CHAPTER 58 - TOUCH MY BODY

15.7K 338 44
                                    

Napuno ng tawanan ang House of Eve dahil na rin sa pinapagawa ng grupo ng mga babae sa mga alipin nila.

"Anong gagawin mo number five?" tanong ni Arabella kay Hale.

"Number five?" nanlaki ang mga mata ni Hale at hindi makapaniwala sa trato ng Ina sa kanya. Nagkatitigan pa ang mag-ina bago tuluyang sumuko si Hale.

"Bingi ka ba? Alangan number four ka? Panglima ka kaya." sarkastikong sagot ni Arabella.

"Mang-aaway ako." nakasimangot na sagot ni Hale.

"Huh?" bahagyang sumandal paharap si Arabella mula sa pagkakaupo habang nagkatinginan ang iba pang mga babae na nanonood.

"Patatawanin ko kayo gamit ang pakikipag-away." panlilinaw ni Hale.

"Kelan ka pa natutong nakipag-away huh?" galit na tanong ni Arabella. Pilyong ngumisi si Hale bago hinanap ng mata si Vane na agad pinandilatan si Hale nang mapansin ang pilyo nitong ngiti.

"Hoy Narcisso!" tawag ni Hale kay Vane.

"Anong problema mo?" kunot noong tanong ni Vane. Bakas ang pagkainis sa tono ni Vane dahil ayaw na ayaw siyang tinatawag na Narcisso kahit ito ang isang salitang na kumakatawan sa kanya.

"Balita ko kaya matagal ka sa banyo ay dahil pinagmamasdan mong mabuti ang tae mo. Sinasabi mo ngang napakaganda ang tae mo eh."

Agad namula si Vane at itinanggi ang paratang ni Hale.

"Sinungaling ka!"

"Hindi ba't sinasabi mo na lahat ng tungkol sa iyo ay napakaganda. Kasali na ang tae mo nun."

Pautal-utal at nanginginig ang mga labi ni Vane. "Hi-hindi naman palagi na tinititigan ko tae ko noh. Pero totoo namang maganda ang tae ko. Exquisite!"

"Totoo?" gulat na tanong ng mga babae at bago pa man makasagot si Vane ay nagtawanan na sila.

"Kasalanan mo ito!" pagmamaktol ni Vane na halos maiyak nang makita na pati si Serene ay tumatawa.

"Ikaw naman kasi Narcisso, hinulaan ko lang na gagawin mo yun eh umamin ka naman. Ladies and gentlemen I am skilled in observing people. I will further share the secrets of my fellow slaves. Secrets that they themselves don't know." anunsiyo ni Hale. Napukaw naman nito ang interes ng mga babae.

"Gusto kong malaman ang tungkol kay Kuya Yalec, Kuya!" request ni Winter. Nginitian ni Hale si Winter bago inilipat ang tingin kay Yalec.

Dahan-dahang linapitan ni Hale si Yalec. "I know your favorite color." Agad na nag-iba ang seryosong mukha ni Yalec. Maski si Vane ay humagikgik dahil alam niya ang sagot.

"Anong favorite color mo Kuya?" tanong ni Winter kay Yalec. Umiling naman si Yalec.

Panay pa rin ang hagikgik ni Vane.

"Pink!" sagot ni Vane sabay tawa at sumama na rin ang mga babae. Panay ang tingin nila kay Yalec na napaka-maskulado ang dating ngunit favorite color naman pala ang pink.

"This is nonsense!" alburoto ni Yalec.

"Who do you want next?" tanong ni Hale sa mga babae.

"Si Master Echo!" suhestiyon ni Mona at Bridgitte.

"Echo it is!" lumapit naman si Hale kay Echo na agad tinataboy si Hale gamit ang kamay.

"Don't come near!"

Dahil naman sa reaksyon ni Echo ay natawa ulit ang lahat. Pati si Hale ay natawa kay Echo na mistulang bata na ayaw palapitin si Hale.

"Relax dude, I am not going to rape you. Hahaha." pang-aasar pa ni Hale. Nakataas ang dalawang kamay niya na lumayo kay Echo. "There you have it folks my funny presentation." pagtatapos ni Hale.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon