Chapter Sixty One- Too Late

9 0 0
                                    

Clifford's POV>

1pm na. Nagsibabaan na kaming lahat para makapili ng club na gusto naming salian. Tradisyon na talaga to. Nauna na ako sa pagbaba at iniwan si Classy. Ang sakit sakit lang. Pero siguro mas mabuti na tong ganito, para makalimutan ko na siya lahit alam kong ang hirap.

Gustuhin ko mang piliin ang Basketball dahil favorite sport niya yun pero pangit naman kung di ko siya kasama. Ewan ko ba. Gusto kong lumayo sakanya pero di ako mapakali tuwing di ko siya nakikita.

Pumila ako sa artist na club kasi kilala ko yan si Classy. Hindi siya KJ. Pupunta siya sa club na di niya pa laging nasasalian. Im pretty sure dito siya pupunta.

Nakita ko siya papalapit dito, napangiti balang ako ng magisa knowing na magkakasama kami.

Nagregister na ako at nagabang na sa parking lot. Okay na tong ganito. Nakikita ko siya at binabantayan para safe siya pero di ko siya pinapansin. Okay na yung safe siya at the same time nakakamoveon na ako.

Nakita ko siyang pumasok sa kotse niyang tucson. Sinundan ko ito pero medyo sa likod talaga ako para di ako mahalata at makita.

Bumaba siya sa isang bahay. Bahay nila Camille, ata. Nagdingdong siya at pumasok. Naghintay lang ako sakanya. Pero wala pa nag30 minutes, nagmamadali siyang pumasok sa kotse niyabat umandar naman ito ng mabilis. Anong nangyari? Alisto naman akong sumunod sa likod ng kotse.

Tumigil sila sa mall. Hindi ko na siya sinundan sa loob at hinintay nalang siya sa parking lot.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang napakalaking sunog sa loob! Napakalaking usok na ang nagaganap. Bumaba ako sa motor at nilapitan muna ang kotse niya. Kumatok katok ako sa glass ng kotse at tinuro sa driver ang napakalaking sunog.

Hindi ko na siya hinintay at kumaripas na ako ng takbo sa loob ng mall. Nagsisitakbuan na ang mga tao palabas, ni hindi man lang ako makasuksok sa dami nila na tumatakbo palabas habang ako pumapasok paloob.

Hinintay ko nalang na makaalis na ang lahat at nilibot at hinanap si Classy pero wala talaga. Dumating na ang bumbero.

Pumasok ako sa loob pero pinigilan ako ng mga bumbero.

"BITAWAN MO AKO!"

"Sir! Di pwede! Masyadong malakas ang sunog!" sagot niya.

"WALA AKONG PAKEALAM! NASA LOOB ANG GIRLFRIEND KO TAPOS DI MO AKO IPAPAPASOK?!" medyo paos na ako pati nagsimula ng dumaloy ang mga iyak ko sa mata.

"Di ta aga pwede, sir" halos tatlo silang pumipigil saakin pero tinutulak ko parin sila.

"SABING BITAW!"

"Sir, may pumasok na bumbero, sila na magliligtas sa girlfriend niyo, sir"

"AYOKO! GUSTO KO AKO ANG LILIGTAS HINDI ANG IBANG TARANTADONG BUMBERO! BITAW!!!"

Pero kahit anong sigaw ko, di parin nila ako pinapapasok.

"ANO BA! BITAW, SABI! CLASSY! PAPARATING NA AKO! MALIIT! BITAW SABI!!!"

Di sila nakikinig saakin... tangina niyo!!!

Pumapapiglas lang ako lagi at umiiyak.

Nang biglang nahigop ng mga mata ko ang isang bumbero na may kargang babaeng maliit na naka p.e katulad ko. Napakalma ako at nagulat. Napangiwi ako at nanghina.

Inilapag ng bumbero ang babaeng maliit sa isang kamang panghospital at tinakpan ang buong katawan.

Lumapit ako dito habang malumay na lumalakad. Di pwede to. Hindi to siya. Oo, tama! Hahaha! Hindi to si Classy... buhay siya! Buhay! Hindi to siya! Fvck talaga... fvck...

Dahan dahan kong tinanggal ang kumot sa mukha niya.

Tinakpan ko ito agad dahil di ko kayang makita ang taong mahal ko na sunog na ang mukha. Pumatong ako sa katawan niya at umiyak ng umiyak.

Di pwede to... di pwedeng wala na siya...

"DAMMIT--!" sigaw ko. Napaos na ako pero humihikbi lang ako.

"Iho," hinaplos ng driver ni Classy ang braso ko habang pinapahid din ang luha niya. Konti lang ang nakapaligid na tao saamin dahil marami pang iba ang nasunog din na katawan.

"Iho, tara na"

"Hinde!" sigaw ko sakanya habang umiiling. May dumating na mga nurse at ibinuhat siya paloob ng ambulance.

Sumabay ako at hinawakan ang sunog niyang kamay.

"Di naman totoo ito diba?" bulong ko sakanya kahit may kumot na nakatakpan sakanya. Ngumingiti pa ako.

GAG0 KA CLIFFORD! ANG TANGA MO! BAKIT MO PA KASI SIYA INIIWASAN?! KASALANAN MO TO! GAG0 KA... GAG0...

"Sinundan kita para ligtas ka...pero wala eh" nagpatuloy lang ako sa pagiyak. Humihikbi lang ako kahit nandyan ang mga nurse.

"...nabigo ako" yumuko ako. Mas lumakas ang hikbi ko.

"Wag mo namang gawin to Classy..."

"Panaginip lang naman ito, diba? Diba? Sumagot ka naman... maliit! Uy, hahaha... walang biruan..." patuloy kong hinahaplos ang sunog niyang kamay at pabalik balik itong hinahalikan.

Nagugulat ang mga nurse pero wala akong pakealam kung mandiri sila...

Hinalikan ko ng matagal ang kamay niya "Mahal na mahal kita,"

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon