Chapter Sixty Seven- I Need You

12 0 0
                                    

"Bakit sa park tayo naglalakad?" tanong ko sakanya habang iniinom ang coke.

Nakapolo white siya na 3/4 at black jeans at black vans. Simple yet arrogant.

Habang ako naman nakamini shorts at fit blue shirt. Nakaflats lang ako at nakalugay lang buhok ko. Medyo di na ako nahihiya magsuot ng mga girly dahil doon sa paris, walang pakealam.

"Ayaw mo?" ngumisi siya. Napangisi din ako sa di ko alam na dahilan.

"Okay lang, upo tayo" umupo na agad ako sa bench. Sumunod siya pero malayo ang space sa gitna namin.

"Hi kuyaa!" napatingin ako sa cute na bata na nasa harapan ni Clifford. Kinuha ni Clifford ang bata at isinabak sa lap niya. Kinuha ng bata ang coke niya.

"Kaano ano mo siya?" tanong ko pero ang tingin ko nasa bata lang. Nakyukyutan sa chubby cheeks niya.

"Friend? I think?" ngumiti siya. Kinurot kurot ko ang chubby cheeks niya. Napatingin siya saakin at ngumiti.

"Woooow! Kuya, si ate Maliit? girlfriend mo na?"

Binatukan ko si Clifford, "Anong maliit na sinasabi mo sakanya ah?" -____-

"Hinde, Hannah. Kaibigan ko lang"

"Bakit? Dapat kayo!" nagpout siya at kinuha ang kamay ko at pinatong kay Clifford.

Tinanggal ko to. "Hehe. May boyfriend na kasi ako, Hannah" sabi ko.

Kumunot noo niya. "I HATE YOU! DAPAT KAYO LANG NI KUYA!" iyak na sabi niya.

Teka! Anong nangyari? Anong ginawa ko? Bakit siya umiyak? >0<

"Hannah, dont shout at her" calm na warning ni Clifford kay Hannah na kaharap na namin, bumaba na kasi siya sa lap ni Clifford.

"Kuya di pwede! All your life, hinintay niyo siya! Sabi niyo mahal niyo siya! Tapos ngayong nandito na siya, may iba na pala siya! Pinaasa ka niya, kuya!"

Napayuko ako. Si Clifford... nasabihan pala si Hannah about saakin. Nanikip ang dibdib ko sa sakit at lungkot.

"Enough!" sigaw ni Clifford. Umiyak si Hannah. "K-kuya sorry..." pinahid niya luha niya.

"Ah," niyakap niya si Hannah at pinahid ang luha sabay kiss sa pisngi. "okay lang. Wag mo na yun uulitin..." nipat niya si Hannah. Kiniss niya ulit sa cheek at ngumiti na si Hannah at bumalik na sa paglalaro.

"Uhh..." pagsisimula ko.

"Hi kuya!" sa bawat tingin kay Clifford ng mga bata ay kumakaway.

"Sikat ka na ah, akala ko ba ayaw mo sa mga bata?" natatawang sabi ko.

"Dati yun, nagbabago na ngayon" ngumiti siya at tinignan ako. Di ko siya tinignan at nakatingin parin sa mga bata sa harapan, medyo na iilang na ako. Ikaw ba naman may tumitingin sayo? >3<

Tinignan ko na siya. "Anong tingin yan?" sungit na sabi ko.

"Seryoso ka na kay Enzo?"

Kumunot noo ko "O-oo. Di ako nagpaplastikan sa mga relasyon..."

"Pero nagpaplastikan ka sa feelings mo sakanya."

"Ano ibig mong sabihin?" nagkasalubong ang kilay ko.

"Mahirap magpanggap na mahal mo ang isang tao."

"Uh?" -____-+

"Di mo siya mahal" deretsong sabi niya.

"Sino ka ba, ha? Sino ka ba para pagsabihan ako kung mahal ko siya o hinde?"

"Ako lang naman ang lalakeng nagmumukhang tanga na umaasa parin hanggang ngayon sa babaeng katabi ko ngayon..." tinitigan niya ako sa deretsong mata ko.

Parang tumahimik ang buong paligid, nawala ang mga tawanan ng mga bata at tanging hininga ko lang at ang bilis ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"I-i have to go," tumayo ako pero hinawakan niya kamay ko.

"Stay...Please..." nakayukong pakiusap niya.

"A-ano?" kinakabahan kong tanong.

"I need you..." sabay patak ng luha niya.

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon