Malungkot na pinag-drive ni Bridgitte si Serene pabalik ng House of Eve at maski si Mona ay hindi rin umiimik. Madalas na napapabuntong-hininga ang dalawang guwardiya
ni Serene na nahuhuli ng dalaga na panay ang tanaw sa salamin.
"Ma-mimiss niyo ako?" pilit ngumiti si Serene habang malungkot na tumango sina Mona at Bridgitte.
"Dadalaw ako. Huwag kayong mag-aalala."
"Magiging normal na security guard na naman tayo Mona." parinig ni Bridgitte.
"Baka pagbabantayin na naman tayo sa labas ng gate, gaya ng dati." dagdag pa ni Mona.
Nahalata naman ni Serene na kinokonsensya siya ng mga bodyguard. "Pwe-pwede akong makiusap na huwag kayong ilagay dun." Nagkatinginan ng bahagya si Mona at Bridgitte.
"Ta-talaga Binibini? Kaya mo yun?" tanong ni Bridgitte at tumango naman si Serene.
"Binibini gusto ko kahit taga-bantay na lang ako sa House of Eve. Yun bang kahit mayor doma na lang?" pa-cute na hingi ng pabor ni Mona.
"Aba, maganda yan Mona tapos ako naman ang magiging amo mo." pagbibiro ni Bridgitte.
"Hoy! Bridgitte huwag kang mangarap ng sobrang taas dahil pagbaba mo ay siguradong masisira ang kalsada. Sa bigat mong yan? Hmmp!" agad na nanlaki ang mga mata ni
Bridgitte sa mga sinabi ni Mona at halatang nasaktan siya.
"Mas mabigat ka kaya sa akin nung last weigh in natin." resbak ni Bridgitte.
"As if! Alam ko namang hindi mo ipinatong yung one fourth ng paa mo noh." buwelta ulit ni Mona.
"Wala yung epekto!"
"Meron! Ang isang daliri ng paa mo ay ilang gramo rin ang katumbas noh!"
"Tumigil na kayong dalawa." pagtatahan ni Serene sa kanyang mga guwardiya.
"Itong si Mona kasi Binibini." sumbong ni Bridgitte.
"Umayos na kayo at malapit na tayo sa House of Eve." nakaramdam ng kaba si Serene habang papalapit sila sa House of Eve.
Naiisip niya na naghihintay sa kanya ang mga kasambahay at katulad ng mga guwardiya niya ay maghihingi ng sapat na eksplanasyon sa kanyang naging desisyon. Bago pa man
buksan ni Serene ang pintuan ay binuksan na ito ng mukhang inip na inip na si Vane. Gaya ng inaasahan ni Serene ay kumpleto ang apat, lahat ay hindi maipinta ang mukha
at alam ni Serene na kating-kati na ang apat sa kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...