Chapter Seventy Four- MagAma

11 0 0
                                    

Namutla siya sa tinanong ko at tumawa ng pilit. Kinuha niya ang chair sa likuran niya at umupo dito at humarap saakin.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Oo o hinde" wika ko habang titig na titig sakanyang mata.

"Hinde. Ano ka ba naman? At isa pa, eight ako nun nung namatay sila."

"Car accident?"

Kumunot noo niya,"yeah...paano mo nalaman?"

Ninguso ko si John sa harapan. Tumango nalang siya at tinitigan ulit ako.

"Sino nagsabi sayo nun?"

Ngumuso ulit ako kay John sa harapan gaya ng ginawa ko bago bago lang.

"Langya to" tumayo siya para sugurin si John pero hinawakan ko ang balloon niyang braso sa dami ng muscle. Waa!!!

"Wag kang sumugod sugod nalang. Ikwento ko mamaya lahat lahat, akala ko lang alam mo na dahil tatay mo yun"

Tumingin siya saakin. Tumawa bigla siya, napabitaw ako sa pagkakahawak sakanya.

"May nakakatuwa ba?" -___-?

"You" ngumuso pa siya gaya ng ginawa ko kanina. Sinapak ko siya. "Tantanan mo ako ha! Bumalik ka na sa upuan mo!" sinabunutan ko siya ng saglit sabay tulak.

"Ganyan ka pala sa taong mahal mo? Tinutulak mo palayo?" nasa likod ako niya habang tinutulak ang buong katawan niya pabalik sa upuan niya pero mas lalo siyang nagpapabigat at parang sumasandig na saakin! Waaaaaaa! Di ko to kaya tong Kapreng to, ambigat!!!

Hanggang sa di ko nakaya at nahulog na ako sa sobrang bigat, nasama siya sa pagbagsak ko. Napatingin saamin lahat. Umikot si Clifford para magkaharap kami habang nakahiga sa floor! Gosh! Namula ako habang ngumingisi lang tong mokong na to.

"What the! Classroom to, hindi motel!"

Bigla akong napatayo habang tinutulungan ako ni Clifford. Pinalo ko ang nakalahad na palad niya.

"Sorry, sir" sabi ko kay Sir Umaling ng nakita kaming ganun ang posisyon.

Ano ba yan! Iba ang iniisip ni Sir. Di ko naman kayang gawin yun lalo na kung hindi sa private. Fuuu...

"Okay. Settle down. Magsta-start na akong magdiscuss" he said while reading his book.

Nagdiscuss na si Sir. BLA BLA BLA BLA BLA BLA. Fastforward~ SHINGSHINGSHING!

Sabay na kaming lumalakad ni Clifford papunta sa tambayan niya doon sa likod ng building, sa may bandang puno. Umupo kami doon.

"So...anong impormasyon mo?" tanong niya habang nagbubunot ng damo sa gilid niya.

"Ikaw pala ang dahilan bakit bugbog sarado yung John nung nagconfess ako. Kaya pala tumatawa ka sa ginawa niyang dahilan na binugbog niya sarili niya, nagsinungaling pa..." napatawa ako pero tinignan niya lang ako ng seryoso. Napatigil ako at umiwas ng tingin. Umubo ako ng ilang beses.

"Yun na nga eh...ginawa niya yun para daw makipaghiganti sayo, at ginamit niya ako para masaktan ka dahil nga ang tatay mo ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang nanay niya"

"Aber, ako ba ang tatay ko? Tatay ko ang parusahan niya"

"Sama mo!" sabay hampas sa balikat niya. Nagpeace sign siya sa langit,"Peace, pa"

"Bakla ang daddy mo at daddy ni John kaya nalaman ng nanay ni John at yun...nagpakamatay"

"Di naman binanggit saakin ni Lola yan" bulong niya.

"Tanungin mo kaya," utos ko.

"Paano kung--"

"Walang mangyayari kung di susubukan~" kanta ko. Napatitig siya saakin at napatingin sa mga labi ko. Tinakpan ko ito ng malagkit ang tingin niya.

"Kumanta ka pa" utos niya.

"Oo nga nu, di pa kita naririnig kumanta"

Namutla siya at umiwas ng tingin. Niyugyog ko ang braso niya pero di siya tumitingin saakin. Masyadong anob. May nasabi ba ako?

"Kantahan mo ako" ngumisi ako. Napatingin siya saakin. "Uhh, Common Denominator! Bilis! Favorite ko yun!" tumili ako.

"Di ako marunong" tinakpan niya ang mukha niya gamit ang palad niya.

"Sigina, mahal mo man ako" nagbig smile ako.

"Wag kang magpacute saakin" >\\\<

"Please? Kahit ano nalang" sabi ko. Umayos siya ng upo at nalaglag ang panga ko ng kumanta siya. Hindi dahil sa yabag siya, ay dahil sa kantang kinakanta niya -_____-

"ABCDEFG, HIJKLMNOP, QRSTUV, WXYZ--"

"Stop it!" padabog na sigaw ko ng biglang nagcall si Enzo. Napatingin saakin si Clifford at tinignan sino. Tumango siya.

"Hello"

"Papunta ka na ba?" Halatang excited na excited siya. Napangiti ako.

"Ahh ee, oo" pagsisinungaling ko. Tinitigan lang ako ni Clifford.

"Okay see you"

Ako na ang nagpatay ng phone at tumayo. "Tara na," sabi ko sa lalaking kanina pa ako tinitignan.

"Okay" sagot niya. Habang naglalakad kami, nafeel ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Napangiti at napatili ako sa lambot ng mga kamay niya. Para kaming magama, sa sobramg liit kong nito at sa sobrang tangkad niya.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon