Nalagyan ng palatandaan ni Blake ang ilang mga puno bilang gabay sa kanyang mga kasama kaya naman hindi nahirapan ang mga taga-Euphrates na magkita-kita sa napakalawak na gubat.
"That marking helps." humihingal na sambit ni Hiroto na mas naunang dumating sa tagpuan kesa kay Hale.
"Ang problema ay kung mapansin yun ng ibang paksyon." komento naman ni Hale.
"Hindi na iyon mapapansin ng mga Tigris at Pishon ngunit maaaring magtaka ang mga taga-Gihon." hinimas-himas ni Blake ang baba bago pumulot ng isang nabaling sanga tsaka umupo. Sumunod naman ang kanyang dalawang kasama niya habang pinagmamasdan ang mga pinagsusulat ni Blake sa lupa. Si Blake ay kilala sa pagiging henyo sa larong chess kaya naman umaasa ang kanyang mga kagrupo sa istratehiyang kanyang maiisip.
"Sigurado akong pipilitin ng mga taga-Tigris na bawasan ang mga manlalaro." panimula ni Blake na binilugan ang letrang 'T' na isinulat niya sa lupa. "Kung sa palakasan lang ng katawan ay mahihirapan tayong agawin ang kanilang mga badge o di kaya ay protektahan ang ating mga badge." tsaka niya dinuro-duro ang letrang 'T' na parang galit siya mismo sa letra.
"So you want us to avoid them? That's so gay!" nanlalakihan ang mga mata ni Hiroto samantalang matalim lang siyang tinitigan ni Blake.
"Kaya mo bang makipagsabayan sa kanila sa pisikal na aspeto?" seryosong tanong ni Blake at umiling naman si Hiroto. "Gaya nga ng sinabi ko, wala tayong ibubuga sa Tigris pagdating sa lakas ng katawan ngunit pagdating sa pagplaplano ay meron." sumunod namang binilugan ni Blake ang letrang 'E'.
"Anong plano mo?" singit ni Hale na tutok na tutok ang mga mata sa binilugang letra ni Blake.
"Ang magiging prayoridad natin ay hanapin ang prefect at agawin sa kanya ang pilak na mansanas." nagpagpag na ng kamay si Blake tsaka tumayo, sumunod naman ang dalawa niyang kasama.
"Pe-pero paano ang Pishon at Gihon? Kailangan pa rin natin silang isipin." pahabol na tanong ni Hale.
"Hait! I think we also need to plan against them." dagdag naman ni Hiroto.
"Sa tingin niyo ba ay threat sila sa atin?" napaisip naman ang dalawa tsaka halos sabay na umiling. "Exactly! Pagdating sa lakas ng katawan ay maari natin silang pantayan at sigurado akong walang maiisip na magandang ideya ang mga Pishon."
"Eh paano si Echo?" tanong ni Hale.
"Kung hindi lang siya henyo sa musika at may tinatagong galing sa pagplaplano ay malaking problema iyon." malungkot na pahayag ni Blake.
"Then what should we do?" nababahalang tanong ni Hiroto.
"Sa ngayon ay hindi tayo sigurado kung anong kayang gawin ng mga taga-Gihon kaya kailangan natin silang unahan sa prefect anuman ang mangyari." determinadong sagot ni Blake at napasang-ayon naman ang dalawa niyang kasama.
"Sigurado ka talaga na wala tayong problema sa mga Pishon?" paniniguro ni Hale.
"Sigurado ako baka ngayon nga ay naiinis na yung dalawa sa kanila sa hari ng banidoso na si Vane." nakangising sagot ni Blake.
*****
"Kainis!" sigaw ni Vane "Walang shower! Walang higaan! Walang salamin! Walang la-hat!" Bago pa man nagsimula ang paligsahan ay sangkaterba na ang pinaghihimutok ni Vane.
"At ang meron lang ako ay isang tambak ng lunchbox at meryenda!" dagdag pa nito na pinagdudukot ang mga sandwiches tsaka pinagtatapon ito kung saan-saan. Mabilis naman na pinupulot ito ni Bitz na sadyang masiba lang sa pagkain.
"Hindi ka ba titigil sa litanya mo?" nakataas ang kilay ni Regulus at halatadong asar na asar na kay Vane.
"May problema ka third rate feeling actor?" sarkastikong sagot ni Vane.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...