Chapter Seventy One- Teaching Me

6 0 0
                                    

"Saan punta mo?" tanong ni Clifford habang naglalakad kami pauwi. Natapos na ang fieldtrip eh.

"Nagtext si Enzo, pupunta daw ako sa felina street" sabi ko habang nagbabasa ng text niya.

"Ah, doon din punta ko"

"Mmm. Talaga?" di ko parin tinatanggal ang tingin ko sa phone ko.

"Oo. Doon kami magskateboard" ngumisi siya.

"Ah" sagot ko.

Nakarating na kami sa felina street at nandun halos lahat ng street boys. Ang dami nila, more than ten. Tumingin sila saamin at lumapit. Tinapik tapik nila ang isat isa.

"Hey, babe" bati nilang lahat. Ngumiti ako. May biglang pumipilit na sumuksok sa crowd at nasa harap ko na agad si Enzo na pawis na pawis. Hinawakan niya kamay ko at hinila paalis ng crowd.

"Dito ka muna umupo" pinaupo niya ako sa isang chair. Inabot niya ang coke at ininom ko naman to.

Nagsimula na silang magskateboard. Ano ano nalang ang ginagawa nila.

Naagaw ng atensyon ko si Clifford. Nagfi-flip siya.

Enzo's POV

Sinubukan kong iflip ang skateboard ko at mabuti nalang, successful. Proud akong tumingin kay Classy para ipakita ang nagawa kong stands. Pero...wala eh.

Kay Ford siya nakatingin.

Classy's POV

Ang galing pala ni Kapre. Flip siya ng flip habang patuloy na nagpapatakbo ng skateboard.

Ah! Si Enzo!

Nakalimutan ko siya, tinignan ko siya agad. Mabuti nalang nakatingin siya sa ibang direksyon. Kung nakita niya akong nakatingin kay Clifford, lagot ako >____<

Bigla siyang lumapit saakin at hinawakan ang kamay ko. Napatayo ako.

"S-saan mo ako dadalhin?" gulat na tanong ko.

"Tuturuan kita" ngumiti siya. Kumikinang ang blue braces niya. Naka long sleeves gray siya na vneck, dark gray na to dahil sa dami ng sweat niya. Ang kanan niyang kamay ay hawak hawak ang kamay ko habang ang kaliwa niyang kamay ay karga karga ang skateboard niya.

Lumayo kami ng konti sa grupo.

"Sumakay ka" hinawakan niya ang dalawang kamay ko para alalayan. Dahan dahan akong pumatong sa skateboard.

"Uhh, pwede magback-out?" >0<

"Babe, i dont think so" he chuckle.

Gulp! Waaaaaaa! Nakakatakot pala ang ginagawa nila.

Dahan dahan niya akong hinila. Nasa harap ko siya, hinihila ako habang nakasakay sa skateboard. Siguro kung bibitawan ko kamay niya, madederetso ako at matutumba TT__TT waaaaa! Ayoko nang mahospital ulit!!!

"Good, babe" komento niya. Pabilis siya ng pabilis pero hindi ko binibitawan ang kamay niya, mas hinihigpitan ko ito.

"Yey! Okay na! Pwede bang stop na?" nginig na pakiusap ko habang tumatawa lang siya.

"Ganito nalang, babe" tumigil siya at inalalayan akong bumaba ng skateboard. Ano trip niya?

"Upo ka" umupo ako sa skateboard. Whooopooo~ mas okay to ah!

Pumunta siya sa likod at tinulak ako ng dahan dahan.

"HAHAHAHA! ANG GANDAAA!" Masayang sigaw ko.

Sa sobrang lakas ata ng saya ng pagkatawa ko, napatingin silang lahat saakin. Tumawa sila.

"Nice one, Enzo!" Pagboboto ng mga barkada niya. Narinig kong tumawa si Enzo at mas binilisan ang pagtulak saakin.

"Whoooohoooooo~" sigaw ko. Tumigil siya sa pagtutulak.

"Bakit huy? Bakit ka tumigil?" tanong ko. Walang sumagot kaya tinignan ko sa likod. Wala pala siya >___< pero agad ko rin siyang nakita na tumatakbo pabalik saakin habang may dalang monopad.

Okay i admit. Ang hot niya. Fluffy masyado ang buhok niya, parang nagslow motion habang tumatakbo siya saakin na nakangiti. Ang tangkad tangkad niya rin.

"Ano yan?" turo ko sa dala niya. Isinuot niya ang helmet saakin. Nagulat ako. Ano to?

Sumakay siya sa skateboard at tinignan ako.

"Sumakay ka sa likod, babe" ngumiti siya. Napangiti ako at excited na sumakay sa likod niya. Yumakap ako ng mahigpit.

Nakadikit ang pisngi ko sa likod niya na basang basa ang shirt, pero kahit basa ito ng pawis, ang tapang ng perfume niya, nakakaadik na parang ang sarap gawing pambango ang pawis niya.

"Hold on tight, babe"

Mas niyakap ko siya.

"Here we go, babe"

Babe ng babe -_______- habang ako, Enzo ng Enzo.

Nagsimula na siyang magskate pababa! Waaaaaaa! Bakit kami nagskate sa pababa na road? Dapat sa patag lang! Omy!

"BABE! SAY HI!" sabi niya. Anong i-hi ko?
Sumilip ako sa harap, nakahawak siya ng monopad habang nagvi-video. Kumaway ako rito "HI!" Sigaw ko pero di parin tinatanggal ang pagkakayakap sakanya habang pabilis na ng pabilis ang speed namin.

"I LOVE YOU CLASSY ALLISON CANSEY!" masayang sigaw niya habang nagvi-video.

Napatahimik ako at napangiti nalang.

"Thankyou..." bulong ko sakanya at idinikit ulit ang pisngi sa basa niyang shirt.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon