CHAPTER 38 - TANTRUMS

25K 432 53
                                    

"Binibini, umamin ka! Bakit abot tenga ang ngiti mo?" pang-iimbestiga ni Bridgitte kay Serene na maaliwalas tignan. Nakatayo sina Bridgitte at Mona sa harapan ni Serene na mahinhing nakaupo sa gilid ng kama.

"Blooming!" dagdag pa ni Mona na hinawakan ang mukha ni Serene at ikinompara sa sarili. "Ang gaspang talaga ng peys ko!"

"Naku, Mona. Huwag mo ng ikompara ang sarili mo at pag nalaman mong marami kang ikakatalo ay baka magbigti ka." baling ni Bridgitte kay Mona habang napahagikgik si Serene sa pagmamasid sa kanyang dalawang guwardiya.

"Ouch! Ang sakit mong magsalita! Akala mo naman kung may ikinaganda ka sa akin

" himutok ni Mona.

"Tinanggap ko na ang katotohanan Mona na sa mata ng lalake ay isa akong halimaw." ani ni Bridgitte tsaka bumaling ulit kay Serene. "Pero Binibini bakit nga blooming ka ngayon?"

"Wala ito. Maganda lang yung panaginip ko." nakangiting sagot ni Serene.

"Weh! Siguro sa panaginip mo ay kasama mo sa isang isla ang isang lalake. Yung kayo kayo lang?" hula ni Mona ngunit base sa pagkakamulat ng mata ni Serene ay natumbok nito ang panaginip.

"Mona, bulls eye." bulong ni Bridgitte kay Mona. Namula na rin si Serene at biglang napatayo sa pagkakaupo. Nagpabaling-baling si Serene at nang matumbok ng mata niya ang pintuan ay nagtungo siya dito nang sa bigla itong bumukas.

"Good Morning!" maligayang bati ni Hale. Hawak hawak niya si Lily at ginagalaw niya ang isa nitong kamay para kawayan silang lahat. "Hi! Serene!" bati ni Hale nang mapansin ang tulalang si Serene. Hindi naman sumagot si Serene kundi ay yumuko ang dalaga.

"Bakit mo ako yinuyukuan?" nagtatakang tanong ni Hale ngunit hindi pa rin sumagot si Serene kaya ibinaba muna ni Hale si Lily. Linapitan niya si Serene at mabilis na yinakap tsaka yinugyog.

"Oh my!" sabay na bulalas nila Mona at Bridgitte. Hindi sila makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata. Dahil na rin sa alam na ni Serene ang naiisip ng dalawa ay kumalas siya sa pagkakayakap ni Hale.

"Hale, baka kung anong isipin nila." nahihiyang paliwanag ni Serene. Napatingin si Hale sa dalawa at bakas nga sa mga mata nila ang malisya.

Ngumisi si Hale at linapitan rin si Bridgitte at Mona. Yinakap niya muna si Bridgitte tsaka hinalikan sa pisngi at pagkatapos ay mabilis niyang isinunod si Mona. Halos himatayin nga ang dalawa sa hindi inaasahang ginawa ni Hale.

"Hayan! Patas na?" tanong ni Hale sa tatlo at tanging nagkatinginan lang ang mga babae.

"Huy!" bigkas ni Hale ngunit walang sumagot. "Gusto niyo pa?" tanong niya.

Naglakihan ang mga mata nila Bridgitte at bakas ang pagkasabik sa sinabi ni Hale.

"Si-sige ba!" ninenerbiyos na sang-ayon ni Mona ngunit mabilis na pinalo.ni Serene si Hale.

"Huwag mo ngang binibiro sila Bridgitte." himutok.ni Serene.

"Binibini!" reklamo naman ng dalawa nang pinanlakihan ng mata ni Serene ang dalawa.

"Naku, Mona. Yan ang tingin ng nagseselos." tinuro ni Bridgitte si Serene at mabilis naman na dinepensahan ni Serene ang sarili.

"Defensive!" biro pa ng mga guwardiya niya.

Humalakhak na lang si Hale sa biruan ng tatlo.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Serene kay Hale.

"Ah...alam na ni Ice kung sino ang ama ni Gin." tinaas ni Hale ang hintuturo.

"Talaga? Sino naman ang walang pusong nag-iwan sa guwapong nilalang na iyon." singit ni Bridgitte.

Pinanlakihan lang ni Hale si Bridgitte ng mata.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon