CHAPTER 70 - EDEN'S CHAMPION

11.9K 366 27
                                    

Dama ni Archer ang bigat ng bawat hakbang niya. Tila lumulutang ang isipan niya at kahit kasabay sa paglalakad si Rebecca patungo sa kuwarto ng kanyang Ina ay 


mistulang nagtungo na sa ibang mundo si Archer.


"Will you be okay?" concern na tanong ni Rebecca nang nasa tapat na sila ng pintuan. Walang reaksyon si Archer at hindi na nagawang sumagot. "Will you-"


"Open the door." tipid na sagot ni Archer. Nagdadalawang isip si Rebecca at pilit na binabasa sa mukha ni Archer kung handa na nga ba ang binata na makita ang namayapa 


nilang Ina.


Ilang beses na bumuntong-hininga si Rebecca bago dahan-dahang ipinihit pabukas ang pintuan at ang unang tumambad sa mata ni Archer ay ang imahe ng likuran ng kanyang 


ama. 


Nanlaki ang mga mata ni Archer. Mabilis na nabuhay ang magkahalong galit at pagkabigla ng binata nang makita ang Ama niya na mahigpit na hinahawakan ang kamay ng 


kanilang Ina.


"Why are you here?" galit na idinuro ni Archer ang Ama. Paglingon ni Greg ay mas nagulat si Archer na makita ang Ama na namumula ang mga mata. Hindi rin maayos ang 


pagkakabutones ng suot nitong longsleeve at bakas sa mukha niya ang matinding pagdadalamhati.


Umismid si Archer na parang nababaliw. "Artista ka na rin pala ngayon? Umiiyak ka pa? Huh?"


"Stop Archer. Pay respect to mom first." pumagitna si Strike sa nagbabadyang away nila Archer.


"Move!" utos ni Archer sa ama at mahinahong pumagilid naman si Greg. Nang tumambad na sa mata ni Archer ang buong imahe ng Ina ay hindi na naiwasan ni Archer ang 


mailabas ang kanina pa niyang pinipigilang emosyon. Mga hinanakit at pagsisisi sa sarili dahil sa pagkamuhi sa Ina.


Ilang beses na kinalampag ni Archer ang dibdib habang panay ang paghikbi niya. Nanginginig ang mga kamay niya na inabot ang malambot na kamay pa rin ng Ina.


"You-you still feel warm Mom." sabay idinikit ni Archer ang palad ng Ina sa kanyang pisngi at tuluyang umiyak na parang walang bukas. Hindi na rin napigilan ni Rebecca 


na umiyak ng tuluyan habang yinakap siya ng asawa niya.


"I-I am sorry." garalgal na singit ni Greg na umiyak na rin. Sa galit ay mabilis na tumayo si Archer at hinawakan sa kuwelyo ang damit ni Greg.


"Sorry? None of us here deserves her. We are all losers here!" buyaw ni Archer. "All of us here are hiding on a mask that we created! Trying to be a perfect family? A 


family of champions? Sino ba sa atin ang nakaalam na may sakit si Mama? We are one hell of a mess up family." unti-unting nanghina ang boses ni Archer na patuloy pa 

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon