Ibang iba ang house of Gihon dahil sa sobrang pagpapahalaga nila sa sining. Sa kanilang hallway ay naka-display ang mga natamo na parangal ng kanilang miyembro. May mga litrato din na nakasabit at mga paintings at artwork ng ilan.
"Paano ka pala pinayagan ng Gihon Master Ice na lumipat sa paksyon nila?" tanong ni Mona habang tulak tulak ni Ice ang apat na pinagdugtong dugtong niyang cart kung saan niya inilagay ang kanyang mga gamit. Panay ang tingin ng mga nakakasalubong nilang mga taga-Gihon dahil na rin sa maingay na tunog mula sa cart.
"Binayaran ko sila." tipid na sagot ni Ice. Bakas pa rin sa mukha ng binata ang pagkabagabag.
"Pero di ba kailangang artistic ka para -" ani ni Bridgitte.
"Siya siya siya. Nagpasa ako ng painting ko at namangha naman sila kaya heto ako ngayon. Isa ng Gihon." iritableng sagot ni Ice nang mapansin niya si Serene na panay lang ang tingin sa mga nakasabit sa dingding.
"Ui! Serene! Mahilig ka sa arts?" tanong ni Ice.
"Naalala ko lang yung pagpunta namin sa Paris. Para kasing museum na ang mansyon ng Gihon." sagot ni Serene.
"Serene!" malakas na bati ni Echo nang makita niya ang grupo nila Serene. Tumakbo palapit ang binata at nang mapansin si Ice ay isang matalim na titig ang ipinukol niya dito.
"Woah! Bro! Nakakamatay ang titig mo huh." komento ni Ice.
"Bakit nandito ang Euphrates na yan?" inis na tanong ni Echo. Hindi na si Serene ang sumagot dahil si Ice na ang mismong lumapit kay Echo.
"Correction bro. Gihon na ako ngayon." maangas na sagot ni Ice.
"Paano nangyari yun? Hindi basta basta tumatanggap ng miyembro ang Gihon at dahil nga doon ay kami ang may pinakamaliit na bilang." bakas ang pagtataka sa mukha ni Echo. Hindi na nila namalayan ang pagsulpot ni Amir, ang board member mula sa Gihon. Si Amir ay may lahing indiano at siya rin ang pinakabatang miyembro mula sa board.
"He passed the qualifications." singit ni Amir sabay tapik sa balikat ni Echo. "He is actually a genius when it comes to acrylic painting."
"Marunong kang mag painting?" gulat na tanong ni Serene kay Ice. Isang abot tengang ngiti ang sumilay sa mukha ni Ice.
"Syempre! Natuto rin akong magpainting para may maitinda." pagmamayabang niya.
"Ahhhh...kaya pala." patango tangong sang-ayon ni Bridgitte. "Utak anda pa rin."
"Welcome prefect! I guess hindi pa ako makakalapit ng tuluyan sa iyo although I heard from Thea na you got better." ngumiti si Amir ngunit hindi na niya sinubukang makipagkamayan kay Serene.
"Close po pala kayo ni Miss Thea."
"She's my fiance actually." pag-amin ni Amir. Nagsilakihan ang mga mata nila Serene.
"Oh my! Ang swerte ni Miss Thea!" tili ni Mona.
"Ang gwapo mo kaya Sir Amir. Hay naku may chance pa tayo Mona!" dagdag ni Bridgitte. Humalakhak ng bahagya si Amir.
Hindi na nahirapan si Serene na mapalagay ang loob kay Amir dahil sa gentle na karakter nito. Pansin din kung paano hindi naiilang ang mga taga Gihon kay Amir kaya napaisip si Serene na isang mabuting tao si Amir.
"You'll stay at our guest room Serene while Ice will stay at Echo's room for the mean time. Pasensya na at walang masyadong bakanteng kuwarto sa amin. Alam niyo namang pinakamaliit ang mansyon namin kumpara sa tatlong iba pa." paliwanag ni Amir.
"Doon na lang then ako sa kuwarto ni Serene." alok ni Ice. Madali namang nag-iba ang imahe ni Ice habang nagulat din ang iba.
"Anong sabi mo?" tinaasan ng boses ni Echo si Ice.
BINABASA MO ANG
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Teen FictionPumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang...