CHAPTER 34 - HALE, SNOW AND ICE

25.1K 505 125
                                    

Nagising si Serene sa init ng hininga ni Hale na umiihip sa kanyang bunbunan. Pagbukas ng kanyang mga mata ay nagulat siya ng saglit nang makitang nakapulupot sa kanya ang mga braso ni Hale.

"Hale?"

Naalala niya tuloy ang mga nangyari sa laban nila ni Leon at sariwa pa sa kanyang isipan ang nakitang pag-iyak ni Hale.

Napangiti si Serene at susuksok pa sana sa mga bisig ni Hale nang biglang bumukas ang mga mata ni Hale kasabay ng paglabas ng isang matamis na ngiti. Saglit na nagpunas ng mga mata si Hale at kumalas sa pagkakayakap. Umarte pa ang binata na nangalay sa pagkakahiga ni Serene sa kaliwang braso niya.

"Good Morning and welcome to Euphrates!" bati ni Hale. Nataranta naman si Serene at napabalikwas sa pagkakahiga.

"Ui! Good Morning sabi ko." nagtatampong pang-uulit ni Hale. Nag-pout pa ang binata at umasta na parang bata. Naramdaman ni Serene ang pag-init ng kanyang pisngi kaya ayaw niyang humarap kay Hale.

"Ah! Palitan ko pala ang greetings ko." pakamot kamot na sambit ni Hale at hindi na naiwasan ni Serene ang harapin ang binata.

Nginitian ulit ni Hale si Serene.

"Welcome to Euphrates and from now on I will be your bodyguard." nagulat si Serene sa sinabi ni Hale at mas nagulat pa siya nang bigla soyang hatakin ni Hale hanggang sa mapasubsob siya malapit sa dibdib ni Hale. Dumadagundong ang pintig ng puso ni Serene kaya hindi na niya napansin nang pinosasan siya ni Hale.

"Para saan ito?" utal na tanong ni Serene.

"Since you can't help yourself from staying out of danger, you'll be stucked with me." madiin na sagot ni Hale.

"Pe-pero hindi pa tapos ang pagbisita ko sa Tigris?"

"I don't care. I'm ready for the consequences." sagot ni Hale nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang isang galit na galit na lalake.

"Anong kalokohan na naman ba ang pinasok mo Thompson!" bulyaw ng lalake na sa itsura ay mas may edad ng kaunti kay Hale. Mukhang pamilyar din ang mukha nito kay Serene. Hindi man sigurado si Serene kung sino ang pumasok ay sigurado siyang nakita na niya ito kung saan.

"Council President? Salamat sa pagbisita!" nakangiting sagot ni Hale at isang batok naman ang ganti ng kausap. Liningon pa nito si Serene bago niya hinampas ang sariling noo at umarteng masakit ang ulo.

"Alam mo ba ang ginawa mo?" asar na tanong ng Council President.

"Huwag ka ng mag-alala. Lilipas din yan." nakangising sagot ni Hale at binatukan ulit siya ng Council President.

"Pinsan kita at alam mo namang malaking sakripisyo ko para maipasok kita sa school na ito. Hindi na nga ako pinapansin ng Daddy mo tapos bibigyan mo na naman ako ng sakit ng ulo?"

"Salamat Snow." nanlalambing na sagot ni Hale at wala ng nagawa ang kanyang pinsan. Liningon naman ni Hale ang naguguluhan sa pangyayari na si Serene. Nakatingin lang ang dalaga sa kanilang dalawa.

"Serene, meet my cousin. Snow pangalan niya at siya ang council president ng school. Bigatin di ba?" tsaka tumawa si Hale.

"Nice to meet you Prefect. Kung nagtataka ka kung bakit hindi mo ako nakikita kahit council president ako ay dahil iyon sa dami ng paper works na itinatambak sa akin ng mga board." sambit ni Snow na mukhang nanlupaypay nang maalala ang mga gawain pa niyang hindi pa natatapos.

"Ahhhh...Mag-pinsan kayo?" palipat-lipat na itinuro ni Serene ang dalawang binata sa harapan niya.

"Yup! Hindi ko sinasabi sa iyo pero may dalawa akong pinsan na nag-aaral dito Si Snow yung isa tapos yung isa naman ay nagngangalang Ice." magiliw na sagot ni Hale.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon