Chapter Eighteen- 2nd Best

19 0 0
                                    

"Ang hirap naman ng pinapagawa mo, anak"

Nasa kama kami ni Nanay sa kwarto ko. Sinusuklayan ang buhok ko.

"Simple lang naman yun Nay, wag mo lang sabihin"

"Dapat malaman ng parents mo,"

"No!" hinarap ko si Nanay. "No..." I shake my head.

Bumuntong hininga siya at tumango nalang. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you..." Hindi ko na napansin na tumutulo na pala mga luha ko. Pinigilan ko pero patuloy parin ang pagtulo nito.

"Ssshh" hinaplos haplos ni Nay ang likod ko at ewan ko na, parang river na ang luha ko.

Isa sa mga masasakit na mangyari sa mga babae, ay ang nangyari saakin.

"Gising na," naramdaman kong ginalaw ako ni Nanay sa braso. Sumilip ako.

"Klase na" sabay ngiti. Umalis na siya sa kwarto. Naghintay muna ako ng 5 minutes bago bumangon.

Mabilis akong naligo at gumamit ng p.e namin. Friday ngayon eh. Monday to thursday ang uniform, Friday lang ang p.e

T-shirt white na may seal sa left side. Blue jogging pants, sa right side ng jogging pants, may nakasulat ng name ng school namin vertically.

"Kumain ka, anak" tawag saakin ni Nay. Lumapit ako at umupo sa barstool katabi si kuya.

"Na-rape ka ba?" biglang tanong ni kuya.

"Huh?! H-hinde ah!" tanggi ko.

Oh my. Paano niya nalaman?! O__o

"Chill. Just asking. Lagi kang tulala" inis na sabi niya.

Nakahinga ako ng malalim. Phew -__- tinignan ako ni Nanay at umiwas din agad.

Nakarating na kami ni kuya sa school. For the first time! Hindi ako late! Umupo na agad ako sa chair ko ng maramdaman kong tumabi saakin si John. Napangiti ako.

"Musta?" tanong niya. "Okay lang"  masayang sagot ko ng biglang may umepal -_______________-""

"Excuse me" pagsasabat ni Kapre. Umalis sa upuan si John. Katabi lang kasi kami ni Kapre kaya dyan nakikiupo si John kung wala pa si Clifford.

"Mamaya nalang" bigla siyang nag-pout habang papunta sa lugar niya sa harapan. Masama kong tinignan si Clifford.

"Hoy! Kasalanan mo kung bakit umalis si John!"

Tumawa siya. "May nakakatawa ba?"

"Wala. Bilib lang ako sayo." ipinatong niya ang siko niya sa desk niya at ipinatong ang jaw niya sa kamay niya  sabay titig saakin. With smiling effects pa siya -_-

"Anong nakakabilib saakin?"

"Sa lahat ng nangyari sayo, mas pinili mo pang kalimutan yun"

Nawala ang pagkunot ng noo ko. Naalala ko ang nangyari kahapon...

"Sorry," he mutters. I just gave him a fake smile.

Dahil sa nasabi niya, nawala ang mood ko.

"Hi class" biglang pumasok ang next subject teacher.

"Okay I will read the scores from highest to lowest"

Yes! Yung quiz nung Wednesday sa English! Mas mataas ako kay Clifford! Bwahahahahhahah! Biglang bumalik mood ko.

Halos di na ako mapakali sa upuan ko. Nakakatuwa namang isipin na nag study siya sa math kahit na English pala Hahaha!!!

"The highest is no other than...."

Me! Me! Please me! Classy Cansey!

"Clifford Caster"

O_____________________________________O

-_______________________________________-

Nagsipalakpakan ang lahat.

Siya?! Bakit? Diba sabi ko math ang i-study niya?! Bakit?!

Nang bumalik na siya sa upuan niya, tinignan ko siya ng pangdemonyo pero kininditan niya ako ng malaanghel.

"Next is...Classy Cansey!" bored akong tumayo at kinuha ang papel at bumalik sa upuan ko.

Lagi nalang ba akong 2nd Best?

"Ano score mo?" pa-cute na tanong niya.

"Pake mo?!" galit na sigaw ko. Kinuha ko ang papel niya, ine-expect ko na pigilan niya ako pero hinayaan niya lang na kunin ko ang paper niya.

Ang score niya...

Perfect! @___@

Ako? One mistake! Aaaaaaaaaarg! Nakakainis!

Padabog kong binalik sakanya. "Ay? Galit?" tanong niya. "CHE!" sigaw ko.

Recess na. Tumayo na ako para puntahan ang apat ng humarang si Clifford.

"May quiz mamaya diba?"

"Oo! Tabi nga!" tinulak ko siya sa dibdib niya. "Anong subject?"

"Ano ba! Alam ko namang alam mo ano eh! Umaarte ka lang na di mo alam!" sigaw ko. Nakatingala ako sakanya.

"No, I don't know. Promise. What subject?" paguulit niya.

"Filipino!" Sabay tulak ulit.

Actually, Social Studies talaga ang quiz. A very short quiz. Ayaw ko parin sabihin sakanya, bahala.

"Alam mo, hindi ko na talaga alam kung maniniwala ba ako sayo. Ewan ko kung totoo ang sinasabi mo, dahil iba ang nararamdaman ko" ngumiti siya at umalis na.

Medyo napatameme ako at parang naawa at the same time.

Awa?! No,Classy! Wag na wag kang maaawa sa lalakeng pwedeng makasisira ng mga pangarap mong maging 1st!

Bahala siya. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas at hinintay ang apat. Kumaway sila saakin at nagmadaling lumapit.

"LOOK OUT!" Natatarantang sigaw ni Madi.

Pagkalingon ko, may bumangga saakin na mga bata at ayun! Natumba ako at nabagsak ang pwet ko sa floor. Ang sakiit!! Waaaaaaaaaaa!!!

"Oh my Classy!" tinulungan nila akong apat na tumayo.

Grabe na to ah! Ewan lang. May weird akong nararamdaman. Basta parang basta? Ano ba kasi to? Napansin ko lang...lagi akong nadidiskrasya na parang sinasadya? Kung may galit saakin at binubully ako in a secret way...

edi sino?

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon