Chapter Sixty Two- I'll Always Love You

14 0 0
                                    

Hanggang ngayon di ko parin matanggap na wala na siya. Hindi man lang ako nakapaalam ng maayos. Di ko man lang siya nayakap, napasyal, nahalikan, pinasaya, pinakain at kung ano ano pa. Ngayon, wala na. Huli na ang lahat. Siguro wala ng saysay ang buhay ko. Siguro magkasama na sila ngayon ni Camille.

"Okay ka lang?" may tumapik sa braso ko at umupo sa tabi ko.

"Kung sasabihin kong oo, nagsisinungaling ako, kuya" sagot ko kay kuya Troy.

Nakaupo kami ngayon sa dulo ng private yacht. Nandito ang buong pamilya ng Cansey. Nakisama lang ako dahil itatapon na siya sa malinaw na tubig dito sa palawan. Papunta palang kami doon. Gustong gusto daw kasi ni Classy ang palawan kaya doon napagdisyunan ng pamilya niya na itapon ang ash. Ni-cremate ang katawan niya.

"Kapal mo rin ano?" tumawa siya pero may halong lungkot ito.

"B-bakit?" pareho kaming napatingin sa langit.

"Ikaw lang ang Caster dito" -____-

"Sorry naman. Gusto ko lang sumama"

Bumuntong hininga siya.

"Ang hirap paniwalaan," bulong niya sa hangin.

"Kahit ako, di ko pa tanggap"

"Mmm..." ipinikit niya mga mata niya.

"Sana, masaya na siya ngayon"

"Sana nga..." sagot niya.

Umalis siya ng dahan dahan. Tinignan ko siya. Pinahid niya luha niya at pumasok. Naiwan ako.

"Patawad..." iyak ko.

"Kasalanan ko kung bakit nasa taas ka na ngayon...di kita naligtas..." hinayaan kong bumuhos ang luha ko.

"Sana mapatawad mo ako..."

Nakarating na kami sa palawan at nagsilabasan na ang mga pamilyang Cansey. Nasa pinakaharapan ang parents niya at si kuya Troy.

Unang kumuha ang nanay at tatay niya ng ash sa jar at itinapon ito. Habang umiiyak sila, sunod naman si kuya Troy. Hindi siya umiyak pero kitang kita sa mga mata niya ang sobrang lungkot.

Sunod sunod na ang pagkukuha nila sa ash at isa isang tinatapon sa tubig hanggang sa ako na ang sunod.

Binuhos ko ang natitirang ash sa kamay ko at hinalikan ito na ikinagulat ng lahat. Dahan dahan ko itong hinulog sa tubig sabay punas ng labi ko.

Nagsinablikan na silang lahat sa loob pero nandun lang ako sa labas, tinitignan ang spot kung saan namin inihulog ang ash.

Habang lumalayo ang boat, mas lalong humihigpit ang dibdib ko. Ang sakit sakit lang. Sobrang sakit.

Nakauwi na kami at di na ako nagpaalam na aalis na ako. Sumakay na ako sa motor ko at nagdrive na. Actually, di ko alam saan ako pupunta, motor ko nalang bahala.

Napadpad nalang ako sa park. Napangiti ako ng kusa ng nakita ko ang mga bata. Naaalala ko tuloy ang mga pinagusapan namin...

"Ang ganda ng mga bata nu," bulong niya habang ngumingiti sa mga bata.

"Gusto mo mga bata?" gulat na tanong ko.

"Oo, bakit may angal ka?"

"Wala nu," sabay iwas tingin,"gustuhin ko nalang..."

"Ano sabi mo? Lakasan mo nga!" sigaw niya.

"Iuuwi na kita" sabay akbay sakanya. Tinulak niya ako sabay sabing"Wag ka ngang lumapit"

Bigla nalang tumulo ang luha ko na agad ko namang pinahid. Ngumiti ako at tumingin sa langit. Nakakapreskong isipin na ang sungit sungit ng torotot na babaeng yun.

Di ko na napigilan ang paghikbi ko. Shit! I feel so... gay!

Pero wala na akong pakealam. Humagulgol na ako habang nakatayo lang at nakikita ang image ni Classy sa harapan ko na nakatingala a.nakakunot ang noo.

Di ko man lang nagawang humingi ng tawad sa pagiwas ko sakanya... hunarang kasi ang pride ko kaya natabunan ito ng pagmamahal ko. Ni hindi ko inisip ang pwedeng mangyari.

Pero masaya parin ako at nagpapasalamat sa Diyos na binigyan niya ako ng ganun katagal na taon para makapiling ang babaeng mahal ko at alam kong siya ang huling iibigin ko. Patawad kung nasaktan ko siya. Alam kong nakikita niya ako ngayon kaya ngumisi ako sa langit na parang baliw.

Pinahid ko luha ko habang tinatanaw ang paggalaw ng ulap.

"I'll always love you..."

To be continued...

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon