CHAPTER 54 - GOODBYE!

13.8K 353 42
                                    

Punong-puno ang buong cinema. Hindi nga matago ang ngiti ni Direk at kahit maraming nangyari ay maganda pa rin ang pagtanggap ng tao sa munti nilang proyekto.

Nagmistulang mga sikat na artista ang mga binata pagpasok nila sa cinema. Pinagkaguluhan sila at pinagkukunan ng litrato habang si Serene at ang kanyang pamilya ay pasimpleng pumasok ng sinehan. Salamat na lang sa pag-alalay sa kanila ng mga guwardiya ni Serene ay walang naging aberya.

"Sayang, anak." malungkot na sambit ng Nanay ni Serene.

"Bakit Nay?"

"Akala ko magiging artista ka na kaso naunsiyame. Tsk...tsk.." napangiti na lang si Serene.

"Sabi ni Direk sa akin Nay eh ibibigay niya sa akin yung kopya nung pag-arte ko. Pwede ko raw iuwi. Na-edit na rin daw." paglalahad ni Serene.

"Talaga anak?" nagningning ang mga kanina'y nanlulumong mata ng Nanay ni Serene.

"Hi po!" bati ni Hale sa Nanay ni Serene. Nasa unahan nila ang uupuan ng mga binata. Sunod rin na binati sila ng iba pang binata na lahat ay naka-pormal na suot.

"Para kayong dadalo ng awards night huh." pansin ni Voice. Nginitian lang siya ng pitong binata. Madaling namula si Voice at nagtakip ng mukha.

"Paano ka nakakatagal dun ate?" bulong ni Voice sa ate.

"Bakit?"

"Kung kaedad lang kita ay baka pinakasalan ko na ang isa sa kanila. Eeeeehhhh!" kinikilig na kinurot ni Voice ang ate at kinurot din naman ni Serene ang kapatid.

"Ano raw?" biglang lingon ni Hale. Gulat na nagkatinginan naman sina Serene at Voice.

"Wa-"

"Sabi ng mga anak ko eh papakasalan raw nila ang isa sa inyo." singit ng Nanay nila.

"Nay!" malakas na reklamo ni Serene at Voice.

"Bakit? Kung magbulungan kayo eh rinig hanggang dito. Huwag na kayong mag-inarte at gusto ko rin namang magkaroon ng apo na kasing gwapo nila." Nagdadabog na nagkulob sina Serene habang natawa na lang ang mga binata.

"Gwapo ba po? Eh di ako na iyon!" singit ni Vane.

"Pwede rin!" nakangiting sagot ng Nanay ni Serene. Lumingon naman si Crystal nang narinig ang usapan ni Vane at ang Nanay ni Serene. Mangilang beses na inirapan niya ang pamilya ni Serene.

"Anong problema nun ate? Galit ba yun sa atin?" pansin ni Voice.

"Hayaan niyo na lang. Bitter lang yan at maraming nangyaring hindi maganda sa kanya lalo na nang isinali si Venus sa set." singit ni Yalec.

"Saan pala si Venus?" tanong naman ngayon ni Bitz.

"Bakit ba palagi mong hinahanap si Venus Bitz huh? For your information eh reserved na yan sa customer ko." galit na bulong ni Ice kay Bitz. Dahil pinaggitnaan ng dalawa si Echo ay nakatikim ang dalawa ng irap mula sa binata.

"Bad trip ka ata?" sarkastikong tanong ni Ice kay Echo ngunit hindi siya sinagot ng binata kaya ibinaling niya ulit ang atensiyon kay Bitz. "Ano? Bakit mo nga palaging hinahanap? Pansin ko lang bro."

"Kasi binibigyan niya ako ng pagkain." mabilis na sagot ni Bitz. Nasapo na lang ni Ice ang noo.

"Tapatin mo nga ako, ano bang gusto mo sa babae at nang mahanapan kita ng babae."

"Ang gusto ko sa babae?" itinuro ni Bitz ang sarili. Paulit-ulit na tumango si Ice.

"Basta pinapakain ako. Okay na."

"Yun lang?" nanlaki ang mga mata ni Ice. Tumango si Bitz. Napansin naman ni Ice na nakikinig sina Bridgitte at Mona na nasa likuran nila.

"Yun lang talaga?" kuryosong tanong ni Bridgitte.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon