Chapter Twenty- Yes? or No?

31 1 0
                                    

"Yes!" -Madi

"Of course" -Tarra

"Most definitely" -Aya

"No"-Camille

"No?!" gulat na tanong naming apat.

"Yes" sarcastic na sagot niya habang nagta-tap sa phone niya.

"Bakit no?" naguguluhan na sabi ko.

"Ayoko siya, iba ang para sayo" itinaas niya ang kilay niya at tinignan ako ng deretso. "Bakit ka nakatitig?" tanong ko.

"Wala lang" binalik niya ang atensyon niya sa phone niya at nagtap ulit. Tssssk! Ano ba talaga? "Yes? or no?" inis na tanong ko sa sarili ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Hay ewan ko sayo! Kung mahal mo ang isang tao, hindi na iniisip kung Oo or hinde. Dahil hindi mo nalang malalaman na nandyan ka na pala sa kalagayan mo ngayon. Magugulat ka nalang, uy! Kami na. Uy! Fiancee ko na siya. Uy! Kasal na namin! Uy! Magha-honeymoon na kami! Uy! May sampu na kaming anak at uy...." napahinto si Tarra.

"Ano ang huling uy?" Desperadong tanong ni Aya.

"...magugulat ka nalang, kabit ka na lang pala," pagtatapos ni Tarra.

"HUGOOOOT!" sigaw naming lahat sakanya sabay tawa.

"Galing oh! Based on experience kasiiii" -Madi

"Exactly! Except dun sa uy moment, look," tinignan ako ni Tarra, "tignan mo kami? Di ko na napansin na 3 years na pala kami, ganyan din ako dati sakanya, naguguluhan, pero hindi naman crime ang subukan diba?"

"And also, kung masasaktan ka man sakanya, nandito kami para damayan ka and its part of love ang masaktan. Hindi mo usually matatawag na Love kung di ka masasaktan," -Camille

"Kung sakali sinaktan ka, kami una mong lapitan ha?" Sabay kindat saakin ni Madi habang nagli-lipglos.

Ngumiti ako "Ang swerte ko naman sainyo" komento ko. Nagtawanan sila at di ko nakita na nasubuan pala ako ni Tarra ng macaroons sa bunganga. Tumawa kaming lahat.

Hindi naman kailangan ang mga magagarang bagay para sumaya, ang kailangan mo lang ay ang tunay na kaibigan katulad ng meron ako.

Bumalik na ako sa room ng mabangga ko si John.

"Hi" inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa upuan ko.

"Balik na ako ha?" bumalik na siya sa upuan niya. Ang sweet talaga ohh! Nanghatid pa. >\\\\<

"Hoy Kapre, anong nangyari sayo kahapon? Ang taas ng lagnat mo!"

"Skatebo------ard" napayawn siya at parang gusto niyang matulog. Antok na antok talaga siya. Nilagay ko ang palad ko sa noo niya na ikinagulat niya.

"Gabi gabi ka ba talaga nagske-skateboard?"

"Oo"

"Pffft, uhh...saan na yung dalawang *cough.cough* lalake na gu--*cough* malaw saakin?"

Tinigan niya ako ng deretso.

"They're out of the group"

"Bakit?!" gulat na tanong ko

"Can't you see what they have done to you?"biglang kumunot ang noo niya at parang kumukulo dugo niya.

"Ow" kinagat ko labi ko. Tama siya.

"Class, I have an announcement to make" nagsiupuan kaming lahat at nakinig kay ma'am.

"There will be an meeting this afternoon so there will be no class"

"YEHEEEEEEEY!! LAAG TIME!!" sigaw nilang lahat. TSS. Hindi ko makikita si John. Napayawn ako.

Nagsialisan na kaming lahat. Inaayos ko pa mga gamit ko ng may tumawag saakin.

"CLASSY!" Kumaway kaway silang apat  saakin. Nagmamadali akong lumapit sakanila.

"Tara, mall tayo?" pagaaya ni Camille.

"Maraming cute guys doon" -Madi

"Okay" ngumiti ako sakanila at lumabas na kami sa school. Sumakay kami sa kotse ni Tarra at dumeretso na sa mall.

"Let's go?" biglang tumakbo si Madi palayo saamin kaya tumakbo rin kami paloob sa mall.

"Doon tayo!" hinila ko sila papunta sa national book store. Tumigil sila sa tapat ng store at nagtinginan.

"Seriously? Books?" sarcastic na react ni Tarra.

"Mmm. Ang ganda kaya ng mga science inventors"

-___________- yan ang expression nila.

"Halika nga," hinila nila ako palayo sa store. "Saan niyo ako dadalhin?!" pilit kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nila hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang dress store.

"Seriously? Dresses?" this time, ako na ang nagtanong in a sarcastic way.

"Kaming bahala sayo. Don't you trust us?!" hinila nila ako sa loob at kung ano ano nalang ang pinagkukuha nilang mga damit. Hinila nila ako sa loob ng fitting room, curtain lang ang tumatakpan hindi door.

"Sukatin mo to" sabay abot saakin ng damit. Sinuot ko na ito habang sila nasa labas naghihintay.

Tinignan ko itsura ko sa salamin na nakadikit sa buong paligid ng fitting room.

Isang long sleeves na puno ng glitters na kumikinang at parang makapal na palda na hanggang ankle ko. Meron ding nakapalipot na malaking scarf sa leeg ko na ginagamit tuwing malamig lalo na sa south korea na may dark yellow na may bubbles na design. Nakarubber shoes din ako.

Teka. Para na akong Lola? Manang naman itsura ko eh.

Lumabas na ako ng fitting room at biglang lumaki at nagulat sila sa itsura ko.

"Ang...."

Pangit. I know -3-

"...ganda!" *___*

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon