CHAPTER 26 - TEACHER'S VENGEANCE

32.1K 468 32
                                    

Dahil sa hindi inaasahang pagkahimatay ni Serene ay agad na dinala sa malapit na clinic. Sa mga oras na iyon ay walang nurse sa clinic kaya naisipan na lang na tawagan ni Echo si Thea na kasama sa party. Hindi nagtagal at dumating ang nagmamadaling si Thea upang usisain ang nakahigang si Serene.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Thea sa dalawang binata.

"Nag-" hindi matuloy-tuloy ni Echo ang sasabihin dahil ayaw niyang malaman ni Thea ang rason.

"Sasagot ba kayo o hindi?" bulyaw ni Thea sa dalawa at napayuko sila.

"Nagsuntukan kami kasi tapos inawat kami ni Serene nang bigla na lang siyang napaupo at mukhang may naisip hanggang sa nawalan na siya ng ulirat." paliwanag ni Hale sa huli.

"What?" pinanlakihan ni Thea ng mata ang dalawa. "Alam niyo ba kung anong ginawa ninyo? Hindi pa tuluyang magaling si Serene at nasa rehabilitasyon pa lang siya."

"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Hale.

"I suspect she just had a breakdown."

"Bre-breakdown?" sumbat ng dalawang binata. Pinakalma muna ni Thea ang sarili. Mangilang beses niyang tinignan si Serene bago ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa sitwasyon ni Serene.

"Maaaring naalala ni Serene ang kanyang nakaraan nang makita niya kayong mag-away. To be specific, mga ala-alang pilit kinakalimutan ni Serene dahil nagiwan ito ng malaking sugat sa kanya. Naiintindihan niyo ba?"

Napaisip ng malalim ang dalawa at dahil parehas na alam ni Hale at Echo ang masalimuot na nakaraan ni Serene ay nakaramdam sila ng guilt.

"I am sorry." naunang nagpaumanhin si Echo. "Kung hindi ko sana-"

"Huwag ka sa akin magpaumanhin kundi kay Serene pag gising na siya." putol ni Thea.

"Pero okay lang ba siya?" tanong ulit ni Hale kay Thea.

"I'm not a nurse pero base sa kwento niyo ay masasabi kong okay lang siya. Hintayin na lang natin siyang gumising."

Dahil sa sinabi ni Thea ay kumalma na rin ang dalawang binata at matiyaga na lang silang umupo malapit sa hinigaan ni Serene. Bawat isa sa kanila ay malalim ang iniisip at bakas sa kanila ang lubos na pagsisisi sa kanilang naging kilos.

"Girl! What happened to you?" mangiyak-ngiyak at eskandalosang tanong ni Sue sa natutulog na si Serene. Nagulat si Hale at Echo sa biglang pagdating ni Sue lalo na at may kasamang lalake si Sue.

"Blake? A-anong ginagawa mo dito at bakit kayo magkasama?" tinuro ni Hale sina Sue at Blake. Nakitang umuwang ang bunganga ni Blake para magpaliwanag kaso tinakpan ni Sue ang bunganga ng binata. Suminghot pa ng ilang beses si Sue bago hinarap si Hale.

"Siya ang destiny ko." dramatic na sagot ni Sue.

"What?" pinagmulatan ng mata ni Blake si Sue.

"Kokontra ka?" asik ni Sue kay Blake. Mukhang natakot naman si Blake at pasikreto na lang na sineyasan niya si Hale na hindi totoo ang sinasabi ni Sue.

"Inagaw mo ba si Blake sa date niya?" tanong ni Hale kay Sue. Napakagat ng labi si Sue at mataray na idineny ang paratang ni Hale.

"Hindi ko siya inagaw. Nagpasama ako na ituro sa akin ang clinic nang marinig ko na papunta dito sina Vane." napalingon sa paligid si Sue at dahil hindi niya makita sina Vane ay nagtaka na rin siya. "Heh? Wala pa dito sila Papa Vane?"

"Wala pa!" galit na sagot ni Hale. "Kung basta mo na lang inagaw si Blake sa date niya ay binabalaan kita. Hindi mo ba alam na yung ka-date niya ay ang nag-iisang anak ng Bise Presidente?"

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon