga kamay.

"Wala akong pakialam kung babae, tatay o ano pa man ang tingin ng prefect sa akin basta ang mahalaga ay nakakalapit ako sa kanya para protektahan siya." ani ni Hale na bagama't nakakalas na ang pagkakahawak ay matalim pa rin ang mga titig na nakapako kay Archer.

"Binibini, mukhang mas maganda po kung mauuna na tayo." bulong ni Bridgitte kay Serene at tumango naman ang dalaga. Tahimik na nagsimulang umalis ang mga ito nang mapansin ng mga binata at ikinahimutok ito ni Hale. Mabilis itong lumapit kina Serene at hinawakan ang isang kamay tsaka hinatak ito palayo.

"Huwag kang sasama sa babaerong iyon." simula ng litanya ni Hale nang makalayo ng kaunti. Hindi niya linilingon ang kasama at nakatingin lang sa linalakaran.

"Pe-"

"Walang pero-pero! Balak ka lang gamitin ng mga Tigris na iyon maliwanag?" tsaka liningon niya ang kasama at biglang gulat na lang niya na ang kasama pala niya ay si Bridgitte. Napasigaw pa si Hale na parang nakakita ng multo tsaka niya nabitawan ang mga braso ni Bridgitte. Kaya naman pala nagtataka siya kanina at tila lumaki ang mga braso ni Serene at bumilog ang boses nito, sa isip niya.

"Pasensya po Master Hale." paumanhin ni Bridgitte na hindi magawang titigan si Hale. "Pe-pero sa tingin ko ay napaka-romantic mo. May gusto ka ba sa prefect?" tila kinikilig si Bridgitte na tinanong iyon kay Hale.

"I-ikaw ang nahatak ko?" binalewala naman ni Hale ang tanong ni Bridgitte dahil mas iniisip nito ang pagkakamaling nagawa. "Kung ganon, naiwan ko ang prefect? Do-doon?" turo-turo ni Hale ang direksyong pinanggalingan nila. Tumango si Bridgitte.

"Aisshhh! Ang tanga ko talaga!" tsaka mahinang sinuntok ni Hale ang ulo.

"Pero Master Hale, may gusto ka nga sa Binibini?" pagbabalik ni Bridgitte. Namimilog pa ang mga mata nito na sabik na sabik sa isasagot ni Hale. Bumuntong hininga si Hale.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon