Chapter Two- Her Boyfriend

87 3 1
                                    

Isang napakalakas na sampal ang natanggap ko mula kay Mommy.

"How could you become 2nd?!" sigaw ni Mommy.

Katabi ko si Nanay/Yaya since 3 years old, habang kaharap ko sina Mommy at Daddy. Nanay lang ang tawag ko kay Yaya kasi parang siya na ang nagtayong Nanay ko simula nung 3 palang ako at nasanay na rin si Nanay na tawagin akong Anak. Kasi simula nung 3 years old na ako, hindi na ginagawa ni Mommy at Daddy ang responsibilidad nila saakin.

"Answer me!" sigaw ni Mommy. Napapatingin na ang mga tao saamin. Lahat masaya dahil nakagraduate na ang mga anak nila pero saakin galit dahil pangalawa lang ako. Gaya nang priorities nila saakin, pangalawa lang ako dahil una ang trabaho.

"Sorry Mommy," bulong ko habang pinipigilan ang luha ko.

"Sorry?! Sorry?! Mabuti pa ang mga kapatid mo! Hindi naging 2nd! Shame on you!" Halos mamula na ng mukha ni Mommy sa galit.

"M-mommy...." pumatak na ang luha ko. Ang sakit. Tagos deretso sa puso ko. Hinde ko na kaya...

"Sana inuna ko nalang ang meeting kaysa sayo! You're not worth the time!"

Parang tumapak ako sa lupa ng impyerno.

Mommy? Paano niyo nasasabi saakin yun? Mas mahalaga pa pala ang meeting sa anak? Ganon na ba kabigat ang kasalanan ko para balusan niya ako ng mga sobrang masasakit na salita? Dahil lang na 2nd lang ako?

"Ma'am. Dapat po maging proud kayo sa anak niyo." biglang sabi ni Nanay.

Napatingin kami sakanya.

"Excuse me, Ana?!" itinaas ni Mommy ang kilay niya kay Nanay Ana. Ana Macasinang ang whole name ni Nanay.

This is not good. Nanay, you're doing the wrong thing, di niyo kilala si mommy.

Kinurot ko si Nanay sa likod. Tinignan niya ako in a way of i-know-what-im-doing-dear look. I tried to warn her but she didnt listen.

Ibubuka pa sana ni Nanay ang bunganga niya ng biglang may sinabi si Mommy na tagos din sa puso niya.

"You're Fired!"

"Mommy No!!" sigaw ko.

"Classy Yes!!" sigaw naman ni Mommy.

Tumingin ako kay Nanay habang umiiyak. Ngumiti lang siya na parang tanggap niya na.

"This is so unfair, Mommy..." bulong ko.

"Life is unfair Classy." galit na sabi ni Mommy.

"If..." I trail off.

"If?" itinaas nanaman ni Mommy ang isang kilay niya.

"I promise to be top 1 at the end of highschool just please don't fire my Mom..." humagulhol ako.

Natahimik siya at parang hindi nagets ang sinabi ko.

"Mom?" biglang nagkasalubong ang kilay niya.

Ipinulupot ko ang braso ko sa braso ni Nanay para maintindihan niya kung sino ang nimi-mean kong Mom.

Nakita ko sa mga mata ni Mommy na nasaktan siya.

"Okay then," sabi niya at deretsong lumayo saamin. Tinignan ako ni Daddy pero parang hangin lang na walang nakita.

"Iiwan muna kita sa kaibigan mo." hinalikan ako ni Nanay sa forehead

"Congratulations," Sabay lakad palayo saakin.

Lumakad lakad ako para hanapin ang apat kong kaibigan ng may nakita akong kumag. Lumapit agad ako sakanya kahit nakikitawa pa siya sa mga babaeng nagpapapicture sakanya at hinila siya sa lugar na walang tao. Tinulak ko siya sa pader  at nilagay ang dalawang kamay ko sa side ng mukha niya para wala siyang kawala.

"Hoy kumag ka! Bakit ka nandito?!" sigaw ko.

"Hindi naman ako umalis ah," nag-smirk siya. Ew. -______-

"Hindi ka dyan! Hindi nga kita nakikita!"

"Kapag di nakikita, ay nag-alis na? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga tayo pinapatagpo ng tadhana?"

"Ang korni mo!!" pinalo ko siya sa dibdib niya. Nawala ang ngiti niya at tinignan ako ng malalim.

Gulp.

And in one blink, nag change position na kami!! O_O how?

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pinilit kong tumakbo pero ang lapit niya at nakatrap ako sa mga dambuhala niyang braso.

"Umalis ka nga!" sinuntok suntok ko siya sa dibdib niya pero ang lakas niya!

"You're so rude," bulong niya.

"Ikaw tong rude! Tabi nga!"

"Kung ayaw ko?" naramdaman ko ang smirk niya.

"Edi gusto ko!"

"Maliit..." malumay na bulong niya.

"Anong maliit ka dyan! Tabi nga! Hindi ako maliit! Sadyang Kapre ka lang!!"

He step back and smirks.

"Ang cute ng endearment ko sayo pero ang akin, 'Kapre'?" tumawa siya ng mahina.

"Endearment mo mukha mo! Alis!" tinulak ko siya sa tabi para makadaan ako.

Tumakbo na ako palayo.

"MALIIT!"

Kyaaa!! Tumingin ako sa likod habang tumatakbo. Hinahabol ako nang Clifford na yun!!

Must.Run.Faster.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa lumiko ako ng biglang may sumapo sa ilong ko.

BOINK!

"Aray!!" sigaw ko habang hawak hawak ang ulo ko. Ang sakit!!

"Classy! Okay ka lang?!" tinulungan ako ni Clifford makatayo pero lumayo ako sakanya. Tinignan ko kung sino nakabangga saakin.

Si Hot Guy!! O\\\O

"I'm sorry..." worried na sabi niya. Ang hot ng boses! I stared at him.

"I'm f-fine." masayang sabi ko. Ngumiti ako sakanya ng biglang inabot niya ang kamay niya.

He want me to shake his freakin' hot hand?! Nanlaki ang mata ko na parang pinaprocess pa ito.

"I'm John Sy, and you're?"

"Classy Cansey."

Iaabot ko na sana ang kamay ko sa kamay niya ng biglang inuna ni Kapre ang kamay ko at nishake ang kamay ni John. The heck?! That was for mine!

"I'm Clifford Caster." inakbayan niya agad ako at tumingin saakin.

"...her boyfriend"

Asdfghjkl!.O________O

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon