CHAPTER 52 - DANGER

14.5K 360 43
                                    

"We have an addition to our cast!" magiliw na anunsiyo ni Direk. Dali-daling pumasok naman ang nakangiting si Regulus sa kuwartong pinagpapahingahan ng lahat. Karamihan sa kanila ay nagkakape dahil sa maagang oras ng kanilang pagggising.

"Anong ginagawa ng laos na aktor na yan dito?" sarkastikong tanong ni Vane. Nanlilisik naman ang mga mata ni Regulus na napatingin kay Vane. Natawa pa nga si Vane nang makita niyang nagkuyom ng kamay si Regulus.

"He will be the lead actor. Tumawag sa akin si Edward so I said yes. Actually, nagkaproblema rin ako sa pagkuha kay Leaf Sykes bilang lead actor pero naisip ko rin na baka hindi rin siya makakatulong sa proyekto natin dahil sa scandal niya ngayon." pag-amin ni Direk.

"I can't still believe he would kiss a nobody." komento ni Crystal na may halong pandidiri.

"I would kiss that girl instead of you." sarkastikong bulong ni Yalec na napadaan sa likod ng inuupuan ni Crystal. May dala-dala siyang kape at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Vane. Sinadya pa ni Yalec na takpan si Vane nang sa gayon ay hindi makita ni Crystal si Vane.

Naiinis na napakagat ng labi si Crystal bago pagalit na napasipsip sa kape. Hindi na nga niya napansin na mainit pa pala ito kaya napaso siya. Mabilis na napatayo si Hale para kumuha ng malamig na tubig at linapitan naman ni Serene si Crystal para tanungin kung okay lang siya ngunit hindi siya sinagot ni Crystal.

"Cold water." alok ni Hale sabay bigay kay Crystal ang tubig.

"Thanks." sagot ni Crystal na hindi tumitingin sa kanilang dalawa.

"Okay ka na Crystal?" tanong naman ngayon ni Direk. Nakangiting tumango si Crystal habang pasikretong tinaasan ng kilay ni Yalec si Crystal.

"Witch." mahinang sambit ni Yalec na tinutukoy si Crystal. Nagkairapan pa silang dalawa bago kinuha ulit ni Direk ang atensyon nila para sabihing magsisimula na silang mag-taping pagkatapos ng sampung minuto.

"Serene, tayo ang magka-eksena mamaya." masayang linapitan ni Archer si Serene. Pasimpleng mas lumapit naman si Hale kay Serene ganun rin si Echo at Vane. Si Vane ay umarteng nagbabasa ng script ngunit nakatayo siya sa likod ni Serene. Si Echo ay abala sa pagtitimpla ng kape niya habang si Hale ay tahasang nakatayo sa tabi ni Serene.

"Bali pasimple kitang aakbayan dun sa eksena natin huh. Okay ka lang dun?" tanong ni Archer. Mabilis na lumingon si Vane, itinigil naman ni Echo ang pagtitimpla habang si Hale ay tumingin mismo sa mata ni Serene.

"Aakbayan ka niya?" tanong ni Hale kay Serene. Inosenteng tumango si Serene.

"Serene, ibalibag mo siya pag ganun." mungkahi ni Vane.

"Huh?"

"Di ba ganun ka naman sa amin dati?" pagpapa-alala ni Vane.

"Sanay na ako sa inyo eh." sagot ni Serene.

"Keep watch of his hands baka kung saan mapunta ang mga kamay niyan." pagpapa-alala naman ni Echo kay Serene.

"Oo nga baka bigla niyang hawakan yang dibdib mo!" malakas na dugtong ni Vane. Nanlaki ang mga mata ni Serene sa sinabi ni Vane.

"Ganun ba kababa ang tingin niyo sa akin?" reklamo ni Archer.

"Oo!" sabay-sabay na sagot ng tatlong binata.

"Magiging okay lang ako." pagpapakalma ni Serene sa tatlong binatang bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala at inggit.

Mabilis naman na hinatak ni Hale si Serene at inihiwalay siya sa kanilang lahat. Nang makahanap siya ng bakanteng kuwarto ay tsaka niya isinara ito.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Serene.

Ipinakita ni Hale ang kanyang palad.

"Kita mo ito?" tanong ni Hale. Tumango si Serene. "Tignan mo ito huh." tsaka inakbayan ni Hale si Serene.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon