CHAPTER 10 - CINEMA

44.6K 640 70
                                    

"Heto na ang premyo mo," binuksan ni Lucas ang itim na brief case na naglalaman ng pera tsaka niya ito ipinakita kay Vane. Walang interes na linapitan naman ng binata ito. "Syempre kinuha ko na yung parte ko." nakangising dagdag pa ni Lucas nang abutin ni Vane ang case.

"At magkano naman ang kinuha mo?" kunot-noong tanong ni Vane.

"Kalahati lang naman."

"Kalahati? Ibig sabihin limang daang libong piso na lang eto? Para kaming blue avatar sa gubat na iyon! Walang aircon, at walang salamin! Tapos basta basta mo na lang kukulangan yung talent fee ko?" nagtataasan ang boses ni Vane na hindi makapaniwala kung gaano kagahaman ang representante ng paksyon nila.

"Kung ako sana ang Principal eh di hindi ako kumukuha ng kickback. Kailangan ko rin ng funds." depensa ni Lucas. Sa lahat ng miyembro ng board ay si Lucas ang kilala sa pagiging mandurugas at sa ngayon ang pagiging kurakot.

"Aisshh!" himutok ni Vane bago isinara ang brief case. "Syanga pala, nalaman ko kay Rebecca ang isang napaka-importanteng detalye ng kompetisyon na ito."

"At ano naman iyon?" hindi nakatuon ang mga mata ni Lucas dahil abala na siya sa pagbibilang ng tinagong pera sa kanyang drawer.

"Tungkol sa boto ng prefect." Napataas ang kilay ni Vane ng kaunti nang makitang hindi man lang tumitingin sa kanya si Lucas kundi ay binabasa pa nito ang hinlalaki gamit ang laway bago magbilang.

"Anong meron sa boto ng prefect?" patuloy pa rin sa pagbibilang si Lucas.

"Na pwede niyang ibigay ito kahit kanino?"

"Yun lang ba? Hindi na bago iyon."

"Pe-pero sabi ni Rebecca na kung sakaling makuha mo ang puso ng prefect ay mas malaki ang tiyansa na ibibigay ng prefect ang boto niya sa nagmamay-ari ng puso niya." Natigilan si Lucas at naglalakihan ang mga matang nakapako lang ang tingin kay Vane. Para bang nabuhusan ito ng malamig na tubig at unti-unting nagningning ang mga mata tsaka parang nababaliw na nginitian si Vane.

"Ba-bakit hindi ko naisip iyon?" tulalang sambit ni Lucas.

"Dahil wala kang utak?" prangkang sagot naman ni Vane.

"Ako ay bahagi pa rin ng board! Kung ituring mo ako parang wala lang." reklamo ni Lucas. "Eh ba't hindi mo ligawan ang prefect kung ganon tutal gwapo ka naman."

"Are you serious? Ako? Liligawan yung babaeng iyon eh kung nag-cross dress ako eh mas maganda pa ako doon." litanya ni Vane.

"Ang kapal talaga ng batang ito hanggang ngayon hindi ko pa nasasakyan ang pagka-narcisso mo." bakas ang pagkadiri sa mukha ni Lucas.

"If you want me to court her then make her desirable." madiin ang pagkakasambit ni Vane.

"Ano? So liligawan mo siya kung maganda siya? Eh maganda naman ang prefect, masyadong hmmm...simple nga lang."

"That's what I meant, isipin mo isang super model iibig lang sa isang simpleng babae? Where's the logic in that? Atleast make her worth the effort." Inilahad ni Lucas ang palad na parang naghihintay ng kung ano kay Vane.

"Para saan yang kamay?" taas-kilay na tanong ni Vane.

"Funds para pagandahin ko ang Prefect?" nakangiting-asong sagot ni Lucas. Kung ibang tao siguro ang nakakita sa dalawang ito ngayon ay pagkakamalang si Vane ang board member at si Lucas ang utusang estudyante.

"Really? Ang matandang ito, gamitin mo yung nakulimbat mo sa akin! Tigulang na ito!" sigaw ni Vane.

"Aba! Wala ka talagang galang? Kung hindi mo naaalala eh pinuno ko yung bag mo ng pagkain noong jungle survival contest." buwelta ni Lucas.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon