CHAPTER 41 - TOP EIGHT

21.6K 390 47
                                    

Sa mga pagtitig ng nanay ni Echo kay Serene ay napansin ng dalaga ang pagkakaroon ng pagtatalo sa isipan ng Ginang.

"I am here to-" itinikom ulit ni Mrs. Zanders ang kanyang nanginginig na bibig. Napatingin si Serene kay Amir at marahang ngumiti ito.

"Okay lang po na sabihin niyo ang gusto niyong sabihin sa akin." bahagyang nagliwanag ang mukha ni Mrs. Zanders. Natatarantang sinuklay niya ang bumagsak na buhok sa kanyang mukha. Ilang ulit siyang bumuntong hininga bago naisipang umupo at nagsimulang magsalita.

"It all started when Echo liked Antonette." natahimik na rin si Serene tsaka umupo sa tabi ng Ginang.

"She was gifted and a very good teacher that's why we hired her but things went out of hand."

"Nabalitaan ko nga pong ayaw niyo kay Antonette?" tanong ni Serene. Marahang tumango si Mrs. Zanders.

"For two reasons. Una dahil nawawalan ng konsentrasyon si Echo sa musika at pangalawa dahil sa katotohanang may minamahal na si Antonette ng panahong iyon. Ayaw kong makitang nasasaktan ang anak ko kaya naman bago pa man tuluyang mahulog ang loob ng anak ko ay tinanggal ko na si Antonette. Eksakto namang nagkasunod-sunod ang mga pangit na pangyayari." paglalahad ni Mrs. Zanders. Halatado mang may edad na ang nanay ni Echo ay bakas naman ang kagandahan ng Ginang. Ang mga mata niya ay katulad ng kay Echo na matalim kung makatitig ngunit may lihim na kaamuhan.

"Serene, may hindi alam si Echo kaya naman may hihilingin sa iyo ang Nanay niya." singit ni Amir.

"Ano po yun?" kinakabahan na tanong ni Serene.

"Hija, the reason why Antonette took her own life was because the one she loved left her. We never bullied or threatened her. I only told her that she should keep her distance from my son or else he'll end up hurting. Nakita iyon ni Echo noon kaya naman akala niya hinaharass namin noon si Antonette. He then blamed himself for her suicide." Pagtutuloy ni Mrs. Zanders.

Puno man ng katanungan si Serene ay pinili niyang manahimik. Hindi niya magawang tanungin o banggitin man lamang ang tungkol sa narinig na ang mga magulang ni Echo ang dahilan ng pagpapakamatay ni Antonette.

"Hija, Antonette had a huge debt. She gave everything to the man she loved pero iniwan nga siya nito kaya naman-" pinili ni Mrs. Zanders na huwag ipagpatuloy ang sasabihin dahil na rin sa naramdaman niyang hindi masyadong naniniwala si Serene. "Hija, I'll just be frank. I need your help to reconcile our son with us. Sana naman matulungan mo kami. We only want the best for him. I was actually happy when I heard he finally sent a video to Yiruma. That's all thanks to you."

Hinawakan ni Mrs. Zanders ang mga kamay ni Serene at nagmamakaawang tinitigan siya.

"Can you help us?" napakagat sa labi si Serene at masinsinang nakipagtinginan sa nanay ni Echo.

"Hindi ko po alam ang totoong nangyari pero gusto ko rin pong tulungan si Echo dahil kaibigan ko po siya."

"Thank you Hija." tsaka ngumiti si Mrs. Zanders. "Then I think I should invite you to our house someday. Is that possible Mr. Amir?"

"Well, hindi ko hawak ang schedule o activities ng prefect pero kung dadaan ito sa tamang proseso ay maaaring makabisita siya sa bahay ninyo pero I can assure you that it will take some time." imporma ni Amir.

"I can wait." ngumiti si Mrs. Zanders at yinakap si Serene. "Then I'll be looking forward for your help Miss Kreiss." tumayo na si Mrs. Zanders at naglakad palabas ng office.

"Serene, pasensya ka na kung nasasama ka pa sa maraming isyu pero parte rin ito ng pagiging prefect mo. Hindi ako sigurado kay Mrs. Zanders o sa anumang sinabi niya pero kung ang mga pangyayaring ito ang maglalapit sa iyo sa isang Gihon ay ikakatuwa ko ito. Siguro ay alam mo na ang napipintong mangyayari. You'll make harder decisions and this is just the beginning." malungkot na pangaral ni Amir.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon