Tahimik at tanging ang tunog ng mga huni ng ibon ang maririnig sa hardin. Hindi rin gaano kainitan kahit na nakalabas na ang araw kaya naisipan muna ni Serene na magpalipas ng oras.
"Anong iniisip mo?" tanong ng biglang sumulpot na si Hale. Paglingon ni Serene ay sinalubong siya ng dalang tinapay ni Hale na alam kaagad ng binata sa amoy pa lang na gawa niya ito mismo.
Malugod na tinanggap ito ni Serene at tsaka niya yinaya si Hale na umupo sa tabi niya.
"So, ano ang tumatakbo sa utak na ito?" tsaka marahan idinuro ni Hale ang noo ni Serene. Bahagyang napangiti si Serene bago umiling.
"Wala ba itong laman?" tanong ulit ni Hale.
"Me-meron noh!" mabilis na depensa ni Serene.
"Alam ko."
"Huh?"
"Ako laman niyan eh." natahimik si Serene at naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Tumawa si Hale bago pinisil ang pisngi ni Serene. "You are so innocent."
"So ano talagang iniisip mo?" pangungulit ni Hale.
Seryosong tumingin si Serene kay Hale. "Marami. At sa dami ng iniisip ko ay hindi ko alam kung anong uunahin."
"Huwag mo ng isipin yung sinabi nila. You don't need to force yourself to choose."
"Confident ka na ikaw ang pipiliin ko?" tanong ni Serene. Nanlaki naman ngayon ang mga mata ni Hale.
"Hindi ba?"
"Paano kung wala akong pipiliin?"
"Wa-wala? Hi-hindi pwede!" malakas na depensa ni Hale.
"Hay naku. Naisip ko lang kasi na baka marami akong masasaktan kung pipili ako."
Umiling si Hale bago ipinatong ang kamay sa ulo ni Serene. "You can't make everyone happy. You can't love everyone in the same degree but you can always make the best decision for everyone."
"Huh? Ang lalim naman nun." reklamo ni Serene nang hinawakan ni Hale ang kamay niya.
Ilang beses na tinapik tapik ng binata ang palad ni Serene. "Kahit gaano kahirap at kasakit ang gagawing mong desisyon, alam kong maiintindihan ka naming lahat. You are not the only one who doesn't want to hurt us. Ayaw rin namin na masaktan ka. I'm sure all of us will respect your decision."
Ilang beses na tumango si Serene bago nginitian si Hale.
"Pero, ikokompanya ko na rin sarili ko. Choose me!" bago mabilis na hinalikan ni Hale si Serene sa pisngi at tsaka tumakbo palayo. Napangiti na lang si Serene.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...