Chapter Twenty One- Lazy Suit

27 1 0
                                    

"Ang....ganda" *___*

"Seryoso? Para naman akong manang eh. Ang kapal ng palda, nakajacket, may scarf sa leeg, pupunta ba ako ng south Korea?"

"Ano ka ba! Yan ang uso ngayon, trust me" -Tarra

"T-talaga? Sure?" naiilang na tanong ko.

"Yeah and diba? gusto mong mapansin ka ng lahat? Well, youre now attractive" sabay ayos ng scarf ko sa leeg.

Seryoso ba to sila? Well oo naman. Gusto ko ring mapansin kahit papaano. Siguro magtiwala nalang talaga ako sakanila.

"Okay. Bibilhin ko na," sabi ko. Papasok na sana ako sa fitting room para magpalit ng hinawakan ni Camille ang kamay ko.

"What?" I asked. "Don't bother changing. You'll use that now" masayang pahayag niya.

"Ano?! Dito sa mall?!" O___O

"Oo naman! You look gorgeous!" hinarap ako ni Madi sa salamin.

Uhh...seriously? I'm actually wearing an lazy suit.

"Uso ba talaga to?" paguulit ko.

"Oo naman! Let's go? Were sure you'll be the center of attention" -Camille

"I don't like to be the center of attention" -____-

"Just this day? C'mon" hinila na ako ni Madi sa counter. Nilabas ko na ang wallet ko para bayaran ang Lazy Suit na suot ko.

"Hep--Hep!" inunahan ako ni Madi na bayaran ang damit "My pleasure" dugtong niya.

Lumapit na saamin si Cammile,Aya at Tarra at inabot saakin ang bag ko. "Andyan na damit mo" -Tarra

Lumabas na kami ng store at Oo, nakuha ko lahat ng attensyon nila pero sa masamang paraan. Nagtatawanan sila at nagbubulungan.

May mali na sa suot ko? Sabi nila, uso to pero ako lang gumagamit. Kasi naman eh! Di ako updated sa mga fashion fashion na yan!

Nagpatuloy kami sa paglalakad at mas lalong lumalala ang gossips. Pinagpipikturan at pinaglalaruan na ako. Walang katapusang tawa. Hindi na to tama.

"G-guys, palit na ako" hiyang hiya na sabi ko. "Why?" gulat na tanong ni Camille.

"Can't you see? Pinagtatawanan nalang nila ang suot ko, no offense pero uso ba talaga to?"

"Of course" pagtatanggi ni Aya habang tinatanggal ang earphones sa tenga niya.

"Baka sa Ukraine to uso, hindi dito sa pilipinas" pagtatapat ko.

May narinig akong mga bulungan na hindi naaalis sa isip ko >_____<

"Look at her"
"Oh my. Wala man lang ba siyang style style sa pananamit?"
"Pangit na nga, ipagsabay pa ang baduy na damit!"
"Nakakaawa siya, ang baduy!"
"Hahaha! Nasa pilipinas tayo miss! Wala sa Mongolia!"
"Hahahaha! Wala talagang papatol sa mukhang babaeng nagbebenta ng bible sa kanto!"
"HAHAHAHA!"

Ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang sakit ng mga binibitawan nilang salita.

"Miss, magkano po ang kilo ng bangus?" tanong ng lalake.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" lahat ng tao, pinagtatawanan ako...bakit... hindi pwede to...

"Classy!" sigaw nilang apat ng bigla akong tumakbo palayo sa mga tao. Walang katapusan ang luha ko, sa bawat takbo ko, sabay din ang tawa nila.

Sumiksik ako sa isang maliit na lugar na walang tao. Umupo ako doon at niyakap ang binti ko at itinago ang mukha ko. Umiyak ako ng umiyak.

"Miss?" sumilip ako sa isang lalake na nakatayo sa harap ko. Kinuha ko ang panyo na inaabot niya saakin. Pinahid ko to sa luha ko ng maamoy ko ang perfume sa panyo. Tinapon ko to agad sakanya at tumingala. Nakaupo na nga, pandak pa, kapre pa siya, ano nalang resulta? 0__0

"Hoy Maliit, ikaw ba yan?" O___O; gulat na parirala niya.

"Hinde, si Dora" -________-"

Umupo din siya para ka-level kami. Kumunot noo ko. "Anong ginagawa mo?!" sigaw ko. "Nice suit," komento niya.

Agad ko siyang tinulak kaya napaupo talaga siya. "Oo na! Pangit na!Baduy na kung baduy! Iwan mo na ako--" I choke, not realizing that my tears starts to fall down my cheecks. I can't cry. I can't cry. Not in front of him. Matapang dapat ako.

"What do you mean? You look wonderful"

Tumayo ako at ipinakita sakanya ang itsura ko.

"Wonderful ba tawag mo dito? Ha?"

Tumayo siya pero hindi niya tinignan ang damit ko, saakin lang siya nakatingin the whole time.

"Yes, you look wonderful..." sincere na sagot niya.

Pinahid ko luha ko at nagulat ng bigla niyang ipinulupot ang jacket niya sa katawan ko.

"Ano to?" tanong ko habang tumutulo parin luha ko.

"Jacket" -____-+

"Nice" -_____- bulong ko. Nagtatanong ng maayos, walang kwentang sumagot. Hinila niya na ako at yumuko nalang dahil pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao.

Inuwi na ako ni Clifford not knowing na nandito pa pala ang jacket niya. I'll give it back kung magkikita kami. For now? Thankyou...

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon