Nagngingitngit sa galit si Edward na pinagtatapon ang mga bagay sa kanyang mesa. Sumisigaw siya at ilang ulit na napatingin kay Detective na nanlilisik ang mga mata.
"You! You better tell the truth!" dumadagundong ang boses ni Edward habang nanginginig na tinuturo ang kaharap. Umismid lang si Detective na parang hindi natatakot sa pagbabanta ng kausap.
"All the facts that you need is inside that folder. May birth certificate na rin diyan at hospital records. I do things professionally." lumapit si Detective kay Edward at tinitigan din ito ng matalim. Ilang beses na huminga ng malalim si Edward hanggang sa siya na mismo ang napaupo. Tinitigan niya muli ang larawan at ang laman ng folder.
"Keep this a secret." madiin na utos ni Edward.
"And what if I don't?" panunukso ni Detective. Lalo namang nagngitngit sa galit si Edward at mabilis na hinawakan sa kuwelyo si Detective.
"Or else I might end up killing a detective the moment you step out this room!" tumawa lang si Detective bago hinawi ang mga kamay ni Edward.
"Huwag kang mag-alala hindi ako magsasalita pero who knows."
"Anong ibig mong sabihin?" takot na tanong ni Edward.
"Sabi nila pag may usok may sunog. I can't guarantee that our little secret will remain hidden. Huwag kang mag-alala hindi ko ipagkakalat ang nalaman ko. Regalo ko na sa iyo bilang huling serbisyo ko sa isang kustomer."
Pagkatapos lumabas ng kuwarto si Detective ay tsaka ulit nagsisigaw si Edward sa loob ng kanyang opisina.
***
"Anong nangyari sa iyo Regulus at pawisan ka? Galing ka sa Tigris?" tanong ni Bitz kay Regulus na tuliro at hindi makausap ng matino.
"Ma-may narinig lang ako." nanginginig na sagot ni Regulus.
"Ah ganun? Favor naman oh."
"A-ano na naman ba?!" napasigaw na tanong ni Regulus.
"Heto hihingi lang naman ako ng pagkain. Nagagalit ka kaagad? Hindi pa ako nagmeryenda kasi." mahinang sagot ni Bitz.
Galit na dumukot ng pera si Regulus at mabilis na isinuksok ito sa palad ni Bitz. Nagtatakang napatingin si Bitz sa palad.
"Pagkain ang hinihingi ko hindi pera. Pagkain gusto ko." himutok ni Bitz.
"Eh di Ibili mo!" bulyaw ni Regulus bago siya nagmamadaling linayasan si Bitz.
Tulirong naglalakad at hindi mapakali si Regulus nang mabangga niya si Detective. Nanlaki pa ang mga mata ni Regulus nang makita ang nakangiting si Detective.
"Ba-bakit mo ako pinapunta dun!" sigaw ni Regulus kay Detective.
"Kasi gusto kong may makarinig sa pag-uusapan namin." nakangising sagot naman ni Detective. "Alam kong nagtratrabaho ka para kay Edward kahit isa kang Pishon."
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" nanginginig na tanong ni Regulus.
"I want you to become a man and stand up for what is right. Huwag kang magpa-alipin kay Edward." madiin na sagot ni Detective.
"Nagtrabaho ka rin naman sa kanya huh." buwelta ni Regulus. Umiling naman si Detective.
"Hindi ko ginawa ito para sa kanya. I solve puzzles, hindi ako tauhan." bulong ni Detective bago tinapik si Regulus sa may balikat at naglakad na paalis. Naiwan si Regulus na nanginginig pa rin at hindi alam ang gagawin.
***
"Nandito na po si Miss Crystal, Principal." pagpapaalam ng sekretarya ni Edward. Tulirong nakatingin lang kung saan si Edward bago sinabihan na papasukin ang kanyang bisita. Hindi nagtagal at taas noong pumasok sa opisina ni Edward si Crystal. Ang papasikat na batang artista na nakilala sa taglay niyang mala-prinsesang kagandahan.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...