CHAPTER 14 - FIVE EVE'S

39.6K 564 58
                                    

Sa munting silid ni Serene ay kasalukuyang pinagmamasdan ni Monique ang buong paligid. Ilang beses niyang pinuri ang mga kurtina ng kuwarto ni Serene. Kung gaano ka-elegante ang kanyang higaan na kahalintulad sa higaan ng isang prinsesa at ang mga upuan na nabalutan ng ginto.

"Nabalitaan kong may phobia ka? Ang nakakaawa ay kinakatakutan mo yung mga nakakatakam na mga lalake." umiling-iling si Monique at bakas sa mukha ang pagka-awa. "Opposites talaga tayo!"

Napipilitang tumango na lang si Serene na kasalukuyang nakaupo sa isang silya nang biglaang hinatak ni Monique ang isang upuan at umupo iti sa harap ni Serene. Napakalaki ng pagkakangiti niya na hinawakan ang mga kamay ni Serene.

"Gusto mo tulungan kita?" nakangiting-aso na tanong ni Monique. "Ayaw mo?" tanong niya ulit nang walang nakitang reaksyon mula kay Serene.

"Ah-eh." Hindi na nakasagot si Serene dahil may ibinagsak na sa kanyang mga kamay si Monique na isang libro. Kulay pula ito na ang cover ay isang napakagandang babae na nakasuot din ng pulang lingerie, pulang lipstick at naka-ayos ang buhok na para bang nang-aakit.

"A-ano po ito?" naglalakihan ang mga mata ni Serene dahil hindi nito alam kung para saan ang libro.

"Ehemm. Ako yan oh." sabay turo naman ni Monique sa cover. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Serene.

"I-ikaw ito?" Inilapit pa ni Serene ang libro sa kanyang mga mata tsaka niya titigan si Monique. Hindi niya lubos maisip na napakaganda noon ni Monique. Bakas pa rin naman ang kagandahan ni Monique hanggang ngayon.

"Ako nga. Ako rin ang nagsulat ng librong yan." pagmamayabang ni Monique.

"The Art of Seduction?" pagbabasa ni Serene sa title ng libro.

"Konti lang ang may kopya ng librong yan at sigurado akong matutulungan ka niyan. Gwapo yung lalakeng nakasimangot kanina." pagpupunto ni Monique kay Echo.

"Si Echo po yun."

"Huwag mo nga akong ma po-po! Kung bata lang ako ay aakitin ko ang lahat ng estudyante dito. Gwapo rin naman ang apo kong si Vane syempre dahil na rin sa akin. Ganun ang itsura ng apo kong iyon syempre dahil pinili ko ang pinakagwapo para maging asawa ko at yung ang Lolo niya." pagsisiwalat ni Monique. "Kung nakita mo lang yung Lolo niya noon..." tsaka parang nangarap ng gising si Monique at parang naglaway ng kaunti na kanya naman agad pinunasan. Ikina-surpresa iyon ni Serene lalo na't sa panlabas na anyo ay isang eleganteng babae si Monique, mahinhin at maganda pero totoo nga ata ang sabi-sabi na pawang weirdo ang mga nagiging prefect ng eskwelahan.

"Yung isa naman parang pamilyar sa akin." napaisip si Monique.

"Sino po?" Inirapan siya ni Monique "Ah Monique pala."

"Better. Yung batang easy go lucky ang itsura pero syempre gwapo din siya mas type ko lang kasi yung mga hard to get na tipo." Unti-unti na ring nasasanay si Serene sa mga dagdag na komento ni Monique lalo na sa itsura ng mga lalake.

"Si Hale yun Mo-monique?" bakas sa itsura ni Serene na hindi ito sanay tawagin ang isang nakakatanda sa pangalan lang.

"Anong apilyedo?" kuryosong tanong pa ni Monique.

"Thomp-"

"Thompson?" napalakas ang tono ni Monique. "Oh my? Kailangan ko pa lang naging mas mabuti sa kanya. Hindi mo ba alam na anak siya ng Presidente?" hindi mapakali sa kinauupuan si Monique.

"Alam ko na siya ang anak ng Presidente, sinabi na kasi ng bodyguard ko sa akin."

"Ah maganda kung ganon. Well, kung gusto mo siyang akitin basahin mo lang ang libro." tinuro ni Monique ang libro. Napipilitan na lang na napangiti si Serene. "Kumusta naman ang apo kong si Vane?"

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon